Chapter 11

335 17 2
                                    


Abby

Haaaay. Ang ganda talaga dito sa Western Blue Sea. Ang peaceful~ Sabi ni Emily, dito daw gaganapin ang wedding ng Kuya niya. Kaya kami pumunta dito. Pero mamaya aalis na rin kami.

Pero babalik kami next week, at mag-sstay ng 1 week para magpractice at mag-ready for the wedding. Yay! ~

Dahil wala akong magawa at busy si Emily sa ngayon, maglalakad lakad na lang muna ako.

Hmm? Teka. Yung bakla yun ah. May kasama ba sya? Mwehehe.

"Bak-"

"What the heck are you doing with your life?! Ilang beses mo ba ako ipapahiya? Ilang beses mo ba dudungisan ang pamilya natin?!!"

Huh? Sino yun? Ano daw? Pinapagalitan si Baks!

"Sorry, Dad-"

"You're disgraceful. Don't call me Dad. You'll fix this issue and don't you dare mess up again!"

Kitang kita ko ang hindi maipaliwanag na mukha ni Baks ngayon. So tatay niya pala yun. Pero bakit ganun sila mag-usap?

After ilang minutes, umalis na yung tatay niya.

"Wuy. Okay ka lang?", tanong ko sa kanya habang pinipindot pindot yung braso niya gamit ang pointing finger ko.

Halatang nagulat siya sa pagsulpot ko pero agad din siyang nagsalita. "Tsk. Mind your own business."

Hayst. Gusto na nga lang mag-comfort ng tao ee. Siya pa may ayaw. Edi wag!! Hmp! Teka, icocomfort ko ang taong yun? Eww!

Umalis na ako at pinuntahan ulit si Emily.

"Ems, ano ginagawa mo?"

"Ah, Abby. Nagtitingin ako ng mga pwedeng gamiting old pictures ni Kuya sa wedding niya", masayang sagot ni Emily habang nagbubuklat ng mga photo albums.

"Ah! Para ba yan sa embarrassing moments chuchu?", tanong ko at bigla na namang tumawa si Emily! Luhhh. Diba merong ganun sa mga kasal? Yung ikkwento yung mga most embarrassing moments ng ikakasal? Gustong gusto ko yung part na yun ee! Mwehaha.

Sa pagtawa ko, naalala ko bigla yung nakita ko kanina. Bakit kaya ganun silang mag-ama? Ibang iba sa amin ni tatay.. Hmm..

"Abby okay ka lang?"

"Emily, pwede magtanong?", hindi ko talaga kayang di pansinin na lang yun. Hays.

Nag-nod at nag-smile naman si Emily.

"Yung bestfriend ng Kuya mo, yung bak- I mean, si En.. En..", the fudge! Nakalimutan ko pangalan niya!!

"Si Kuya Ency?"

Oo yun pala yun! "Oo. Umm, paano sila nagkakilala ng Kuya mo?"

Ngumiti sa akin si Emily.

"Ang kwento sa akin ni Kuya, nagkita sila sa botique. Nung araw na dumalaw si Kuya Ency sa botique namin, bumalik ulit siya the other day at nagsimula na silang maging friends. Si Kuya Ency.. hindi maganda ang relationship nya sa family niya. Kaya lagi siyang pumupunta sa amin or kasama si Kuya Eli. Pero kahit ganun siya, mabait si Kuya Ency."

Kaya pala. So gaya ng mga napapanuod ko sa TV, talaga palang may ganun sa totoong buhay!

Di ko tuloy alam kung maaawa ako o ano. Pero mind my own business daw ee. Edi wag! -___-

~

Ency

"One of Benedicto's heirs has been caught dating with another man. Is this the end for Benedictos?"

Damn it. Paanong date e hindi nga ako sinagot? How foolish.

"What the heck are you doing with your life?! Ilang beses mo ba ako ipapahiya? Ilang beses mo ba dudungisan ang pamilya natin?!!"

"You're disgraceful. Don't call me Dad. You'll fix this issue and don't you dare mess up again!"

Sa pagkainis ko, sinipa ko ang buhangin.

"Ency, may problema ba? Para kang bata dyan naninipa ng buhangin."

Paglingon ko.. si Queenie.

Makita lang kita, okay na ako.

"Ency, anong problema?", this time sobrang lapit na niya sa akin.

Hindi ko na alam kung anong dapat gawin. Wala akong maintindihan.

Sa sobrang sakit ng nararamdaman ko, di ko na namalayang niyakap ko na si Queenie. Pero wala na akong pake. Gusto ko... Gusto ko lang tumakas sa lahat ng 'to.

~

Abby

Pupuntahan ko sana si Baks para... um ano ba. Basta! Pero pagkakita ko sa kanya, may kasama siyang iba..

Si Kuya "Queenie" niyayakap si Baks habang umiiyak ito..

Doon ko narealize. Sobrang close pala talaga nila. Hindi ko magagawang icomfort siya ng ganun.. dahil di ako ang kailangan niya.

HAYSSS!!! Edi wag! Sino ba kasi may sabing gusto kong icomfort ang taong yun?! Pshhh! Edi magsama sila!

* kriiing kriiiing *

Huh? Sino na naman kaya to?

"Hello? Badtrip ako ngayon kaya maya na lang kayo-"

"Brille.."

Pagkarinig ko ng boses nya, agad agad kong pinatay ang phone ko.

Ayoko. Ayokong marinig ang boses nya. Masakit pa rin, kaya wag muna.

Tbc.

The guy who got dumped by a guyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon