CHAPTER 2 - Unexpected gala with HIM

73 14 2
                                        

Isang linggo na din ang nakakaraan nang sinimulan niyang iwasan ang binata. Palabas na siya ng gate nang makita niya si Charlie, gusto niya sana umiwas pero nasa harapan na niya ang binata. “Hi Ley.” Bati nito sakanya habang hinihila siya siko para tumabi sa daan.

'Ano ba yan. Wrong timing. Hindi ako prepared. Hanep.' Ani niya sakanyang isipan. “Hello.” Sabi niya nang hindi man lang tumitingin sa binata.

“Pauwi ka na ba?”

“Ahm, actually yes, pero baka dumaan pa ko sa mall.” Nakita niyang tumango lang ito. “Bakit nandito ka pa, gabi na ah.” Curious niyang tanung, ang alam kasi niya ay hanggang alas tres lang ang klase nito.

“Kasi, may tinapos pa ko na school works.”

“Ah, ganun ba. Sige mauna na ako. Ingat nalang.” Pag kasabi ay agad na siyang lumakad papunta sa sakayan ng Taxi. Malalaki ang kanyang hakbang na animo’y may humahabol sakanyang kung ano man.

Kailangan na niyang makalayo agad, hindi na kasi niya kaya na makasama pa ng matagal ang binata dahil fresh pa ang nangyari sakanya, sakanila noong isang linggo.. In short nahihiya siya dito.

“Wait! Ley!” habol sakanya ng binata, at nang maabutan siya nito ay hinawakan siya sa braso para pigilan siya sa pag lakad.

“Wh- why?” Naiilang niyang tanong.

“Hatid na kita.” Pag pri-prisinta nito.

“Ha? Naku, huwag na. Out of the way ako tska traffic pa. Tsaka punta pa ko ng mall kaya huwag na. I can manage.”

“No, I insist. Gabi na delikado, sasamahan kita.”

Kinilig naman siya ng to the max! may care pala sakanya ang binata. 'How sweet!' Kinikilig niyang sabi sakanyang isipan.

Ito na ba yung matagal niyang hinihintay? Yung magustuhan siya ni Charlie? Naipilig niya ang kanyang ulo, kung anu-ano ang pumapasok sa isip niya, inaalok lang siya na ihatid, bilang friend. No more no less. “Ah.. pero-.”

Hindi pa niya natatapos ang sinasabi niya ay nag salita na agad ang binata “No more buts, come on.”

Hindi na siya nakahindi dahil hinila na siya ng binata. Hawak nito ang kamay niya hanggang sa makarating sila sa sasakyan. Hindi man niya aminin ay kinikilig siya. Sino ba naman ang hindi kikiligin sa ganitong sitwasyon.

Sinamahan siya nito na pumunta sa Mall of Asia, nag libot, laro, at nag picturan pa sila. Ang saya talaga niya, hindi niya inaasahan na mag kakasama sila ni Charlie sa ganitong sitwasyon, how she wish na lagi ganito.

Bago umuwi ay nag aya pa ang binata na mag ice skating, kahit ilang beses na niya itong tinanggihan ay hindi pa rin ito natinag, pinilit pa rin siya nito hanggang sa mapapayag siya.

“Hindi ako marunong nito, baka mabalian lang ako ng buto dito.” Sabi niya habang hinahatak siya ni Charlie papasok sa loob ng ice skating, para siyang bata na ayaw mag pa-hila. Natatakot kasi talaga siya.

“Ano ka ba, nandito ako hindi kita pababayaan. Promise!.” Sinserong sabi nito habang nakataas pa ang kanang kamay para maniwala siya na hindi siya nito pababayaan.

“Oh sige na nga, ibaba mo na yang kamay mo, hindi ka naman nanunumpa sa watawat ng Pilipinas eh.” Natatawang sabi niya.

Napatingin agad ang binata sa kamay at dagli nitong binawi ang kamay at natawa. “Oo nga no, para pala akong nanunumpa, halika ka na nga kaya mahal na mahal kita eh!.” Inakbayan pa siya nito papasok sa Ice skating.

Nagulat siya sa sinabi nito. 'Mahal niya ako? Totoo ba yung narinig ko?' Napag isip siya ng malalim dahil sa narinig. Ipinilig niya ang ulo sa mga iniisip niyang hindi naman dapat. 'Bilang friend lang siguro. Tama bilang friend lang.' napatango-tango siya sa naisip.

Katulad nga ng pangako nito, hindi siya nito pinabayaan. Tuwing madudulas siya ay inaalalayan siya nitong tumayo. Ang sweet! Nasabi nalang niya.

Alas dies na nang maihatid siya ni Charlie sakanilang bahay. “Pasok ka muna.” Aya niya sa kasama.

“Oh sige, ikaw bahala.”

“Sige mauna na ko, mag pahinga ka na maaga pa pasok mo bukas.”

“Okay, ingat sa pag dri-drive.”

“I will.” Pumasok na ito sa sasakyan at ini-start. Binuksan muna nito ang bintana para makapag paalam muli sa sakanya. “See you tomorrow! Goodnight.”

Ngiti at tango na lamang ang isinagot ni Ainsley sa lalaki. Nakatingin lamang si Ley sa sasakyan ng binata hanggang sa makalayo ito.

Nang mawala na sakanyang paningin ang sasakyan ay hindi na niya napigil na lumabas ang kilig na kanina pa niya nararamdaman, nag tititili siya at nagsasasayaw sa sobrang tuwa.

Hindi niya namalayan na bumalik pala ang binata. Naabutan siya nito na sumasayaw.

Napahinto siya sa pag sasayaw nang may tumawag sakanya. “Ley” pinihit niya ang katawan para tingnan kung sino ang tumawag sakanya. Pag tingin niya ay ang nakangiting mukha ni Charlie ang agad niyang nakita. Nanlambot siya, pero pilit pa rin niyang inayos ang sarili niya.

“Ba-ba-bakit k-ka bumalik?” nauutal at nahihiya niyang tanung. Hindi siya makatingin dito. 'Bakit ba kasi hindi ka muna pumasok sa loob ng bahay bago ka mag gaganyan Ainsley?' Pangaral niya sakanyang sarili.

“You forgot your cellphone.” Nakangiti pa din nitong sagot habang itinaas ang kamay kung saan hawak ang kanyang cellphone.

“Ah-.. Eh.. ehehe oo nga.” Nahihiya niyang kinuha ang kanyang cellphone sa binata. “salamat. S-sige pasok na ko ingat.” Nag mamadali siyang pumasok sakanilang bahay, at nang makapasok ay nakahinga siya ng maluwag. 'Nakita kaya niya ako? Ay nako! Nakakahiya ka talagang babae ka! Err. Bahala na'.binatukan pa niya ang sarili atnapabuntong-hininga nalang siya. 

It all started with one TEXTWhere stories live. Discover now