Chapter 12: "Hidden question"

396 9 0
                                    

Hi! sooooooooorrrrry sa late update! anywaaaay here's for you guys! :)))

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

DJs POV

“HOY DJ!!!” napaigtad naman ako dun at lumayo sa kanya. Ang sakit naman sa tenga.

“Ang bastos mo.. kanina pa ako daldal nang daldal dito tapos ikaw nakatumulala lang diyan! Anu ka ba? Gets mo na ba yung sinabi ko? Tara na.. para matapos na to. Mag-lu-lunch na ah..”

Umiling ako. Napairap naman siya.

Kaninang-kanina pa yata siya nagsasalita pero hindi nag-sink sa utak ko yung mga sinasabi niya. Pumapasok sa kabila, lumalabas naman sa kabila. Ewan ko ba. Pag itong babaeng to ang nasa harap ko Natutulala na lang ako ng de oras.

Nandito kami sa Kitchen namin ngayon, sa bahay namin. Nilibot ko yung panigin ko, ang daming nakakalat na Grahams saka Cream. Wag niyo na akong tanungin anung gagawin namin diyan kasi Hindi ko rin talaga alam. Nakatunganga nga ako diba?

“Haaay nako Daniel.” Tinaasan ko siya ng Kilay. Daniel? DJ diba? DJ! “Bakit? Ang arte nito. E yan naman ang tawag ko sayo dati ah..”

“So ano nga? Anong gagawin?” pagsusungit ko.

“Alam mo ikaw? Hindi ko maintindihan yang takbo ng utak mo.. nung isang araw okay pa tayo sa kaka-pick up natin tapos the next day nun iniiwasan mo ako.. kanina lang sabi mo maganda ako kaso ang iksi ng shorts ko, akala ko okay na ulit eh.. tapos nagsusungit ka na naman.” Sumimangot siya.

Makokonsensya na sana ako, kaso iba naman yung dinugtong niya..

“Bakla ka ba? Kasi kung makapag-moodswings ka e WAGAS!!!”

Ano daw?? Bakla?? Tinuro ko naman ang sarili ko sa harap niya habang pinipigilan niya ang pagtawa. Well hindi ako magpapa-apekto sa mga sinasabi nito baka isipin pang totoo. Hindi rin naman to bago sakin kasi hindi rin minsan na nagpakamalan kami ni Albie na magsyota. Para naman kasi kaming Kambal tuko eh. Laging nakadikit sa isa’t isa.

“So ano na nga??” sabi ko na parang naiirita para matigil na siya.

“Ito.. Gagawa ka ng Mango Float, in just 30 minutes. Tapos--”

“Anong magagawa ko sa 30 minutes????” Akala naman nito ang dali ng gagawin ko. Ni-hindi ko pa nga na-try yang mga ganyan.

“Oo! 30 minutes kasi wala pa kaming Lunch at yan ang kakainin natin mamayang merienda. O kaya i-desert natin. Tapos, while gumagawa ka ng Mago Float i-didistract naman kita habang tinatanong nitong mga tanong na ito..” she said with that evil grin.

“Bakit kasi kailangan Mango Float? Magpa-order na lang tayo. Madali lang yan. O kaya si Mo--”

“Yun na nga eh! Lagi mo na lang inaasa sa Mommy mo ang mga gawaing bahay. Ngayon ikaw naman.. total naman hindi mo ako gini-greet ng higit limang taon at sinusungitan mo ako gawin mo na lang yang favorite ko.” Sabay taas-taas ng dalawang kilay.

Tinaas ko yung kamay ko. Wala na naman ako magagawa eh Task nga diba? Saka wala pa akong gift kaya ito na lang ibibgay ko. Inumpisahan ko na ang pagawa ko ng gift ko na nakatingin lang siya at minsan pa ang nagtuturo sakin. Asan ba naman ang thrill dito?

“Sarapan mo ha!? Pag yan maasim ikaw uubos.” Sabi niya na nakatalikod ako.

“Siyempre!!” nilingon ko siya at kinindatan,  tapos binalik ko yung tingin ko sa hinihiwa kong Manga.

Love Moves in Mysterious Ways ♥ {ON HOLD}Where stories live. Discover now