“Bebe! I saw Charlie na naman, He’s so handsome talaga! :”>” text ni Ainsley Suarez sa kanyang friend na si Arah na may halong kilig at tuwa. Nakita na naman kasi niya ang crush niya, and the point is, hindi niya ine-expect na makita ito kaya naman abot tainga ang kanyang ngiti.
Si Charlie Ramirez ang ultimate crush niya since Highschool, nung una hindi niya napapansin ang kagwapuhan nito. Pero nung nakasama niya ito sa isang event sa kanilang school, dun lang niya napag tanto na unti-unti na pala niya itong nagugustuhan.
Mas lalong lumalim ang pag tingin niya dito nang isayaw siya nito nung JS Prom nila. Naalala pa niya ang sinabi nito.
“Saan mo gusto sumayaw?” tanung nito sakanya habang inaalalayan siya papuntang dance floor.
“ikaw bahala.” Nahihiya pa niyang sagot.
“Dito nalang tayo sa gitna. Para solo natin.” Kilig na kilig siya sa sinabi ng binata, hindi niya makakalimutan ang sinabi nito.
Nangiti siya nang maalala ang masayang gabi sa buhay niya, hindi niya iyon nakalimutan. Hanggang ngayong 4th year college na siya, dala-dala pa din niya iyon sakanyang ala-ala.
Sa sobrang katuwaan niya ay hindi niya namalayan na sa crush pala niya nai-send ang text niya na para sana sakanyang kaibigan. Ang tuwa na naramdaman niya kanina ay napalitan ng kaba. 'Bakit ba kasi ang tanga mo ley? Ayan tuloy, aaah- hindi ko alam ang gagawin ko talaga!' Sabi niya sa kanyang isip.
Naisip niyang tawagan si Ara, mag papatulong siya kung paano ang gagawin niya. Nate-tense talaga kasi siya.
Mga ilang ring lang ay sumagot na si Ara. “Oh bebe, bakit ka napatawag?” tanong nito na may excited na tono. Alam kasi ni Ara na pag tumtawag siya ay may kwento lagi tungkol sa crush nilang dalawa.
“AaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaHHHHHHHHHHHHHHHHHhhhhhhhhhhhhhhh!” tili lamang ang isinagot niya sa kaibigan, hindi niya kasi alam ang sasabihin niya, kung paano ba sisimulan sabihin.. hindi niya talaga alam....
“Ay may ganun? Tama bang tumili?” ani nito sa kabilang linya. “Anong bang nangyari sayo? Bakit ka tumitili?” may pag aalala na sa tono nito.
Ikniwento lahat ni ainsley ang nangyari.
“Bebe anong gagawin ko? I don’t know what to do..” may lungkot sa boses nito na may halong kaba. Naisip niya na nawalan na siya ng dignidad sa sarili. Kaarte niya talaga.
“Hala! E classmate ko pa naman yun, baka tanungin ako about dun sa tinext mo. Kabugak mo kasi talaga. Asan ka ba? Siguro sa sobrang tuwa mo hindi mo namalayan na sakanya mo naisend! Ikaw talaga!” natatawang sabi nito sakanya.
“Dito ko sa may park dito sa Foodcourt. Hay. What should I do? Tsk. Hayaan na nga natin, at least ngayon alam na niya na crush ko siya. Bahala na siya.” Pag katapos sabihin ay nag paalam na din siya dahil pupunta na siya sa kanyang next class, test pa naman niya ngayon. Paano na siya, I mean paano na siya makakapag concentrate niyan. Ang tanga ko talaga! Iyon nalang ang nasabi niya sa sarili niya.
KINAGABIHAN nakalimutan na niya ang nagawa niyang katangahan kanina.
Ngayon ay nag fa-facebook siya at nag lalaro ng Petsociety. Ito ang libangan niya tuwing gabi. Nakakatuwa naman kasi talaga ang mag alaga ng pet, kahit hindi real.
Matapos niyang paliguan at pakainin ang pet niya ay mag lo-log out na sana siya, pero bigla nalang may nag chat sakanya!.. Si Charlie! Bumilis na naman ang tibok ng puso niya. Kinabahan na naman siya. Ano kaya ang sasabihin nito?. Tanong niya sakanyanga isip.
“Pengyou” chat ni Charlie sakanya. Natuwa siya sa sinabi nito, eto kasi ang endearment nila. Ibig sabihin nito ay Friend. Natuwa siya dahil parang wala lang dito ang nagawa niyang kagagahan kanina.
