Teka. Naka online si wag nyo po ako kausapin! Pero bet ko ang bago niyang name ngayon ha, from wag nyo po ako kausapin, naging @IalreadymetHER , kaya ko pala nalaman na nagpalit siya ng username kase yung account name niya ganun parin. Siya pa rin si Great Cyclops.Medyo kinilig ako sa post niya ha. Ewan ko ba.
"Hoping that she's online right now."
Dahil medyo chismosa ang Dyosang tulad ko twineet back ko siya.
"Who's that girl?"
Nag-antay ako at mabilis naman ang response niya.
"The person I love."
Medyo korni siya ngayon. Hmmm. Go with the flow nalang!
"Did the girl you love is also love you?"
Parang medyo masakit ata yung tanong ko?
"I don't think so... But I'm sure she will love me back as soon she sees me"
"Hahaha. Gravity falls! So ibig sabihin hindi mo pa siya nakikita? Ang lupit mo rin noh?! Nakakatawa ka talaga!"
"Sige tawa pa. Ayos lang yan. Hindi mo kase nararamdaman yung nararamdaman ko."
"Joke lang naman yun. Sorry na. Kase parang imposible pero sige libre lang mangarap. Hahaha."
"Ikaw nga hanggang pangarap mo nalang ang bestfriend ko diba?!"
Bakit alam niya? So ibig sabihin kilala nga niya talaga ang loves ko?
"So bestfriend mo pala siya? Alam ko naman yun eh. Naubusan na nga ako ng tickets dito. Lakas kase ng kamandag ng bestfriend mo."
"Woah! Sold-out agad tickets niya diyan? Astig ha! Yup! Bestfriend ko siya. Kambal tuko. Kaya parehas kaming gwapo. Hahaha."
"Kapal mo rin noh! Eh bakit wala ka ni isang picture sa account mo pati profile picture mo?"
"Kapag gwapo ka dapat tinatago mo yan kase para kapag wala na yung iba saka ka lumabas, parang endangered species lang. Hahaha."
Ang kapal talaga nito. Kasing kapal ng encyclopedia namin!
"Okay sabi mo eh."
"Bakit kase sa bestfriend ko pa ikaw na-inlove eh mas hamak naman na gwapo ako sa kanya."
"Ngayon palang kita kilala eh yung bestfriend mo 4 years na. Marami na akong alam sa kanya. Ganito talaga kapag fangirl ka"
"Kapag nakita mo ako sigurado ako magiging fangirl kita."
"Kapal mo talaga ha! Andyan ka sa Korea ako nasa Pinas kaya hindi mangyayari yun!"
"Sige may offer ako sayo. Pumayag ka na makipagkita sa akin after ng concert ng bestfriend ko. May isang ticket pa ako dito,makakapasok ka ng libre-"
"VIP pa yung ticket mo pero makikipag-usap ka sa akin after ng concert? Ano payag ka? Para makita mo na mas gwapo ako."
Wait. Nag proprocess pa rin sa utak ko. VIP ticket pero kelangan ko siyang kausapin. Eh baka mamaya Rapist ito eh! Hindi pwede! Kahit hindi pa ako makanuod ayos lang. Kesa naman pumayag na makipag-usap sa kanya.
"Ayoko. Sayo nalang yung ticket mo."
"VIP ticket tatanggihan mo?! Ibang klase ka!"
"Mas okay na hindi ako makanuod wag lang ako makipag kita sayo. Hindi kita kilala pero sorry nag-iingat lang ako."
"Unexpected answer. Akala ko parehas ka ng iba eh. Papayag kahit ngayon palang nagkakilala."
"Duh. Ibahin mo ako sa iba. Hindi ako low class na katulad nila. Elite kaya ako."
"Hahaha. Natawa ako sa Elite thing! Sorry pala ha. Tinest lang naman kita. Iba ako sa iniisip mo. I respect girls especially like you."
"Mabuti naman! At dahil diyan friends na tayo ha? Sorry din pala."
"Sure! Friends na tayo. Totoo na uuwi ako diyan sa mismong concert ng bestfriend ko. Meet tayo?"
"Ayoko pa rin. Magkukulong lang ako sa bahay sa day ng concert ng loves ko."
"Mahal mo talaga siya? Sana matulungan kita para makapanuod ng concert niya."
"Mahal na mahal. Ano kaba. Ayos lang yun. Uy sige na ha. Alis muna ako. Punta lang ako sa mall."
"Hayss. Ayaw pa kase tanggapin offer ko. Sige ingat ha!"
"Gusto mong sipain kita?! Bwisit na offer na yan!"
"Joke lang! Sige ingat ha. Bye! Tutulungan kita sa abot ng aking makakaya."
"Sige thank you. Ingat!"
Nahiga ulit ako sa kama. Nakakatamad ngayong araw. Halos isang oras pala kami magkausap. Eh kung tanggapin ko kaya yung offer niya? Bwisit! Naguguluhan na ako.
One week left at nandito na siya. Pero paano kung masama siyang tao? Hayss! Ang sakit sa ulo bwisit!
Kinuha ko ang Magic Ball ko at baka sakaling makahingi ako ng sagot. Shinashake ko habang nagtatanong ako.
Hmmm. Mabait ba siya?
-it depends
Mapagkakatiwalaan ko ba siya?
-it depends
Magkikita ba kaming dalawa?
-it depends.
Bwisit! Bakit puro it depends?! Last na talaga ito!
Papayag ba ako sa offer niya?
Shinake ko ng matagal ang Magic Ball at nagulat ako sa sagot. Alam ko na ang desisyon ko. Thank you Magic Ball. Nahiga ulit ako sa kama at unti-unti nakatulog ako.
------------------------------------------------------------------------------------
Papayag kaya si Charlene o hindi?
Abangan!
VOTE~ COMMENT ~ SUPPORT
• FanGirl •
Start from the beginning
