Chapter: Clinton

5 1 2
                                    

"What are you waiting for? Bakit nandito ka pa? Huwag mong sabihing palalampasin mo na naman ang pagkakataon mo? Natotorpe ka na naman ba?" Sabi ko sa kanya, kay JM.

He smirked at him. "Sino bang may sabi na torpe ako." Ibinigay niya sa akin ang bayad niya, saka nagmamadaling bumaba nang Jeep bago pa ito umandar ulit.

"Hindi ka na nga torpe, JM!" Sigaw ko sa kanya. Nginitian niya ako. Ang mga ngiting humuli ng puso ko. Napakasakit na makita siyang kasama ang babaeng gusto niya. Ano ba naman ang laban ko doon? Maganda lang ako, babae 'yon.

Nakatingin lang ako sa kanila habang papalayo ang Jeep, hanggang sa hindi ko na sila natatanaw pa.

"Asa ka, Chloe." I rolled my eyes. Tumanaw na lang ako sa daang tinatahak ng jeep.

Kinagabihan, naisipan kong mag-club. Gusto kong uminom. Weekends naman bukas. Atsaka, sobrang sakit lang talaga ng nararamdaman ko. Kailangan ko ng alcohol.

"Ano pong drinks niyo, Sir?"

Aangal sana ako sa pagtawag ng bartender sa akin ng sir nang may maalala ako. Right. Hindi pala ako nag-cross-dress ngayon.

"Bigyan mo ako ng matapang." Sabi ko doon sa bartender. Agad naman niyang prinepare ang drinks ko.

Nag-scroll lang ako sa timeline ko habang hinihintay ko ang order ko.

You have a memory from 2 years ago with John Mark Arellano

Clinick ko ito. Ito 'yong nag-boracay kami. Dito ko na realize na bakla ako at gusto ko siya.

"Tsk." I turned of my data and locked my phone. Ibinulsa ko na din ito. Mamaya malasing pa ako, mawala ko pa.

"Here's your drink, Sir."

"Thanks." Walang ganang sabi ko. Naiirita talaga ako kapag ina-address ako ng Sir o ng name ko na Clinton. Wala nga lang akong magagawa kasi kahit pusong babae ako, legally and maternally, lalaki pa rin ako. Wala naman akong balak magpa-sex change. Never sumagi sa isip ko iyon. Naniniwala ako na makakahanap din ako ng lalaking tatanggap sa akin bilang ako, bilang binabae, at hindi dahil nagpaka-babae ako.

Ininom ko ang alak na ibinigay sa akin. Napangiwi ako. Napaka-tapang ng inumin na 'to. Grabe ang hagod sa lalamunan.

"Hi pogi."

Napatingin ako sa babae naupo sa katabing upuan ko.

"Pogi mong mukha mo. Mas maganda pa ako sa 'yo." Pagsusungit ko, sabay irap at flip pa ng hair ko.

"Ay, bakla pala." Sabi ng babae habang nakangiwi.

"Oo. Bakit? May problema ka?" Tinaasan ko siya ng kilay.

Nagkibit-balikat siya. "Wala naman. Sayang lang ang lahi mo." Bumaling siya sa bartender. "Yong matapang nga, Jim. Thanks."

Sinalinan siya ng bartender sa medyo maliit na glass. Pinaikot-ikot niya ito kaya tumunog ang yelo. Nakatingin lang ako sa kanya habang ginagawa niya iyon.

"Ano? Akala ko ba mas maganda ka sa akin?" Sabi niya ng hindi nakatingin sa akin, pagkatapos ay uminom siya ng alak.

Inaamin ko na, mas maganda siya sa akin. Kakaiba ang ganda niya. Hindi ko maipaliwanag ang epekto nito sa akin.

"Alam mo, kapag hindi ka tumigil kakatitig sa akin, iisipin kong na-love at first sight ka na sa akin." Sabi niya ng hindi pa rin nakatingin sa akin.

Bigla ko naman na-realize ang ibig sabihin ng sinabi niya. Napatikhim ako. "I-in your dreams." Sht. Bakit ako nautal?

Narinig ko siyang tumawa.

"Tinatawa mo diyan?" Sinamaan ko siya ng tingin.

"Wala, wala." Tumingin siya sa akin ng nakangiti.

Jeepneyحيث تعيش القصص. اكتشف الآن