NMTFTW 2.1

79 2 2
                                    

CHAPTER 2

JAZZ’ POV

2nd day of classes na, maaga kong pumasok kasi nagbabagong buhay ako. Last year kasi dapat magiging candidate ako na mapunta ng first section, kaso bumaba yung grades ko sa character dahil lagi nga akong late. Kaya this school year, I’ll try my best para makapasok ng maaga.

Pagpasok ko ng room, kapag nga naman minamalas ka hano. Ang bumungad lang naman sa’kin eh ang pagmumukha ni Alcaraz. BV talaga.

“Good Morning.” bati niya. Ano ba tong lalaking to? Bipolar? Kahapon lang inaaway ako tapos ngayon may pabati-bati pa. Wag ko ngang pansinin.

Naupo na lang ako at nagbuklat ng books ko para sa first subject.

“Ui. Good Morning.” Ulit niya.

“Ui kumibo ka naman diyan.” Pangungulit niya.

“Bakit? Tanong ba yung good morning, kaya dapat sagutin?”

“Hindi, pero hindi ka ba tinuruan na kapag binati ka ng good morning eh dapat mag-good morning ka rin?”

“Tinuruan, pero kung galing naman sa taong inaway ako kahapon, eh wag na lang.” akala ba niya eh makakalimutan ko yung ginawa niya sakin kahapon?

“Ok. Ok. Sorry na. My fault.”

“Buti alam mo.”

“I want to clear things, ok. Hindi ko naman sinasadya na awayin ka. I just want to talk to you, kasi naman wala akong kakilala sa section na ‘to.”

“So ganun ka pala makipag-usap, nang-aaway ka at nakikialam.”

“Hindi naman sa ganun, akala ko kasi hindi mo seseryosohin.”

“Hindi ko seseryosohin? Eh tinawag mo nga akong isip bata.”

“Ok, inaamin ko naging harsh ako sa’yo. Kaya nga nagsosorry na ako. Come on, 1 year tayong magkakatabi. It’s not right na magkaroon tayo ng galit sa isa’t isa.

“Oi, wag mo nga akong English-englishin diyan.”

“Ok, ok. Sorry na kasi.”

Sorryhin mo yang mukha mo, tinalikuran ko nga.

Tara na lang magsoundtrip.

After mga 5 minutes….

“Jazz.” tawag sakin ni Ethan.

Kunwari hindi ko siya narinig, diba nga kasi nakaearphones ako. Kunwari ang lakas ng volume ng pinapakinggan ko.

“Jazz” aba at nangalabit pa ang bwisit.

“Hindi tayo close, wag mo kong kausapin at wag mo nga ako makalabit kalabit diyan.”

“Tsk. Sungit. Tatanda kang dalaga.”

“Ikaw naman mamamatay kang binata.”  Tinaasan ko pa ng kilay. Oh ano ka ngayon? Taob ka Ethan.

“Asa naman, at least sakin may nagkakagusto. Eh sayo meron ba?” Pagyayabang ni Ethan

Never Meant to Feel This WayWhere stories live. Discover now