CHAPTER 1 - Wrong Sent

En başından başla
                                        

Sinagot niya ang chat nito. “Oy pengyou! Musta ba?”. Sagot niya na may halong kaba, kahit hindi siya nakikita nito ay feeling niya nakikita nito ang ginagawa niya. Nag tatakip pa siya ng mata sa bawat ire-reply nito sakanya. Loka-loka talaga siya.

Matagal din silang nag ka-chat. Kahit minsan ay hindi nabanggit nito ang tungkol sa wrong send niya kanina. Dahil dun ay nakahinga siya ng maluwag. Makakatulog na naman siya ng may ngiti sakanyang labi.

Charlie's POV

“AINSLEY.” Banggit ni Charlie habang nakatingin sa text ni ainsley. He will not deny it. Kahit papano ay may kaunti siyang pag tingin para dito. Natutuwa siya pag nakikita niya ito dahil sa lalim nitong dimples. Ang cute nito lalo na  pag ngumingiti.

Bumalik sa kanyang ala-ala ang nangyari kanina.

Kanina nang lunch break nila nagulat na lang siya ng tumunog ang cellphone niya. At nangiti siya nang makita ang pangalan ni Ainsley. Nagulat siya sa nabasa niya, hindi niya alam ang naramdaman niya, pero para sakanya, kilig ang naramdaman niya, nakakatuwa mang isipin na kinilig siya, pero hindi niya talaga ito maitatanggi, kinilig talaga siya.

Sa di kalayuan nakita niya si Ainsley, may kausap sa cellphone. Parang may kumurot ng unti sakanyang puso. 'Selos? Selos ba iyong naramdaman ko?.' Naitanung nalang niya sakanyang sarili. Hindi niya alam kung bakit niya naramdaman iyon, hindi nalang  niya ito pinansin. Pero nag-alala siya nang makita niya ito na parang kinakabahan, kung titingnan mo ito para itong mahinhin, pinong kumilos, at parang suplada. Pero sa nakikita niya ngayon, para itong bata na may nagawang kasalanan, natawa siya. Ang cute kasi nito. Gusto niya sana itong lapitan, ngunit may kaunting hiya siyang nararamdaman.

Natatawa siya sa nararamdaman niya ngayon, para siyang babae kung kiligin. Hindi naman siya bakla, siguro iba lang talaga ang dating ni ainsley sakanya.

Boses ng kanyang Ina ang nag pabalik sakanya sa realisasyon. “Anak, you didn’t eat your dinner, may problema ba anak?” May pag aalalang tanong nito sakanya

“Nothing ma, masyado lang ako naaliw mag computer.” Pag sisinungaling niya. Ang totoo ay kachat niya si Ainsley, sa sobrang sarap nito kausap ay nakalimutan na niyang kumain.

“Okay, next time be sure that you eat your dinner mo muna before ka mag computer ha. Sige anak, goodnight na.”

“sure mom, goodnight.”

Ainsley's POV

KINABUKASAN  dumaan muna si Ainsley sa building ng accountancy para kunin ang hinihiram niyang pocketbook sa kaibigan niya na si Fina. Uwian na ng mga estudyante ng accountancy kaya mediyo magulo doon, siksikan. Hindi inaasahan na mabubunggo siya ng isang estudyante na tumatakbo, na out-of-balance siya lakas ng impact kaya bumagsak siya pati ang kasalubong niya ay nadamay sa pag bagsak. Sa di inaasahan ay mag ka patong silang bumagsak ng kanyang kasalubong, siya ang nasa ilalim nito at ang kasalubong naman niya ay nakapaibabaw sakanya.

At nang hindi niya inaaasahan na mag didikit ang kanilang mga labi! Hindi niya malaman ang kanyang gagawin, basta ang alam niya namumula ang kanyang mukha. Lalo na niyang hindi malaman ang gagawin nang mapag tanto niya kung sino ang lalaking kanyang kinabagsakan at nahalikan. It was Charlie! Charlie nga! Hindi siya pwde mag kamali.

Hindi niya malaman ang kanyang gagawin kaya agad siyang tumayo, nag sorry, at tumakbo. Wala siyang narinig na salita mula sa lalaki, basta ang narinig lang niya ay ang kantyawan ng mga estudyante sakanila.

“Stupid Ainsley! Stupid!” naiiyak niyang saad. Nasa banyo na siya ngayon, hawak niya ang kanyang labi. Hindi niya alam kung paano pa siya lalabas. Alam niya na marami ang taong naka-abang sakanya at manga-ngantyaw.

