Chapter 1

82.5K 789 32
                                    

Chapter 1:


"I think you should follow him." Bulong ni Ivan.

"Sino?" tanong ko habang abala ako sa pagliigpit ng gamit ko. Hindi ako nakatingin sa'kanya kaya't hindi ko alam kung sino ang tinitukoy niya. Isinuksok ko sa loob ng bag ang gitara ko at mabilis siyang hinarap.

"Sinong dapat ko sundan?" ulit ko sa tanong ko.

Sinundan ko ang tinuro niya at mabilis kong nakita ang papaalis na likod ni Chrome. Pababa na siya at hindi man lang siya nag-abalang lingunin kami.

Napailing ako at inilingan siya.

"Ayoko pang masungitan, Ivan. I still have a long day ahead of me and if he'll ruin my day hindi na ko makakasurvive sa night shift ko. You know how grumpy he gets." I explained.

Chome's in his usual self—cold and rude, so why would I bother changing that. Natural na sa'kanya 'yun and we all have to deal with that every second of every day.

Bumaba na kami sa stage at patuloy sila sa pangungulit sa'kin.

"Try asking him out, Sammy." Ivan said mockingly.

Huminto ako sa huling step ng hagdan at hinarap siya. "Do you want to die, Ivan Chrysler Fuentebella?"

He immediately paled and shook his head. "Tatahimik na po, Ate. Hindi ka na mabiro."

Humagikgik sina Mandy at Roxanne na nasa likod niya. "Dumagdag pa kayong dalawa." Sigaw ko at mabilis na bumaba.

They really like teasing me. And when I say "tease" I meant maximizing my patience.

Pumasok kami sa isang kwarto sa likod ng stage. Mabilis kong hinagilap ang lalagyan ng gitara ko at inayos 'yun. Saktong pag-upo ko ay binato nila ako ng gummy bears na kanina lang ay kinakain nila.

"What?" binato nila ako ulit at tumama sa noo ko.

I groaned.

"I cannot believe you three. Kaibigan natin 'yung tao at alam nating lahat ng mas masahol pa siya sa babaeng may period kapag may sumpong. Tapos gusto niyo kong ipinapain sa'kanya sa tuwing nagsusungit siya." Reklamo ko na tinawanan lang naman nila.

Nagtatawanan sila habang nakasimangot ako ng biglang pumasok si Chrome. Natigilan sila. Tumaas ang kilay ko at tiningnan ang naging reaksyon nila. Tumingin sa'kin si Ivan nang may ngisi sa labi at maging si Mandy at Roxanne at ganun din ang ginawa.

Oh crap! Gagamitin na naman nila kong pangsalo sa kasungitan ni Chrome.

"I so hate you." I mouthed at them.

Pare-pareho lang silang ngumiti at iniwan kaming dalawa sa kwarto. Tinapik pa ni Ivan ang balikat ni Chrome na hindi naman pinansin nung isa.

"Are you going to work?" tumaas ang kilay ko sa nahimigan kong pag-aalinlangan sa boses niya. Pinakatitigan ko ang mga mata niya.

"Oo, bakit?" I mumbled with both of our eyebrows raised a notch higher. Kung meron mang nakakatagal sa kasungitan niya ay ako na 'yun. I can somehow control his mood or in Mandy's words "I have him leashed."

Chrome shrugged. "I can drop you. I want some caffeine." He said as he motioned his car keys.

Inirapan ko siya at kinuha ko ang ibang gamit ko. "Caffeine your arse, Chrome. Guguluhin mo lang kamo ko sa shop."

"J-Just stop whining." Umirap din siya at naglakad na palabas ng kwarto.

He knows I'll follow him. Alam niya kasing nagtitipid ako sa pera lalo't malapit na naman ang exams. I need to pay for my miscellaneous or else I'll miss the exams.

Substitute Bride (Editing)Where stories live. Discover now