Like what I said, kung kay Aly nangyari ang nangyari, kukulitin ko rin siya. Hindi ako matatahimik kung hindi ko alam ang nangyayari sa kakambal ko. Naiintindihan ko siya at ayokong sumama ang loob ni Aly sa akin.

Sinabi ko sa kanya na sa sasakyan ko na sasabihin ang nangyari. Si Aly na rin ang nagpaalam kay Manang na sabay kami upang hindi ako ihatid ng driver namin. Sinabi niya na tatawagan na lang niya si Daddy para hindi ito magalit pa.

“So, what happened?” hindi pa umaandar ang sasakyan ay nagtatanong na si Alyanna sa akin.

“Kung sasabihin ko sa’yo na nadapa lang ako, maniniwala ka ba?” tanong ko sa kanya. Tinitigan naman ako ng masama ni Aly. “Kung dagdagan ko kaya ‘yang kalmot sa pisngi mo? Kanan naman para pantay, gusto mo?” pagbabanta niya sa akin. Napailing na lang ako.

“Sinong baliw na babae ang gumawa niyan sa’yo?” tanong ni Aly muli sa akin habang umaandar ang sasakyan.

“Ian’s girlfriend…” halos pabulong na sabi ko. Kung hindi pa ako naka-seatbelt ay malamang na naumpog ako sa salamin nang biglang nagpreno si Aly.

“What? You mean ginawa mo ‘yan sa sarili mo? Are you insane?” nanlalaki ang mga matang tanong niya sa akin. Napatingin naman ako kay Aly at hindi ako makapaniwala sa tanong niya sa akin.

“Of course not! Ano ka ba?” hindi ko mapigilang mapaismid. “What I mean is, yung isang girlfriend ni Ian.”

“What?” kulang ang salitang nabigla kung pagbabasehan ang reaksyon ni Aly. It was like sinabihan ko siya na nagpropose sa akin si Drew Taggart. Para bang ang sinabi ko ay napaka-imposibleng manyari.

“You heard it right. May ibang girlfriend si Ian…” sumandal na lang ako at tumingin sa labas.

“Son of a—“ mabilis kong nilingon si Aly. “Damn, Twin! May ibang girlfriend siya?” tanong niya sa akin. Muli itong napamura. “Kung alam ko lang, hindi ko na sana pinilit pa si Ian sa’yo. I though he loves you! Pero sinungaling pala ‘yon!” damang-dama ko ang inis sa bawat salita ni Aly.

“I’m fine…” hinawakan ko ang braso niya.

Marahas na lumingon si Aly sa akin. “Fine? Mukha bang fine na sinaktan ka ng girlfriend niya? Ang kapal ng mukha niyang manligaw sa’yo, magpakilala kay Daddy at Mommy tapos gagaguhin ka niya!” kumuyom ang kamay ni Aly at pinukpok ang manibela.

“Aly, I’m fine…” ulit ko sa kanya. I know this will happen. Alam ko na magagalit siya kay Ian dahil sa nangyari. Yes, given naman na may maling nagawa si Ian. Mali na niligawan niya ako na may Anika sa buhay niya, pero hindi naman mangyayaring maloloko ako ni Ian kung hindi ko siya sinagot para lang maiwasan si Jahann. And that’s something I couldn’t tell her. Hindi ko pwedeng sabihin kay Aly ang tungkol sa amin ni Jahann.

Bumaling si Aly sa akin. “It’s not fine with me.”

I rolled my eyes. “Aly, pabayaan mo nalang, pwede? I’m fine. Break na kami ni Ian kaya wala ng dahilan pa para magkausap kami o magkita. I’ll be fine…” pilit ko pa rin sa kanya. Alam ko ang kakayahan ni Aly. Kung hindi ko kayang manampal man lang ng tao, kayang-kayang gawin ni Aly iyon ng hindi kumukurap. Alam kong hindi mangingimi si Aly na gawin ang bagay na iyon lalo pa’t ako ang nasaktan.

“Twin, it’s not fine with me…” lumambot ang ekspresyon ng mukha niya nang humarap siya sa akin.

Napangiti ako. “Alam ko. But hey, I’m fine. I’ll be fine…”

Hindi nagsalita si Aly pero sumandal ito at sumimangot. Alam ko na katulad ni Jahann, ayaw niya rin na nasasaktan ako. Ganoon din naman ako sa kanilang dalawa ni Jahann.

Played by Fate - Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon