Chapter 8: Past

692 37 0
                                    

Pagka gising ko still nandito pa rin ako sa hospital. Hinanap ng mata ko si Timothy pero hindi ko sya makita, bka lumabas lang. Tumayo ako para pumunta sa window, na miss ko yung hangin. Tumingin ako sa ibaba, ang taas pala ng room ko, nakakalula. "Ano na kayang ganap sa bahay?" Sambit ko sa sarili ko, para na akong ewan dito.. kasi naman wala akong ma kausap eh. "Hinahanap kaya nila ako?" Until now I still wondering kung hinahanap ba nila ako or hindi, sa bagay wala naman silang pakialam kung nasaan ako, kung kamusta na ba ako, kung anong ginagawa ko. Parang si Kelly nga lang ang anak nila eh, kaya minsan na iisip ko na sana hindi nalang ako ipinanganak kung ganito lang din.

Napatingin ako sa pinto nung naramdaman kong may pumasok. "Anong nararamdaman mo?" Bungad nya. Linapitan nya ako dito sa may bintana at inabutan nya ako ng kape. "Okay na ako, pwede na daw ba akong lumabas?" Naka ngiti kong sabi pero deep inside, ang sakit na parang gusto ko ng umiyak. "Sabi ng doctor pwede na daw pero siguro maya-maya pa" Umupo na ako sa sofa. "Bakit naman daw mamaya pa?" Tanong ko ulit. "Iche-check ka daw muna" Tumango nalang ako sa sinabi nya. "Saan ka naman tutuloy kung maka labas ka na dito?" Nag kibit balikat lang ako sa tanong nya, nag dadalawang isip ako kung kila Khaizer na ba ako tutuloy pansamantala or magdo-dorm nalang ako. "Pwede namang sa amin ka nalang tumuloy" Ha? Muntik ko na tuloy mai buga yung kape na nasa bibig ko. "Ahh ano wag na nakaka hiya naman sa inyo" Saad ko. Napa yuko ako pero alam ko na umiling sya. "Wag kang mahiya, welcome ka sa bahay" Naka ngiti nyang sambit, i can't help but to smile, ang bait nya masyado.

----
Inaayos na nya yung mga gamit namin, pwede na daw kasi akong lumabas. Nandito rin sila Khaizer at Grazee. "So..sa amin ka na didiretso?" Tumango nalang ako sa kanya, tinutulungan ko kasi si Timothy na mag ligpit ng mga gamit dito. "Matagal pa yan?" Halata sa boses ni Grazee na naiinip na sya. Binilisan ko nalang mag ligpit para maka uwi na rin kami. Maya maya tumunog yung phone ni Grazee kaya lumabas muna sya. Pero hindi nya napansin na hindi nya masyadong na isarado yung pinto kaya narinig namin.

"Hello?"
"What?!"
"Nasaan na sila?"
"Okay, pano nila nalaman?"
"Sige sige"

"Ano yon?" Sambit ni Khaizer, nag kibit balikat lang kami ni Timothy, hindi rin naman namin alam eh. Pumasok na si Grazee at sinabing..."Papunta na ang parents mo Cassie" Nanlaki bigla ang mata ko, pero pano? "Nasaan na daw?" Sabat naman ni Khaizer. "Nasa..parking lot" What?! Haluh. "Tara na" Kinuha na namin yung mga gamit namin at lumabas na ng room. "Saan tayo dadaan?" Tanong ko. "Makakasalubong natin sila" Sambit naman ni Khaizer. "Sumunod nalang kayo" Inis na sagot ni Grazee, sumunod nalang kami. Ang bilis nila maglakad kaya binibilisan ko din mag lakad.."Okay ka lang Cassie?" Tanong ni Timothy, tumango nalang ako at nag lakad na.

Fire exit? Dito kami dadaan? "Pasok" Mahinang sabi ni Grazee. Unang pumasok si Khaizer sumunod si Grazee tapos ako na, huli naman si Timothy. Nang maka labas na kami..haay. "Magagalit si dad" Sambit ko pagka lapit namin sa kotse ni Grazee. "Hayaan mo sya, wag mo nalang isipin" Ipinasok na nila yung mga gamit namin at tsaka nila ako pina sakay.

Kim's house

"Ma'am Cassie pasok na po tayo" Bungad sa akin ni manang. Sumunod ako sa kanya papuntang living room. Nandito pala si Mr. Kim, bigla tuloy akong na ilang. "Ma upo ka hija" Utos ng Mrs. Kim. Na upo ako sa tabi nya. Yung daddy ni Khaizer nginitian lang ako. "Kamusta ka na?" Tanong sa akin ni Mrs. Kim. "Okay naman po" Naka ngiti kong sagot. "Mabuti naman" Sagot ni Mrs. Kim. Binulungan nya yung maid sa tabi nya. "Ma'am Cassie tara na po sa kwarto nyo" Saad nya. Sumunod ako kung saan sya pumunta, si Khaizer naman kasi ayon sa labas, inaayos yung mga gamit. "Salamat po" Nginitian lang ako ng maid at umalis na. Ako naman nilibot ko ng mata yung buong kwarto, malaki sya, simple lang yung design. Tinanaw ko sila mula dito, nakita ko na papasok si Timothy kasama ang isang maid. Hinintay ko nalang sila na pumasok dito.

