Chapter: JM

6 1 1
                                    

Noong una ko siyang makita... Iyon rin ang araw na nagsimulang maging weirdo ang puso ko.

Una kong nasilayan ang maganda,  maamo, mala-anghel niyang mukha sa loob ng Jeep. It was a random day. Sabog na sabog pa nga ako dahil sa wala akong halos tulog dahil examinations week. Pero ng makita ko siya, papasakay siya noon sa Jeep at ako naman ay sitting handsome (instead of setting pretty), biglang bumilis ang tibok ng puso ko at natataranta akong inaayos ang itsura ko. Hindi ko talaga maipaliwanag hanggang ngayon ang naging behavior ko noong araw na 'yon.

Araw-araw akong sumakay ng Jeep pagkatapos ng araw na iyon, sa bawat biyahe ay ang pagbabakasakaling magkasabay ulit kami.

"Sasali ka sa debate team?!" Gilalas na tanong sa kanya ng kaibigan/kakilala niya isang araw.

"Uhuh. I think it would be worth my time and effort." She smiled sincerely. Although I am not the one she's smiling to, her sweet and colorful smile rendered me breathless. Ugh. I don't sound gay, am I?

Because of what I heard about her plan on joining the debate team of her school, a plan was also made up in my mind. Sasali ako sa debate team ng school namin.

I am fully aware that our schools are rivals when it comes to debate competitions. I'll join, although it's a total conflict to my interests. Arguing is not my thing but since she'll join, I think, I can try this one. Gusto ko lang na kahit sa ganitong paraan, magkatagpo ang landas namin.... makilala niya ako, kahit papaano malaman niyang nag-i-exists ako.

Ang babaeng napupusuan ko at pinapangarap ko ay si Mara Megan Gomez. Nickname niya possibly ay 'MM'. Narinig ko kasing sa mga kaibigan niyang kasama niya tuwing nagkakasabay kami. Actually, I first known her as MM. Hindi ko pa talaga alam noong una kung ano ang real or full name niya. The debate competition paved the way in order for me to know her name. I went against her twice and honestly, she was one hell of a great debater, and I won't really get tired of arguing with her if it is the only way that I'll be able to talk to her and have her attention on me.

Papalapit na ang jeep na sinasakyan ko sa eskwelahan nila. Malayo pa lang, nagwawala na ang puso ko nang matanaw ko siya. Ang bakla ko na talaga.

Nang paakyat na siya, hindi ko mapigilang hindi siya sulyapan o 'di kaya'y titigan. Noon madalas ko siyang natititigan. Ngayon, hindi ko na magawa dahil madalas siyang nakatingin sa akin. O hindi talaga sa akin? Basta. Nahihirapan na akong tingnan siya ngayon dahil takot akong mahuli niya.

Pero this time, hindi ko talaga napigilan. Pinanood ko siya habang papaakyat siya hanggang sa napatingin siya sa akin. Ilang sandali rin kaming nagkatitigan hanggang sa tumikhim siya at tuluyan ng naupo sa tabi ko, may kaunting distansya sa pagitan namin. Gusto kong umusog palapit sa kanya. Kaso, mahahalata ako dahil kakaunti pa lang ang pasahero ng jeep. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Sobra.

Pasimple akong humuhugot ng malalalim na hininga habang nasa biyahe. Kinakabahan talaga ako. Mahigit isang taon ko ng gusto si MM. Torpe na kung torpe. Aminado naman ako. Pero dahil lang naman ito kay MM. May kung anong mayroon sa kanya na nagpapatiklop sa akin bago pa man ako makapag-attempt na kausapin siya.

Pasulyap-sulyap ako sa kanya at ramdam kong gano'n din siya. Hindi naman ako assuming pero kakaiba ang nararamdaman ko kapag iniisip kong sinusulyapan ako ni MM. Ang hirap pigilan ng ngiting pilit kumakawala sa labi ko dahil doon. Nagpanggap akong may binubutingting sa cellphone ko para hindi naman ako magmukhang tanga sa paningin niya.

Tumigil ang jeep sa isang school at nag-pick up ng mga pasahero. Nag-umpisa ng magsiksikan. Umusog siya nang umusog hanggang sa mapadikit na siya sa akin. Ramdam na ramdam ko ang tila libu-libong boltahe ng kuryente na dumaloy sa mga ugat ko nang magdikit ang mga balat namin. Kasabay ng pagdoble ng bilis nang tibok ng puso ko.

JeepneyWhere stories live. Discover now