Chapter 12

339 16 0
                                    

Abby

"Kutsara", sabi ng katabi ko at inabot ko naman ito sa kanya at bumalik sa pag-inom ko ng hot chocolate.

"Pandesal", sabi ulit ng katabi ko at nagtitimping inabot ko ang paper bag na may lamang mga pandesal.

"Egg-"

"TEKA NGA! Kanina ka pa Kuya ah! Hindi mo ko katulong. Umayos ka nga!", pasigaw kong sabi sa kuya ko.

"Haysss, minsan na nga lang dumalaw ee", sabi naman niya at sabay inom sa kape niya.

Siya ang Kuya Nathan ko. 22 years old, graduate ng kursong Bachelor of Science in Accountancy at kasalukuyang kumukha ng kanyang masteral degree. At kasalukuyan ding namemeste ng tirahan ng may tirahan!

"Teka nga, Kuya. Bakit ka ba kasi nandito? Anong naisipan mo at bigla ka na lang sumulpot dito, ha?", mataray kong pagtatanong kay Kuya.

Madalang lang kasi siya dumalaw sa akin. Nasa probinsya sila Mama at Papa at ang iba ko pang mga kapatid, kaya si Kuya ang dumadalaw sa akin paminsan minsan dito sa apartment ko. At kagabi nga ay halos atakihin ako sa puso nang pagkauwi ko galing sa Western Blue Sea ay biglang may nakita akong taong nagbubukas ng pintuan ng ref ko.

"Ilang buwan tayong di nagkita pero parang pinapaalis mo na ako. Grabe ka ah. Parang di tayo magkadugo!", sabi ulit nito habang tuloy pa rin sa pagkain ng pandesal na pinalamanan niya ng scrambled egg.

Psh.. Pero kilala ko ito ee. Pumupunta lang tong lalaking to dito pag may kailangan..

"Anong kailangan mo?", diretsahang tanong ko na sa kanya.

Uminom muna siya ng konti sa kape niya at nagsimulang tumingin sa akin ng seryoso. Hinawakan niya ang mga kamay ko at nagsalita.

"Abby, mahal kong kapatid, kailangan ko ng tulong mo", sabi niya na may nakakaawang mukha. Or more like, nagpapaawang mukha.

"Hays, dali na. Ano ba kasi yan?", sabi ko sa kanya at uminom ng hot chocolate para kumalma ng konti ang katawan ko.

"Kilala mo ba to?", naglabas siya ng isang litrato. Bigla naman akong naubo at muntik ng maibuga ang iniinom ko pagkakita ko sa taong nasa litrato.

"Okay ka lang ba Abby?!!", nag-aalalang tanong ni Kuya.

SUSMARYOSEP! Sinong di masasamid at mauubo? Eh pagmumukha nung baklang yun ba naman ipakita sayo habang umiinom ka? Jusko! Teka, ba't may picture siya ni Kuya?

"O-Okay lang ako. H-Hindi ko kilala yan, bakit?", kailangan playsafe muna tayo. Wag muna natin sabihin na kilala natin ang baklang nasa picture.

Kinalma ko ulit ang sarili ko gamit ang hot chocolate ko.

Huminga ng medyo malalim si Kuya at nagsalita ulit.

"Abby, please be this guy's girlfriend."

Parang bulkang nagsitalsikan ang lahat ng nasa bunganga kong hot chocolate. Naubo ako ng naubo at pilit kinakalma ang sarili ko.

As in PILIT talaga.

"A-Abby okay ka lang ba?? Napapadalas yata ang pagkagulat mo. Madalas ka bang magkape hah??", pag-aalala naman ni Kuya.

A-Ano daw? G-G-G-Girlfriend??

Hahahahahaha no way.

Tatawa tawa kong naiisip ang mga sinabi ni Kuya.

Yung lalaking yun? Tapos ako?

Pfftttt...

No way, no way. Sabay iling ng ilang beses habang may sarkastikong ngiti sa mga labi.

The guy who got dumped by a guyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon