Chapter 6 - Dreams

523K 10.8K 3.1K
                                    

Chapter 6

"Huy Steph? Hello?" kanina ko pa s'ya tinatawagan. She accepted the call but she's not talking. What's the purpose of having a conversation like this?

"Uso magsalita! Ipapalunok ko sa'yo yung landline!" nakitawag nga ako gamit yung landline dito sa condo ni halimaw eh. Mas inuna ko pang tumawag kesa galawin s'ya sa sahig. Eh baket ba? Hindi naman s'ya mamatay kaagad.

"B—best ikaw ba 'yan?" nagstutter pa s'ya.

"Problema mo? Oo, yung magandang bestfriend mo 'to." sagot ko naman sa kan'ya.

"Oh ikaw pala yan! Kala ko kung sino na! Haha! Baket ka napatawag?" minsan ugok talaga kausap 'to.

"Tutal, malapit ang bahay n'yo sa bahay namin. Pakisabi kay Papa na hindi ako makakauwi! Thank you hah?"

"Eh? Yung Papa mo na serious type? No way! Tawagan mo na lang! Letche ka! Uutusan mo pa ako!"

"Napaka-sama mo Steph! Bilis na! Mas maganda pag personal! Naggagawa ako ng project...—Oo wait lang! Papunta na! — O ayan best, tinatawag na ako ng mga groupmates ko. Babush! Salamat mwa!' in-end ko na yung line. Knowing that girl, masyadong matanong.

Think think think...

"Hoy monster! Buhay ka pa ba? Bumangon ka na nga jan!" sinundot sundot ko pa 'yung pisngi n'ya.

"Huy monster! Bangon na! Bilis na! Anong akala mo bubuhatin kita?!"—pinagpatuloy ko pa 'yung pagsundot sa pinsgi n'ya. Pero tanging —"Mmm.." yung sagot n'ya. Imposibleng mamatay s'ya kaagad, masamang damo ka'ya 'to.

"Fine! Napaso na ang daliri ko kakasundot sa pinsgi mo. Walang'ya ka talaga. Tutor lang ako at hindi kargador!" fine, wala na akong nagawa kung hindi buhatin s'ya.

"Uhh ang bigat mo!" nilagay ko 'yung kamay n'ya sa balikat ko. Para mas madali ko s'yang maalalayan.

"Grabe ka! Ang sakit ng balikat ko..ang bigat mo naman!" nagkandayuko na ako sa bigat n'ya.

"Kargador ba ako? Hoy Terrence! Magpagaan ka naman.." yun nga, gumaan s'ya. Naintindihan n'ya siguro ang sinabi ko. Mabilis ko tuloy s'yang naihiga sa kama n'ya.

"Hoy anong masakit sayo?!" sigaw ko. Nakapamewang pa ako. Habang s'ya naman ay nanghihina.

"Head." matamlay na sabi n'ya.

"K. Fine. Nilalagnat ka eh. What should I expect?" alam ko naman yung first aid e, so yun na lang. Kaso pag maiisip kong aalagaan ko 'to. Wag na lang uy! Bwiset s'ya ah? Tutor na kargador na nurse pa?! Wow lang! Dagdag sweldo 'to.

"Jan ka lang! 'Wag kang malikot! Tatawag ako ng ambulansya.." akmang lalabas ako ng magsalita s'ya.

"Don't leave.." mahinang sabi n'ya pero sapat na para marinig ko. My internal organs are starting na konsensyahin ako. Ew, ang conyo ko!

"Fine.. tatawag lang ako para makauwi na ko.." sabi ko naman. Akmang lalabas na ko ng magsalita na naman s'ya.

"Stay beside me please..."  parang may nagpush sa utak ko na bumalik sa loob ng kwarto.

"Lintek ka taaga! Marunong ka palang mag please!" dumilat s'ya sandali at tiningnan ako. Nandito ako sa tabi ng kama n'ya. Sa may couch sa tabi ng kama!

"Thanks.." sabi n'ya. Parang akong binuhusan ng gasolina. Nagvibrate ata lahat ng mga lamang loob ko. Ipinikit n'ya uli yung mga mata n'ya. Pinagmamasdan ko lang s'ya. I mean pinagmamasdan yung pagpikit ng mata n'ya.

"Hoy monster! Asan ba 'yung medicine kit mo? Towel tsaka basin?" tama kayo kinakausap ko 'yung tulog. Tanging hangin lang ang kausap ko. Ano pa nga ba ang inaasahan kong isasagot ng tulog. Tama kayo, nababaliw na ako.

Famous Meets Bad Girl (Published Under Summit Media)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon