NMTFTW 9

16 0 0
                                    


JAZZ'S POV

One week ng hindi pumapasok si Tristan. Hindi ko din siya makontak. Busy naman sa school kaya hindi ko siya mapuntahan sa bahay nila. Isang linggo na ring parang walang pumapansin sakin sa school.


Miss ko na nga yung barkada eh. Yung paglabas labas namin pag weekend tas magkakarambola kami sa mall o kaya sa bahay.


Lately kasi, busy silang lahat. May kanya kanya silang ginagawa.


Weekend pa naman ngayon pero eto, wala akong kasamang gagala.


Pupuntahan ko nalang si Tristan sa bahay nila.


Sa bahay nila Tristan..


"Kayo po pala ma'am Jazz, pasok po kayo." pinapasok ako ni Ate Irma.


"SI Tristan po Ate Irma?"


"Ay saglit lang po ma'am." umakyat siya papunta sa mga kwarto.


Nakita kong bumaba ang mama ni Tristan.


"Tita si Tristan po?" lumapit ako sa kaniya.


"Jazz may sakit kasi yung kaibigan mo eh. Natutulog siya ngayon. Napacheck up na namin siya. Sabi ng doctor stress daw." Pagpapaliwanag niya.


"Ganun po ba tita? Sige po hindi ko na po siya abalahin. Pakibigay na lang po sa kanya tong siomai. Paborito niya po yan kaya po baka lumakas siya pag nakain niya yan. Nagpaphotocopy na rin po ako ng notes namin sa school para po wala siyang mamiss na lesson."


"Salamat Jazz ah. Balitaan kita kaagad pag gumaling na siya. O kaya ipapatext kita sa kanya pag nagising na siya."


"Sige po, una na po ako Tita."


"Ingat ka."


Lumabas na ko ng bahay nila. Pero pakiramdam ko parang may mali eh.


Una. Hindi naman talaga sakitin si Tristan. Hindi ko sinasabing immortal siya pero pag nagkakasakit yun nag aaya pa yun ng barkada sa bahay. Tas kalakas pa kakain.


Pangalawa, lagi niya ko binabalitaan pag may sakit siya. Magtetext pa nga yun ng blow by blow ng pag-iinject sa kaniya. Kasi duwag yun.


Pangatlo, nastress daw sabi ng doctor. Lately, hindi naman siya mukang stressed. Ang saya saya pa nga niya bago siya hindi pumasok.


Hindi ko alam, pero hindi ako naniniwalang may sakit si Tristan.


Pero, wala naman akong choice kung ayaw niya makipagkita sa akin. Intindihin ko muna siya.


Baka may pinagdadaanan siya, hindi lang binibida sa akin.


Naisipan kong magpunta sa isang café malapit sa subdivision nila Tristan. Yung madalas naming pinupuntahan dati.


"Good afternoon Ma'am Jazz." Bati ng mga crew dun na kilalang kilala na ko.


"Hindi niyo po kasama si sir Tristan?" tanung nung manager.


"Hindi eh. May sakit daw, galing ako sa bahay nila."


"Talaga ma'am? Nung isang araw lang po kasi andito siya."


"Ganun po?" sabi ko na nga ba, may kakaiba.


"Tinanung ko pa nga po sa kaniya kung bakit di po niya kayo kasama. Eto po yung menu ma'am, bibigyan ko pa po ba kayo or wag na kasi kabisado niyo naman na lahat ng meron kami dito."


"Isang stowbellie milkshake lang po. Pwede ko pa po ba kayong makausap?" tanung ko sa manager.


"Sure ma'am. Ikaw pa eh suki ka namin."


"Salamat po. Nung pumunta po siya dito, muka po ba siyang may sakit?"


"Hindi naman po, pero di rin po siya yung masiglang masigla. Diba ma'am dati po hilig pa niya na hihiramin yung gitara namin tas haharanahin yung mga tao dito? Nung araw po na yun ma'am. Pinipilit po namin siya kasi andaming customers nun. Pero ayaw po niya."


"Nagtagal po ba siya dito?"


"Saglit lang po. Sabi pa nga po niya may pupuntahan pa daw po siya kaya daw po i-take out na lang niya yung binili niya."


"Hindi niya po nasabi kung san siya pupunta nun?"


"Wala naman po siyang nabanggit samin. Ay teka ma'am. May naiwan nga po pala si sir Tristan dito." Pumunta siya sa counter para kunin yung sinasabi niya.


"Eto po ma'am oh. Maiwan ko na po muna kayo ma'am. May aasikasuhin lang po ako."


"Salamat po." Nginitian ko siya.


Inabot niya sakin yung naiwan ni Tristan. Yung anklet na bigay ko sa kanya. Bakit niya kaya naiwan eh hindi nga niya hinuhubad yun. Anu ba yan? Napapanu ba talaga siya.


"Sir Ethan?"


"Choco Overload niyo po Sir Ethan."


Ethan? Andito kaya si Ethan.


Nakita kong may bumababa mula sa hagdan. Andito nga si Ethan. Sino kayang kasama niya?


Lumapit siya sakin.


"Jazz, order mo daw oh. Kanina ka pa dito?" tanung niya habang inaayos ang buhok niya.


"Hindi naman, kararating rating lang din. Ikaw? Sino kasama mo?" usisa ko.


"Ako lang. Oh anu? Busy ka? Tara maggala. Para naman sumaya saya ka."


"Ha?" pagtataka ko sa sinabi niya.


"Tara na, dami pang sinasabi eh." At kinaladkad niya ko palabas ng café.

Never Meant to Feel This WayWhere stories live. Discover now