“Look who’s here!” ani ng isa sa mga babaeng kapapasok lang ng CR. Mediyo nagulat siya sa pag dating ng mga. “Ang babaeng makire! HAHAHAHA” 

“Oo nga! Ang balak na mang agaw ng Charlie ko. In fairness ah, naka-isa ka dun girl. So what’s the feeling? Enjoy ba?” may halong pamimikon na sabi ni Monique, ang isa din sa may gusto kay Charlie, but compare for her, hindi na normal ang pag kaka-crush nito dito. Kumbaga baliw na pag-ibig mo na ito na matatawag.

So mean! Ani niya sakanyang isipan. Hindi na talaga siya makapag timpi, gusto niya sugurin ang babae at sabunutan. Kaya lang, wala siyang mapapala at mas papangit pa ang image niya dito sakanilang school.

“Kung ako sayo Ainsley, lumalayo-layo ka kay Charlie, baka kung ano pa magawa ko sayo pag tuluyan akong nag selos.” Sabat pa nito ulit.

“Okay!” sabi niya at nginitian nalang niya ang babae at umalis. Makikita mo sa mukha ni Monique ang pagka pikon. At natuwa siya dahil nag tagumpay siya na pikonin ito. Akala mo papatalo ako sayo? No way!. pupunta nalang siya kay Ara at sasabihin ang mga nangyari, eto lang kasi ang karamay niya pag may problema, ang Bestfriend kasi niya ay nasa ibang bansa.

“W-WHAAAAT?” malakas na tanung ni Ara sa kaibigan matapos i-kwento ni Ainsley ang insidente kanina sa eskwelahan. Nandoon siya ngayon sa bahay nila Ara.  “Selos ako dun ah!” kunway inirapan niya ito.

“Ano ka ba, It was an accident. Ni hindi ko nga alam na makakasalubong ko siya e. Grabe nakakahiya talaga!” naitakip ni Ainsley ang kanyang kamay sakanyang mukha. “So embarrassing!”

“Friend, it’s not your fault, so don’t worry, everything’s will gonna be alright. Tska hindi kana matatandaan ng mga yun, trust me.” Pag co-comfort niya sa kaibigan.

“Thanks friend.” Niyakap niya ito.

Charlie's POV

“PARE! Naka-isa ka dun ah! So what’s the feeling?” tanong ni Ken, isa sa mga kabarkda ni Charlie, may halong pang-aasar iyon.

“Ano ka ba? Accident yung nangyari at walang may gusto nun.” Mediyo naiinis niyang sagot.

“Pero tell me, gusto mo naman diba?” nakangisi nitong tanung.

Hindi niya napigilan na mapa-ngiti. Oo, gusto niya ung nangyari lalo na’t si Ainsley iyon. Mediyo naawa nga siya dito, at least siya lalaki walang mawawala sakanya, pero si Ainsley, siguro iisipin nun na nawala ang dignidad nito. Pagkakita palang niya dito nang ng sorry ito sakanya ay pulang-pula na ang mukha, dahil siguro sa hiya.

Gusto niya ito i-comfort kanina, pero kung lalo pa niya ito lalapitan lalong pa silang kakantyawan ng mga tao. “Heh! Kung anu-ano sinasabi mo.” Pag-iwas nalang niya sa tanung.

“Well, maganda yung girl. Gusto ko siya makilala. Ang cute!” pinisil pa nito ang sariling pisngi.

“Wag mo na kilalanin.” Wala sa loob na naisagot. Nainis kasi siya sa sinabi ng kaibigan. hindi niya alam kung bakit. Pero iba ang dating sakanya.

Nagulat ang kaibigan niya sakanyang sagot. “Ano? Bakit naman wag na?” nag tataka nitong tanong

“Wag mo na kilalanin.. uhm.. u-uhm. Kasi...” wala siyang maisip na palusot. Naku patay! “U-uhm kasi, aaaahhh.” Wala talaga siyang maisip! Syet!

“Kasi ano?” inip na tanung nito.

“Ayun! Kasi malaki school natin. Tama malaki school natin, hindi na natin un makikita, lalo na hindi pa natin alam course niya!.” Pag sisinungaling niya. Naku! Sana makalusot ang palusot niya. Mapag matyag pa naman ito.

“Sabagay, may point ka pare.” Nakahinga siyang ng maluwag nang isagot nito iyon. Buti nalang at naniwala. “Pero pag nakita natin, tulungan mo ko ha!” makangiti pa nitong sabi.

Huminga siya nang malalim, mukhang gusto talaga ito ng kaibigan. Oo nalang ang naisagot niya. Wala na siya magagawa. Hay!! Selos. 

It all started with one TEXTHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin