NMTFTW 4

62 2 1
                                    

JAZZ’ POV

“Bakit kanina ka pa nakatingin sakin?” tanong ni Ethan.

“Ha? Ah eh w-wala.” Sagot ko. Eh kasi naman eh manghingi daw ba ng kiss. Buti na lang talaga tinawag na kami ni Tristan kasi may klase na.

 “Nagagwapuhan ka sakin hano?”

“Ewan ko sayo! Ang feeler mo!” ang feeler ah, pero ngayon ko lang napansin na may dimples pala siya.

“Eh bakit mo ko pinagmamasdan kanina pa?”

“Hindi naman ah, dun ako sa may bintana nakatingin.”

“Weh! Ikaw ha baka naman magkagusto ka pa sakin niyan.”

“Che! Hindi nga kita tinitingnan sabi eh. At. HINDI. KITA. GUSTO. Iteteyp ko yang bibig mo para manahimik ka!” ang kulit kulit kasi niya, tsaka ako magkakagusto sa kanya? No way, sa dimples mo magkakagusto ko pero sa’yo hindi.

“Tsk, napakabrutal talaga. Nakukyutan ka lang sa dimples ko eh.”

Hindi na ko kumibo. Tinalikuran ko na lang siya. Nakita ko kasing ngumiti siya, tapos lumabas yung dimples niya. For the first time parang nagkacush ata ako sa ngiti ng isang lalaki? Hahahahahaha!

Rrriiiiiinnnnnnngggggggg

Ayan, uwian na. mabilis na nagsilabasan yung mga kaklase ko. Lalabas na sana ko ng room ng biglang bumuhos ang malakas na ulan. Oh my! Bakit ngayun pa? Kung kelan wala akong payong. Napakawrong timing naman ng ulan. Lalo na ngayong wala ang mga kabarkada ko at magbabonding daw sila. No choice ako kundi hintaying tumila ang ulan. Kaylangan ko pa namang makauwi ng maaga, ang dami daming homework eh. Huli kasi lagi akong lumalabas ng room. Class president kasi ako kaya kailangan masure ko muna na maayos ang room bago ako umuwi. Kung alam ko lang nakisukob na sana ko sa mga classmate ko.

---------

After 20 minutes, wala pa ring pinagbago. Ang lakas lakas pa rin ng ulan. Pano ko uuwi? Ang hirap pa naman mag-abang ng jeep kapag ganitong panahon.

Pamaya-maya nakita kong dumungaw si Ethan sa may pinto.

“Sabi na nga ba andito ka pa eh.”

“Oh Ethan ikaw pala, wala akong payong eh. Ikaw bakit andito ka pa?”

“May pinagawa kasi saking report yung English club.” oo nga pala P.R.O. siya ng English club.

“Ah, pauwi ka na?”

“Oo sana, kaso pano ko uuwi kung andito ka pa?” sabay kamot niya sa ulo niya.

“Ah hindi, ok lang ako. Siguro naman mamaya titila na yung ulan. Hintayin ko na lang.”

“Baka hinahanap ka na sa inyo. Sumabay ka na sakin.” pag-aaya niya.

“Wag na, nakakahiya naman sa’yo.”

“Wag ka na nga mahiya, bakit ba kasi hindi ka nagdala ng payong, ayan tuloy.” aba lokong to, sinisisi pa ko.

“Eh malay ko ba, close ba kami nung ulan?”

Lumabas na kami ng room at bumaba ng hagdan, gawa nga ng nasa 3rd floor pa kasi ang room namin.

“Ikaw kababae mong tao hindi ka nagdadala ng payong.” pangangaral sakin ni Ethan

“Ang dami mo pang sinasabi dyan, lunurin kita diyan sa kanal eh. Anu isasabay mo ba ako o hindi?”

“Tingnan mo to, tutulungan na nga eh. Ang brutal mo talaga.” sabay pindot niya sa ilong ko.

“Aray naman, oh asan na yung payong mo?”

“Iniwan ko kasi yung gamit ko sa library, naabutan na ko ng ulan sa office ng English club. Eh andun sa bag ko yung payong.”

Never Meant to Feel This WayWhere stories live. Discover now