"Cassie, yung gamit mo pala eto" Nilapag na nya yung bag ko, hindi ko pa pala nakuha sa kanya yung bag ko. "Aalis na rin ako, ingat ka" Saad nya. Hindi pa sya nakaka labas ng pinto ay hinabol ko na sya. "Bakit?" Hawak ko kasi yung braso nya. "Ano, ahm. Anong number mo pala? And anong surname mo? Saan ka nakatira? Pwede ba kitang dalawin?" Sunod sunod kong tanong..medyo naguluhan sya. Kinuha nya yung phone ko. "Naka save na yung number ko sa phonebook mo" Ngumisi sya sa akin. "Saan ka nakatira?" Hindi pa kasi nya sinasabi kung saan. "Samantha Village, and buong name ko is Timothy Kim" Naka ngiti nyang sabi, wait Kim? Magkapareha sila ni Khaizer ng apelyido? Itatanong ko pa sana sa kanya kung ka ano ano nya si Khaizer kaya lang naka labas na sya.

Fast forward

Hindi na ako kila Khaizer nakatira. Bumili ako ng sarili kong condo unit at nagta-trabaho ako ngayon dito sa Pancake House. Malaki ang sweldo dito kaya naka ipon agad ako. Dumadalaw din si Timothy dito sa condo ko at kung minsan ako ang dumadalaw sa kanya. Nung naka ipon na ako ng sapat na pera nag punta akong London. Hindi alam nila Grazee ang tungkol dito, hindi ko talaga pina alam, maski si Timothy hindi rin alam.

Wala akong kakilala dito sa London, nag apply ako ng trabaho bilang waitress dito sa sikat na restaurant. Malaki din ang sweldo ko dito kaya nakapag ipon ako para sa pag aaral ko. Mahirap dito, lalo na wala akong kakilala dito. Pero sa school na pinasukan ko may nakilala ako. Sya si Keira Yoon, sya lang ang kaibigan ko dito sa school na pinasukan ko, kahit lagi nya akong tinatarayan nandyan naman sya kapag kailangan ko sya, half pinay din sya kasi ang mommy nya pilipina. Marunong din syang mag tagalog. Nasabi ko na rin sa kanya yung mga nangyari nung nasa Pinas pa ako, yung lagi nalang akong kinakawawa. Tinuruan nya ako at hanggang ngayon tinuturuan nya pa rin ako.

"Here, bagay sayo to'" Inabot nya sa akin yung dress na color white na backless. "I think mas bagay to'" Then pinakita ko sa kanya yung dress na napili ko. Color black and backless din. "I like it" Masaya nyang sabi. Binayaran na namin sa cashier yung mga nabili namin. Dress, sandals, make ups and pati na rin jewelries. Magkasama rin kami sa iisang bahay. Kapag may free time kami lagi nya akong tinuturuan. Tinuruan nya ako kung pano mag lakad ang maganda, kung pano kumilos at kung ano ano pa. And finally, marunong na ako.

After one year

Nakapag decide na 'ko na babalik na akong pinas. Nag paalam na rin ako kay Keira, susunod sya sakin pero after two months pa. Palapag na yung eroplano, i missed Philippines. Bumaba na ako. Nakita ko na din sila Grazee na nag hihintay sa akin sa loob. Hindi ko muna sila pinuntahan, nag text muna ako kay Khaizer.. gusto kong makita kung ano ang magiging reaction nila kapag nabasa nila to.

To: Khaizer

Khai i'm sorry, delayed yung flight ko. Next week pa ako makaka uwi.

Ah okay..sayang naman. Nandito na kami pero okay lang. Miss ka na namin, ingat ka dyan lagi ah.

I miss you all, sige na mag aayos muna ako bye.

Bye.

Tinignan ko sila Khai, mukhang disappointed. Pumasok na ako sa loob pero paalis na sila. "Hey guys!" Sigaw ko, napatingin naman sila sakin, bumalik yung ngiti sa mga mukha nila. Niyakap nila ako ng sobrang higpit. "Sabi mo next week pa ang flight mo?" Na iiyak na sabi ni Khai. "Its a joke" Naka ngiti kong sabi. "I hate you Cassie" Pati ba naman si Grazee na iiyak na din? "Bakit hindi mo sinabi sa amin na aalis ka ha? Ang daya mo" Kunwari nag tatampo pero i know na miss nila ako ng sobra. Hinanap ko si Timothy pero wala, wala sya dito. "Where's Timothy?" Sambit ko. Nagka tinginan sila saglit at sinagot na rin ni Grazee ang tanong ko. "Nasa HongKong na sya, dun na sya nag aaral" Umm okay, sayang, na miss ko sya. Inaya ko na sila na umuwi na. Ang parents ko? Hindi na ako nag assume na pupunta sila para sunduin ako, wala naman silang kilalang anak na Cassie, isa lang ang kilala nilang anak, si Kelly.

Condo

"So, what's your plan now?"

"I don't know, ayokong mag pakita kila mommy and daddy"

"So dito ka muna?"

"Yah, ipapakita ko sa kanila kung sino ang anak nila"

"Revenge?"

"Yah, a sweet revenge"

"Okay, come on lets go Khai"

Nag paalam na sila, gabi na rin kaya magsisi uwi na sila. Ako naman mag aayos ng mga gamit dito sa condo na nabili ko. Bagong bili ko tong condo na to'. Wala pang masyadong gamit, maybe next week bibili na ako.

The Campus Bitch Meets The Campus JerkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon