Nang makarating kami sa Ai’s ay pinauna na ako ni Aly na umakyat sa studio dahil dadaanan pa raw niya si Tito Dale. Hindi naman ako nagreklamo pa at dumiretso na ako sa at nauna doon. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at pumasok.

Mayroon silang kinukuhanan base na rin sa mga nakabukas na mga ilaw sa studio. Si Jahann ang photographer nito habang may ilang naghahawak ng ilaw. Si Dean naman ang nasa may harap ng computer na naroon. Napangiti ako habang nakatingin kay Jahann. Seryoso ang mukha nito habang nagsasabi sa model ng pose nito, maging ang pagkunot ng noo nito ay nakakatuwa sa paningin ko.

“Next set tayo,” ani Jahann na lumingon kay Dean na naroon. Napagawi ang tingin niya sa kinaroroonan ko. “Creep,” halatang nabigla siya nang makita ako. I waved my hand and smiled. “Hi,” bati ko sa kanya. Hindi ko sinabi sa kanya na magpupunta ako roon kaya naman hindi na nakakapagtaka ang gulat sa mukha niya. Hindi rin sinabi ni Aly dito dahil kagabi lang siya nagpaalam kay Daddy.

“Cherinna!” nakangiting tawag sa akin ni Dean bago tumayo. Lumapit siya sa akin at niyakap pa ako. “Buti may ibang mukha naman dito. Sawang-sawa na ako sa mukha ng kakambal mo, eh…” muling sabi ni Dean.

Lumapit si Jahann sa amin at tinapik si Dean. “That’s enough,” saway nito rito. “Namiss ko lang si Cherinna…” nakangising sabi ni Dean bago lumingon sa akin. “Magaling na ba ‘yan? I heard what happened…” tanong nito na akmang hahawakan ang pisngi ko.

“Break muna, sabihan mo sila,” hinawakan ni Jahann ang braso ni Dean bago pa man nito mahawakan ang pisngi ko. Napipilitang tumango si Dean sa kanya bago ngumiti sa akin at nagpaalam. “I’ll talk to you later,” sabi pa nito sa akin.

“Hindi mo sinabi na pupunta ka dito,” ani Jahann habang iginigiya ako papunta sa upuan na naroon. Napatingin ako sa babaeng model na kinukuhanan kanina. Underwear pala ang inimomodel nito.

“Hindi mo sinabi sa akin na nalipat na ang Boracay dito,” sagot ko naman sa kanya. Kumunot ang noo at nilingon ni Jahann ang babaeng tinitignan ko. Ngumiti sa kanya ang model.

“Sige, ngitian mo rin siya…” mahinang sabi ko.

Nag-iwas ako ng tingin nang lingunin ako ni Jahann.

Damn. Ayokong magtunog selosa pero… ipinikit ko na lamang ang mga mata at huminga ng malalim. Pagdilat ko ay nakatingin pa rin sa akin si Jahann at may ngiting nakapaskil sa gwapong mukha nito.

“What?” tanong ko habang pilit na hindi sinasalubong ang mga tingin niya. 

“She’s pretty…” he commented and then looked at the model again.

Magaling.

“Ah…” ngumiti ako ng pasarkastiko sa kanya. “Kukuha lang akong tubig,” paalam ko sa kanya bago tumayo at pumasok sa isang pinto na naroon. Alam ko na nagmimistulang pantry iyon sa studio. Siniguro ni Daddy noon na bawat studio sa Ai’s ay mayroon ‘non, dahil na rin sa amin ni Aly.

Hindi ko pa naisasara ang pinto ng pantry nang pumasok si Jahann. Nakangiti pa rin siya sa akin. “Are you jealous?” tanong niya na tila nang-aasar. “Tigilan mo nga ako…” irap ko naman bago binuksan ang ref na naroon at naghanap ng maiinom. Hindi ko maiwasang mapasimangot.

Sumandal si Jahann sa pader na naroon. “What I said was true, she’s pretty. But I don’t like her, Creep.”

Nilingon ko siya. “But she’s pretty, right?” tanong kong muli. Ngumiti siya sa akin at tumango. Tinitigan ko siya ng masama.

Buhusan kitang tubig diyan, eh.

Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako palapit sa kanya at niyakap ng mahigpit. “I love you, you should always remember that…” mahinang bulong niya. Naramdam ko ang paghalik niya sa buhok ko. “You’re the prettiest for me, they’re nothing compared to you…”

Played by Fate - Book 1Where stories live. Discover now