"Dadagdagan mo na naman yan!" halos mapatili ako dahil sa kakaibang kiliti kapag nadadantay ang mga kabi ni Ivan sa sensitibong bahagi ng aking leeg.

"San mo ba gustong pumunta?" tanong sa akin ni Ivan habang ako naman ay nag-iisip. Wala naman akong gustong puntahan ang gusto ko lang naman makasama si Ivan. Manatili sa mga bisig niya at matulog maghapon. Haha.

"Dito lang! Basta kasama kita." saglit naman siyang nag-isip at umiling.

"Sa pad ko gusto mo kaso baka makita ka ni daddy. Sa condo ko?" Hmm. San nga ba magandang pumunta. Nakakahiya nga naman if makikita ako ni Tito Lyndon sa hotel nila tapos kasama ko pa si Ivan. Nakakahiya talaga yun! Ilang beses ko bang pinangarap na dumating itong moment na'to? Bakit ngayong nandito na saka wala akong maisip na sweet na lugar para sa aming dalawa.

"Gusto ko dalhin mo ako sa isang lugar na ako palang ang dadalhin mo roon. What do you think?"

***

"Seaside?" Tanong ko sa kanya habang magkahawak kamay kaming naglalakad dito sa seaside. Ngayong hapon lang kami nagpunta dito dahil late na kasi kaming nagising ulit after ng ahmmm. Ahh! Di ko pa rin masabi talaga.

"Oo! Hindi naman kasi ako magaling sa mga ganito hindi tulad ng Nathaniel na yun. Tss. Basta romantic daw kapag sabay pinanood ang paglubog ng araw. Ayos ba Cha?" siniko na lamang siya ng kinindatan niya ako ng nakakaloko. Nakakatuwa naman. Mukhang nagseselos siya kay Nathaniel. Ay! Naalala ko si Nate! Well, ayon sa pagkakaintindi ko sa last na pag-uusap namin ay tumigil na siya sa panliligaw pero alam ko na kailangan ko pa rin ipaalam sa kanya na kami na ni Ivan.

Nakasandal ako sa matipunong balikat ni Ivan habang pinapanood namin ang unti-unting paglubog ng araw. Pakiramdam ko para kaming nasa isang romantic movie. Hay. Ilang taon ko din 'tong pinangarap. Ngayon masasabi ko ng hindi na bata ang turing sa akin ni Ivan. Hindi na niya ako itinuturing na kapatid. We made love!

Tama lang yung naging desisyon ko na ibigay ang lahat para sa kanya. Mahal ko siya noon palang at habang tumatagal mas lalo akong nahuhulog sa kanya, natatakot nga ako kung minsan na baka hindi ko kayanin sakaling iwan niya ako. Hindi naman siguro diba? Mahal na ako ni Ivan. Seryoso siya sa akin at hind niya ako lolokohin.

Bata pa nga ako para magmahal ng ganito, naalala ko yung bilin sa akin ni mommy ingatan ko daw ang sarili ko at huwag maging mapusok sa pag-ibig. Anong magagawa ko? Simula't-simula palang kay Ivan na umiikot ang buhay ko. Hindi ko kayang mawala yung oppurtunity na ito. Sorry mommy kung sinuway ko yung bilin niyo. I really love him.

"I love you." I said sleepily. Ipinikit ko ang aking mga mata upang damhin pa ang moment namin pero nangunot ang noo ko ng hindi man lang tumugon si Ivan. Baka hindi narinig?

"I love you Ivan." naramdaman ko ang paglalim ng paghinga niya at tinapik ako.

"I love you Champagne." dahil sa sinabi niya ay napanatag ako ng husto. Ang sarap namang marinig iyon mula kay Ivan. Nakakakilig! Ewan ko ba kung bakit mahal na mahal ko siya. Minsan jerk siya at talaga namang babaero, hindi ko alam kung seryoso siya sa akin at kung ako lang ba talaga pero kahit ganoon mahal na mahal ko pa din siya. Ilang taon ko din inalagaan ang pagmamahal ko para kay Ivan. Malabo na atang mawala iyon.

***

"At bakit ngayon ka lang umuwi bata ka? Kagabi nga di ka umuwi tapos ngayon gagabihin ka pa?" mataray na tanong ni mommy sa akin ng makapasok na ako sa loob ng bahay namin. Ano nga bang ipalulusot ko?!

TVFN 6 : Between The SheetsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon