Mag-iisang oras na kaming nakaupo na mapansing kong nakatulog na si Miakka sa bisig ni Troy. Hindi ko maiwasang pagmasdan siya habang inaayos ang ulo ng kapatid ko sa dibdib niya. 

Pumungay ang mga mata ko sa'kanya. He's so good with Miakka. Pinagbibigyan niya ang mga inosenteng hiling ng kapatid ko. Maging ang kakulitan niya ay napagtyagaan ni Troy na kahit si Marco ay napipikon minsan. 

Ngumiti ako binaling ang tingin kay Marco na kanina pa pala nakatingin sa'kin. Nagpabalik-balik ang tingin niya sa'kin at kay Troy. Nanunukso siyang ngumiti.

Umiling ako at pinigilan ang pang-aasar niya. 

Tiningnan ko kung pano niya binitawan ang hawak na gitara at pabirong nagporma ng puso gamit ang dalawang kamay. Pinanglakihan ko siya ng mata. 

What the hell?

Mabuti na lang at hindi nakatingin sa'min si Troy. 

Iniwasan ko ang titig ng kapatid ko. Kinuha ko na lang ang baso sa lamesa at uminom ng juice. Nakakalahati na ako ng inom ng magsalita si Troy, 

"Uhm that's my glass, Sam." 

Hindi ko inaasahang naibuga ang juice. 

"Oh sorry." 

Binaba ko agad ang baso. Nagmamadali akong nagpunas ng bibig sa sobrang kahihiyan. Hindi na napigilan ni Marco ang pagtawa. Tuwang tuwa siya sa kahihiyan ko sa harap ng lalakeng pakakasalan ko. 

"Macoy!" protesta ko. 

Humirit pa siya ng tawa hanggang sa mapahawak na siya mismo sa kaniyang tiyan. "S-Sorry na, Ate!" 

Pakiramdam ko'y pulang pula na ang buo kong mukha sa sobrang kahihiyan. Si Troy ay nakikitawa na rin sa kapatid kong walang modo! 

"H'wag ka ng mahiya, Ate. Magpapakasal na naman kayo ni Kuya. Diba Kuya?" 

Nagpipigil ng ngiti si Troy. Iniabot niya kay Marco si Miakka na mahimbing na natutulog. Tumungo siya sa kinauupuan ko. 

Animo'y may kinuha siya sa bulsa. Nakita ko ang puting panyo na bigla niyang pinamunas sa mukha kong nabasa sa pagkakabuga ko ng juice. Bahagya akong napaatras pero mabilis niya akong pinigilan. 

"Don't move. Pupunasan lang naman kita." bulong niya. 

"Ako na kasi." 

Hindi niya ko pinansin at pinagpatuloy sa pagpupunas. Natapos siya at naupo na rin siya sa tabi ko. Hindi pa rin  tumitigil sa pang aalaska ang kapatid ko.

"It's not funny, Marco." banta ko pero binalewala pa rin niya.

"Masyado ka naman mahiyain, Ate. Hindi ka naman tutksuhin ni Kuya na nag-inndirect kiss kayo dahil inuman mo 'yun baso niya. Diba, Kuya Troy? Hindi mo siya aasarin kahit anong manyare."

"Of course. Hindi naman big deal 'yun. Hinding-hindi ko siya aasarin." 

Pero taliwas ang sinasabi nila sa mga ngisi na nasa mga labi nila. Para silang mga bata na nakahanap ng babae na ibubully sa eskwelahan. 

Nagpasya akong iwanan na lang sila. Hindi naman sila titigil sa pang-aasar sa'kin hanggang nakikita nila ako sa harap nila.

Boys and their fascination about bullying girls.

Kinahapunan ay kinailangang umalis ni Troy. Kukuha raw siya ng ibang damit sa kanilang bahay. Hindi na niya kabisado ang daan papunta sa bahay nila, kaya minabuti kong samahan na lang siya. Nagpaalam kami kay Marco. 

"Handa ka na bang sabihin, Sam."

Nilingon ko siya. "Hinihintay na lang kita, Troy. Kung kailan mo gustong sabihin kay Inay ay okay sa'kin." 

Substitute Bride (Editing)Where stories live. Discover now