Chapter 10: My Sweet Revenge Starts(Past)

642 25 0
                                    

Kelly's POV

Magkasama na kami ngayon ng kapatid ko. Nakaka ilang, ang awkward lang. Oo bitch ako, dati. Pero ngayon iba na, nerd na ako at ngayon sya naman ang bitch. Dati ko pa alam na ganyan na sya, nung nakita ko sya sa kotse. Kasama ko sila daddy non pero nasa loob sila kaya ako lang ang naka kita sa kanya. "Ma'am Kelly gising na po" Anya ni manang. Pinag buksan ko na sya ng pinto. "Manang sabi ko naman po sa inyo Kelly nalang po ang itawag nyo sakin" Masaya kong sambit. "Ah sige po sorry po" Naka ngiting anya ni manang. "Wag na po kayong mag po sa akin" Bilin ko bago sya maka baba. Pumasok na ulit ako sa kwarto ko para mag ayos na ng sarili. Papasok na sana ako ng CR kaya lang may kumatok. Binuksan ko na yung pinto..nakaka gulat lang. "Bakit?" Seryoso kong tanong sa kanya. "Masama bang kamustahin ang kapatid ko?" Masaya nyang sabi. Umirap lang ako at isasarado ko na sana yung pinto kaya lang humarang sya. "Ano bang kailangan mo?" Inis kong sabi. Pumasok sya at na upo sa sofa. "Sinabi ko na diba, gusto kong kamustahin ang bitch kong kapatid na ngayon nerd na" Ngumiti pa sya ng nakaka asar, panira ng umaga(–.–) "Okay lang naman ako" Pumunta na ako sa may pinto at binuksan ko na yon. "Makaka labas ka na" Ngumiti din ako ng nakaka asar. "Wait for my sweet revenge my dear sister" Huling sambit nya bago sya lumabas, sige hihintayin ko yan.

East High Academy

"Alam mo Kelly, ibalik mo na kaya yung pagiging bitch mo" Anya ni Sarah, kaibigan ko. "Ayoko" Sagot ko. Na upo na ako sa upuan ko, magbabasa nalang ako. "Huy pwede patabi?" Anya ni Sofi, kaibigan ko rin pero hindi sya nerd kagaya namin ni Sarah. Tumango ako at nag basa nalang ulit.

Cassie's POV

"Ayan na sya"
"Ano kayang name nya?"
"Cassie daw eh"
"Ang gaganda nila"
"Oo nga eh"

Nag lakad nalang kami, bago pa lang kami pero sikat na kami, grabe lang. Pagka pasok namin ng room nasa aming tatlo ang spotlight, pati na rin si Kelly napatingin sa amin. Napansin kong may binulong si Sofi kay Kelly. "Hey dear sister" Bati ko kay Kelly, yah inaasar ko sya. Tss snob lang? Tumabi ako sa kanya para marinig naman nya. "Kanina ka pa?" Sweet kong sabi habang hinahawakan yung buhok nya. "Oo" For god sake sumagot din sya. Pumasok na yung professor namin kaya natahimik na yung iba pa naming classmates.

"Good morning section one, so I will group you into four groups with five members" Bungad ni ma'am.

Group one
Sofi Mendez
Khaizer Kim
Kelly Park
Cassie Park
Grazee Galvez

"So..gagawa kayo ng report, dead line next week" Sabay labas ng prof namin.

"For god sake, group mate natin si Kelly the nerd?" Inis kong saad, gosh. "Yeah, and si Sofi din" Sambit ni Grazee. Nag usap usap na kaming mga magkaka group mates. "I'll be the leader" Tinaas ko pa yung left hand ko..napatingin naman sila sakin. "Okay, so..lets start na" Anya ni Khaizer. "Sa bahay namin" Suggest ni Grazee. "Payag kayo?" Tanong ko sa dalawa, kila Sofi. Tumango lang sila. Absent yung prof namin sa next sub kaya wala kaming klase, uuwi nalang kami.

Na unang lumabas si Sofi kaya kaming lima nalang ang nandito. Ako, Grazee, Khaizer and Kelly. Linapitan ko sya para sabihin sa kanya na.."Be ready, magsisimula na 'ko" Then nag flip hair ako bago lumabas ng room. "Sure ka ba dyan sa gagawin mo?" Tanong sakin ni Grazee. "Yah, tatakutin ko lang sya" Sumakay na kami sa kotse.

