OSS 5: Hiwaga Ng Pasko

Start from the beginning
                                    

Ngunit sadyang matigas ang ulo ko dahil na rin isa akong prinsipe. Sobra kasi kong nabighani kay Anata nang una ko pa lamang siyang masilayan. Kaya napagpasyahan kong magpakita sa kanya. Mabuti ay hindi siya natakot sa akin.

"Kapag handa ka na sumama sa 'kin ay may paraan para magkasya ka dyan. Pero huwag na nga muna natin pag-usapan iyan." Alam kong hindi pa siya handa. Masyado pa siyang inosente.

"Pero hinalikan mo ko? Ang sabi ni Ina na huwag akong papahalik at baka ako'y mabuntis." Tumawa ko sa tinuran niya at napaka-inosente ng mga mata niyang tumitig sa'kin. Bakit ba gayon ang turo ng kanyang ina? "Pinagtatawanan mo ba ako?!"

Hindi lamang ako kasintahan at kaibigan sa kanya, madalas ay ako ang nagtuturo ng maraming bagay sa kanya. Ipinaliwanag ko sa kanya na hindi siya mabubuntis sa halik lamang. Hindi ko malaman kung paano ko maipapaliwanag sa kanya nang hindi na niya susundan pa ng isa pang katanungan.

Nakasandal na siya sa puno ng Balite at ako ay nakaupo sa kandungan niya habang matiyagang sinasagot ang kanyang mga katanungan. Umihip nang may kalakasan ang hangin at niyapos niya ang kanyang sarili.

"Ramdam na ang nalalapit na kapaskuhan sa ihip ng hangin." Sininghot pa niya ang sariwang hangin na tila mabangong bulaklak.

Marami akong alam na mga bagay-bagay dito sa mundo ng mga tao dahil isa kong galang prinsipe ng mga duwende pero wala pa kong nakapanayam na mga tao si Annata pa lamang. At pag ganitong kapanahunan ay lagi siyang masaya.

Ipinaliwanag niya sa akin ang diwa ng kapaskuhan. Kahit wala naman kaming paniniwalang tulad ng kay Anata sa tinatawag niyang Diyos Ama at ang pagsilang ng Diyos Anak na si Hesus. Masaya kong nakikinig sa kuwento niya dahil hindi nawawala ang mga ngiti sa labi niya.

Maniniwala siya na ipinadala si Hesus aa mundo para tubusin ang kasalanan ng mga taong tulad niya at malalim ang paniniwala niya sa pag-ibig ng Diyos sa mga tao. Basta may paniniwala sa Diyos ay mabubuhay nang maligaya ang mga tao.

Hiniling ni Anata na kung maari n'ya ko maipakilala sa kanyang mga magulang bilang kanyang kasintahan sa bisperas ng kapaskuhan. Kung maari akong lumaki at maging kawangis ng mga tao. Sinabi ko sa kanya na may paraan pero kailangan kong pag-aralan mabuti ngunit nangako ako na darating ako sa araw na iyon.

Kinausap ko ang aking amang hari ngunit hindi siya sang-ayon sa nais ko na mag-anyong tao kahit pa ilang oras lamang sa mundo ng tao.

Lahat daw ng bagay ay may kapalit. Ang tatlong oras na pamamalagi ko bilang tao ay tatlong taon hindi ako maaring makabalik sa mundo itong. Kung limang oras ay limang taon.

Ninais ko pa rin ang maipakikila ako ni Anata sa araw na iyon at ipapaliwanag ko na lamang sa kanya na hindi kami magkikita ng ilang taon tutal ay bata pa naman siya.

Dahil sa kakulitan ko at pagiging prinsipe ay napapayag ko si ama. Dalawang oras lamang ang ibinigay niyang palugit sa akin at paglumagpas ay babalik ako sa dati kong anyo. Bawal din ang gumamit ng kapangyarihan dahil may kaakibat daw itong kaparusahan. Maaring hindi na ako makabalik sa dati kong anyo at sa aming kaharian.

Disyembre 24, 1945

Ang usapan namin ni Anata noong huli kaming magkita ay ipapakilala niya ko sa kanyang magulang bago sumapit ang tinatawag nilang noche buena sa ika-12 ng gabi. Kaya ika-11 ng gabi ang bisa ng pagiging tao ko hanggang ika-isa ng umaga.

The Stories In My HeartWhere stories live. Discover now