CHAPTER 3 - It's Official

64 14 2
                                        

ISANG buwan na siyang nililigawan ni Charlie. Lagi siya nitong hinahatid, inaayang lumabas, tinutulungan sa school works, at binabantayan. Kahit hindi man sila, dama niya ang pag mamahal sakanya ng binata, hindi siya nito pinapabayaan sa kahit anong bagay, at lagi itong nandiyan para sakanya. Ang swerte naman talaga niya.

Nakilala na din niya ang barkada nito, ang pinaka malapit sakanya ay si Prince. Pag wala si Charlie, ito ang lagi niyang kasama, kumbaga, BF niya ito as in Best friend.

Alam niya na may gusto ito sakanya, inamin kasi nito sakanya ang nararamdaman. Pero okay lang din naman dito kung hindi ito ang piliin niya, ang gusto lamang nito ay maging mag kaibigan sila.

Nag papasalamat talaga siya sa Diyos at binigyan siya ng mababait at maintindihing kaibigan.

Nalungkot siya ng maalala si Ara, nagalit sakanya ito nang malaman na nanliligaw sakanya si Charlie. Simula noon ay hindi na sila nito nag kausap. Tuwing mag kakasalubong sila ay hindi sila nag papansinan. Lagi niya ito tinetext pero hindi siya nito nirereplyan. Siguro ganun talaga ang buhay, pag may dumadating, may umaalis.

 Hay, nami-miss na niya ang kaibigan.

Nasa ganun siyang pag-iisip nang bigla siyang gulatin ni Charlie. “Hoy, anong iniisip mo diyan ha?” tanong nito habang inaabot ang in-order nitong pagkain sa Mcdo. Papunta sila ngayon sa bahay nila Prince. Nag drive thru muna sila dahil nag bilin ito ng Fries.

Napa igtad siya sa ginawa ng binata. “Ano ka ba! Wag mo nga ako ginugulat baka atakihin ako nito e!.” napahawak pa siya sakanyang dibdib.

“Oh sorry na. Ano ba kasi iniisip mo?” curious nitong tanong.

“Wala noh. Iniisip ko lang magiging future work ko. Kasi 1 month nalang graduate na tayo.”

“Oo nga, at aalis kana.” Malungkot na saad nito.

“3 months lang naman ako dun, babalik din ako.”

“3 months? Para sakin napaka tagal na nun.” Hindi niya alam ang ekspresyon ng mukha nito dahil kasalukuyan itong nag mamaneho. Pero alam niyang malungkot iyon.

Natuwa siya sa tinuran nito. Kinikilig siya. Ayaw siya nitong umalis, pero hindi naman puwede, dahil experience niya yun for her course. “I have no choice.” Maikli niyang sagot.

“You have. Pwede naman na dito ka mag OJT, so why did you chose there?” tanung nito.

“It’s my father’s choice, and besides it’s for my own good naman.” Hindi ito umimik. “And ayaw mo nun, makakapag review ka for your licensure exam, concentrate on it. Huwag mo akong alalahanin, kaya ko naman ang sarili ko, tska madami naman tayong way para makapag communicate sa isa’t isa meron diyang email, facebook, yahoo, skype, and more. So don’t worry okay?” Hinawakan niya ito sa kamay at nginitian niya ito.

Bumuntong hininga ito bago mag salita. “I love you.” Maikli nitong saad.

“I love you too.” Biglaan nitong na ipreno ang sasakyan sa sobrang pagkabigla nito sa kanyang sinabi.

Nakangiting tumingin ito sakanya. “Really?” masaya nitong tanung sakanya. Hindi ito makapaniwala.

“Ayaw mo?” kunwari’y nagtatampo siya.

“Of course not! Gustong-gusto. Hindi mo alam kung gaano mo ako napasaya Ley!” niyakap siya nito ng mahigpit, ginantihan din naman niya ito nang yakap.

Masayang masaya din siya, she never expected na magiging sila even in her dreams.

Nang akma siyang hahalikan nang binata ay tinakpan niya ang bibig nito. “Ooooopppppssss! No kiss. Hmm” tinaasan niya ito ng kilay.

Ngumuso ito nang parang bata. “E bakit? Isa lang please?” paawa effect na sabi nito.

Kunwa’y nag-isip muna siya. “Osige.”

“Yes” sabi nito. Nang hahalikan na siya “Oooooooppppppssssss! Teka teka.” Sabi niya.

Lumungkot na naman ang mukha nito. “Why na naman?”

Natawa siya. “Sa cheeks lang pwede.”

“Ha? Bakit?”

“Ayaw mo?” panunubok niyang tanung dito.

“Gusto! Kaw naman.” At ayun nga pinugpog siya nito ng halik at yakap. Ramdam niya ang kasiyahan nito na maging sila. How she wish it would last.

Pumunta na sila sa bahay ni Prince. Nagulat pa ito nung makita sila na magka-holding hands. Nakita niya sa mata nito na nasaktan ito, pero hindi nito ipinahalata.

Naging masaya naman ito sakanila. Pero alam niya na sa likod nang kasiyahan niya, may mga taong nasasaktan. Pero hayaan na muna niya yun, basta masaya sila ngayon. Bahala na si batman sa mangyayari sa susunod.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 05, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

It all started with one TEXTWhere stories live. Discover now