Kelly's POV

Lalabas na ako ng room pero..hala naka lock?! "Buksan nyo nga to!" Sigaw ko..kaso wala na atang tao eh. "Hoy buksan nyo to!" Sana naman may mapadaan na tao. "Hindi nakaka tuwa! Palabasin nyo nga ako dito!" Pinihit ko ulit yung door knob at sinipa yung pinto kaso ayaw pa den eh. Na upo na ako sa tabi ng pinto, pagod na ako. "Ano ng gagawin ko?" Na iiyak kong tanong sa sarili ko. Na isip ko na tawagan si Sofi. *ringing* Sagutin mo please. *ringing* I need your help:((  Naka ilang tawag na ako pero wala eh, hindi nya sinasagot. Tinawagan ko na din yung mga teachers and janitors dito kaso wala, patay ang phone. May meeting nga pala sila sa ibang school. Last nalang..si Cassie. Ayoko sana syang tawagan kaya lang..wala na akong choice eh. Sumagi na rin sa isip ko na sya ang may gawa neto pero alam ko hindi nya kaya. *ringing* *ringing*

(Hello?)
"Cassie nasaan ka?"
(Bahay, why?)
"Tulungan mo ako"
(Ha?)
"Nakulong ako dito sa room"
(Sino naman ang gagawa nyan sayo?)
"Hindi ko alam, tulungan mo na 'ko please"
(Okay)
"Salamat"

Madilim na rin kasi..nakaka takot. Babae pa naman ako tapos ako lang dito mag isa. 5:57 pm na kaya. Binuksan ko nga yung ilaw, madilim eh. Inayos ko na din yung mga upuan at nag walis na rin ako.

Nang matapos na ako tumingin ako sa phone ko, 6:30 pm na wala pa rin si Cassie. "Pupunta kaya sya? Tutulungan kaya nya ako?" Tanong ko sa sarili ko, sana naman oo ang sagot sa tanong ko. "Bka na traffic lang Kelly, papunta na sya think positive" Para na akong sira dito, kinakausap ko ang sarili ko habang na iiyak. Ngayon lang nangyari sakin to'..bka eto na yung karma sa lahat ng nagawa ko noon. Yung kay Cassie, oo aaminin ko naging masama akong kapatid sa kanya, nasaktan ko sya. Ako ang may kasalanan kung bakit sya naging ganyan, naging bitch. Pero sana naman mapatawad nya ako. Nag text na ako sa kanya kung nasaan na sya at ang sabi nya nasa gate na daw sya.

"Cassie ikaw na ba yan?" Naramdaman ko kasi na may tao sa labas. "Oo" Binubuksan na nya yung pinto. "Salamat" Niyakap ko sya..pero tinanggal nya agad. Nag lakad na sya papuntang kotse. Sya lang kaya ang nag punta dito? Mag isa? Tatanungin ko na sana sya kaya lang sumakay agad sya. Sasakay na din sana ako kaso naka lock, papasakayin nya ba ako? Kumatok ako sa kanya, alam ko rinig nya yon. "Cassie!" Sigaw ko galing dito sa labas. *beep*

Cassie: Mag lakad ka.
Please, gabi na ngayon.
Cassie: No, hindi ka sasakay.
Please, ngayon lang.
Cassie: No.

Wala na akong nagawa, nag lakad nalang ako. Buti may flashlight tong cellphone ko kaya hindi ako nadadapa. Tumingin ako sa likod ko, medyo malayo na din to' sa University. "Uy pare may babae oh" Saad nung lalaki, patay laseng to. Binilisan ko na mag lakad, virgin pa ako:((  "Miss saan ka nakatira? Hatid na kita" Sinusundan nila ako, binilisan ko pa lalo ang pag lalakad ko, ang dilim pa naman:((
Cassie naman kasi eh ayaw pa ako isabay, kasalanan nya to' ay hindi, kasalanan ko to'.. May umilaw galing sa likuran ko, hindi muna ako lumingon. *peep* Binusinahan ako..liningon ko na nga kung sino. Kotse..alam ko kung kanino to' ah.. Kay Cassie to' yehey sinundan nya ako. Binuksan na nya yung pinto para maka sakay ako. Wala na yung mga lalaking laseng kanina dito. Sumakay na ako halata kasing na iinis na sya eh. "Salamat ah" Anya ko, hindi nya naman ako sinagot. Tahimik lang kami buong byahe hanggang sa maka uwi na kami.

Umakyat agad sya sa kwarto nya. Ako naman dumiretso sa kusina pas kumain, nagutom kasi ako eh.

Author's Note: Ayon yung video nila-->
Hahaha ma ikli lang yan..tsaka viva video lang din yan geezz.

The Campus Bitch Meets The Campus JerkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon