Kinurot niya ang ilong ko.

Karl: Ito masyadong pikon. Alam ko namang pagnakaka-amoy ka ng kape eh.....

Itinabon ko ang kamay ko sa bibig niya.

Kath: STOP!!!

Bigla siyang tumawa ng malakas. At tumakbo pa labas.

Karl: Magbihis ka na huh, alis tayo....MS. Jebs!!!

 

Pahabol niyang sabi habang nakasilip sa pinto ko.

Kath: Kuyaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!!!!!

Oo...pagnakakaamoy ako ng kape, biglang nagrerebolusyon ang tiyan ko. Kaya nga nung maamoy ko si halimaw eh ayun sobrang nainis ako.

SETTING: MALL

Ang ironic, kasi kahit na may sarili kaming mall eh sa iba pa rin kami pumupunta ni Kuya Karl. Marami kasing alagad si Kuya Ken sa mall namin. Kilala pa kami kaya hindi kami halos makapag-enjoy doon. Mahilig kaming mag-arcade together ni Kuya. Kahit na minsan busy na siya, huumahanap talaga yun ng time para mailabas ako.

Kath: Kuya musta kayo ni Shane?

Nabigla siya.

Karl: Saan mo naman nakilala si Shane???

 

Karh: Kay Ate lorns...ikaw huh masyado kang playboy...

 

Karl: Baket?? Pwede naman huh...dapat hindi sayangin ang kagwapuhan.

Kath: Mamaya ako makatagpo din ng playboy

 

Karl: Bubugbugin ko siya. Princess tandaan mo, pag may nanakit sayo uupakan talaga ni kuya.

 

Kath: Echoz!!

 

Karl: Echos ka jan, ikaw kung ano ano ang natututunan mo sa GPM huh. Pano kaya kung sabihin ko kay Daddy na ilipat ka sa school exclusive for girls???

Kath: Kuya!!!!!!

 

Karl: Joke lang. Alam mo namang kampi tayo diba? Sabay kurot sa baba ko.

Masaya ako dahil nagkaron ako ng kuya like him. Sobrang supportive niya. Dati nga gusto akong i-enroll ni Kuya Kenneth sa all-girls school pero dahil sa tulong ni Kuya Karl, nakapagenroll ako sa GPM. Mula nung namatay si Mommy, si Kuya Karl naging  sobrang maalag sa akin. He promised mom na he’ll take care of me. Siya ang lagi kong kakampi at tagapagtanggol. Mahal na mahal ko si Kuya. 

Loving You for No Reason (Kathniel FanFic)Where stories live. Discover now