Chapter 19 [Third Wheel?]

2.1K 44 19
                                    

Chapter 19 [ Third Wheel ]


SCARLET


Hindi pa rin ako nakaka-get over sa nangyari kanina. Ayaw i-process ng utak ko lahat ng iyon. Nababaliw na yata ako!


Wala na ang mga tao dito sa gym. Karamihan ngmga varsity player ay nag uwian na. Bakit pa ba kami nag stay dito? Bigla kong naalala na dapat kaming pumunta ni Clodet sa bookstore.


"Clodet? I think we should go now. Tapos na yung game oh" kinilabutan ako nung makita ko ang kakaibang ngisi niya. Para bang may balak siya na hindi maganda.


" No! Let's stay for a while. Charles will be here any minute" masayang pahayag niya.


Bigla na namang bumilis ang tibok ng puso ko. Dahil siguro sa kaba, sa takot o dahil doon sa di ko maipaliwanag na pakiramdam. Paano ko siya haharapin? Patay na ako nito! Feel ko magiging awkward na lahat sa amin!


"Oh! He's here!" Natauhan ako sa sinabi ni Clodet. Mas lalo pa tuloy akong kinabahan at pakiramdam ko ay sasabog na ang puso ko. Hinawakan ko na ang braso ni Clodet at akmang hahatakin para makaalis na kami. Kaso hindi ko siya napigilan.


" Charles! We're here and also Scarlet is with me!" sigaw niya habang kumakaway sa lalaking kakalabas lang sa locker room. Narinig ko ang papalapit na yabag ng sapatos sa direksyon sa amin. Nanalalambot ako lalo na kapag naiisip ko na malapit na siya sa amin. I can feel his presence all over the place.


Sa wakas ay nagkaroon ako ng lakas ng loob para itaas ang ulo ko. He's standing in front of us and maybe there is a one meter gap between us. Medyo magulo at basa pa ang buhok niya. Naka black v-neck shirt, gray walking shorts at black topsider.


Nakatitig siya sa akin na para bang tinitingnan ang bawat itsura at galaw ko. Napaisip tuloy ako kung may dumi ba ako sa mukha o magulo ba ang buhok ko. Feel ko tuloy ang panget ko kaya ganyan siya makatitig! Nakahinga ako ng maluwag noong nilipat niya ang tingin niya sa pinsan niya.


" What is it, Clodet? Bakit hinintay niyo ako?" tanong niya. Mas lalong lumawak ang ngiti ni Clodet. Oh great!


" Pupunta kasi kami sa mall ni Scarlet. Since late na rin, aayain na sana kitang sumabay sa amin mag dinner. If that is okay?" ani ni Clodet. Bago pa man sumagot si Charles ay nagsalita na ako.


" Clodet! Nakakahiya baka busy siya!"


" No, I'm not busy and yes, I am coming with you" napatingin ako sa kanya at kita ko na seryoso ang mukha niya. Shemay ka Scarlet! Ang sama ng sinabi mo!


" Huwag ka ngang KJ, Scarlet! Tsaka celebration na ito since panalo sila Charles kanina" napalunok ako sa sinabi niya. As much as possible ayokong makasama si Charles! Nakakaiyak naman tong situation na ito huhuhu


" Pero kung ayaw mo naman akong kasama, it's fine" nakita ko ang malungkot na mukha ni Charles. Dapat masaya siya dahil nanalo sila pero heto ako ang lakas kong makasira ng mood.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 16, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Nerd's Revenge (Comeback)Where stories live. Discover now