‘’Wala!’’ sabay sabay na sabi nang mga ito.

‘’Aysus! Kung di pa ko nagdrama dito, ay di ka pa sasama diyan.’’ Bulaslas ni Sheena.

Niyakap niya ito saka bumulong. 

‘’I love you’’

O____O

‘’Yuck!’’
sabi nito sabay tirik nang mga mata. Tila  diring diri sa kanya.

Natawa siya sa reaksyon nito.
  ‘’Grabe ah.’’

"nakakaselos naman Carm." kathleen.

"tigilan mo ko Ti-girl ah. hindi tayo talo."

tumawa ito. "alam ko. tsaka di kita type nu."

"mabuti naman."

pumalakpak si Sheena para agawin ang atensyon namin..
"Tayo na!"

"Opo, inay!"


~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
5:10 A.M.

NANG PALABAS na sila nang bahay ay nakita niya ang kasintahan nang mga kaibigan. Kasama rin pala ang mga ito sa Sagada.

‘’Ready ka na ba Babe?’’
tanong nang kasintahan ni Sheena na si Harvey.

‘’Yes.’’ Walang ganang sagot naman nito.

napangiti sila.
ganyan ituring ni Sheena ang nobyo nito. hindi nga Niya alam kung bakit pa nagtyatyaga si Harvey sa kaibigan.

well siguro mahal nya talaga si sheena.

Napatingin silang lahat sa kararating lang na sasakyan. Agad niyang nakilala kung sino ang sakay niyon.

Si Clyde.

Napangiti siya.

Napangiti?!!!!!!
CARMELA!!
Diba nga galit ka sa lalaking  iyan?!

Bigla siyang napasimangot sa naisip.

Oo nga.

Hindi ko sya dapat pansinin. 

Bigla siyang nag iwas nang tingin, ngunit hindi niya na pigilan ang mapahanga sa itsura nito ngayon.

Simpleng white polo at jeans pants ang suot nito. Pero gwapong gwapo pa rin.

Masayang binati sila nito at nang mapatingin ito sa kanya ay nginitian siya nito nang ubod ng tamis.
Muntik na siyang mapangiti, buti napigil niya ang sarili.

Stop it Carmela! Galit ka dapat!

nag iwas siya nang tingin dito.

Isa-isa nang nagsakayan ang mga kaibigan niya. At syempre tabi tabi ang mga magjojowa. Sila naman ni Katherine at Kathleen ay hindi alam kung saan sasakay.

‘’Guys? Saan kami?’’ takang tanong niya

‘’Sa kotse ni Sir Clyde kayo.’’ Sagot naman ni Sheena.
Binulungan siya nito. 
"Pagkakataon mo na iyan girl."
Sabi pa nito sabay bungisngis.

‘’What?!! Maluwag pa naman diyan ah!’’

Napatingin naman ang mga kaibigan niya sa pagtaas nang boses niya.

‘’Anong problema?’’ tanong ni Jane.

Bago pa man siya makasagot ay tinakpan na ni Sheena ang bibig niya ng kamay nito.

‘’Nothing girl. Sakay ka na, para makaalis na tayo.’’ sabi ni Sheena.

‘’okay.’’ Sumakay na ito. Ngunit bago nito sinara ang pintuan ng Van ay sinitsitan siya nito.

‘’Uy sumakay kana, ikaw nalang ang hinihintay oh. ‘’
anito sabay nguso sa direksyon ng sasakyan ni Clyde. Oo nga, sya nalang ang hinihintay.

‘’’Bye bye girl.’’ Paalam ng mga kaibigan niya.

‘’Pero…’’ hindi na niya na tuloy ang iba pa niyang sasabihin dahil sinarado na nang mga ito ang pintuan.

Kaasar!

Inis na pumunta nalamang siya sa sasakyan ni Clyde. At agad siyang nagsisi kung bakit siya nagpahuli, dahil sa front seat na lang ang bakanteng upuan.

‘’Sakay na Carm, baka di na natin sila maabutan.’’
sabi ni Clyde na bumaba upang pagbuksan siya ng pinto ng sasakyan.
Ni hindi niya ito tinignan. Agad siyang sumakay. Kasehadong hindi siya nagpasalamat dito.
At Iyon ay agad na napansin ng mga kaibigan niya kaya sinita siya nang mga ito.

‘’Uy! Bad ka, di ka man lang nagpasalamat sa tao.’’ Sermon ni Katherine sa kanya.

‘’Hayaan mo na sya.’’ Nakangiting Singit naman ni Clyde saka binuhay ang Makina ng sasakyan.

‘’hmm… Bakit parang meron kaming di alam dito sir?’’ naghihinalang puna ni Kathleen.

Natawa nalang si Clyde. ‘’Wala ah.’’ Anito saka pinaandar ang sasakyan.

‘’Hindi. Parang may LQ kayo netong si Carmela eh.’’ Pagpipilit ni Katherine.

‘’Wala ah. Kayo talaga, ang dudumi nang isip nyo.’’
Pikon na sita niya sa mga ito.

Ewan ba niya kung bakit napipikon na siya sa mga banat ng kaibigan, dati naman ay hindi. Siya pa nga minsan ang pasimuno nang mga ganuong asaran.

"Hay naku.
kumain na nga lang tau budz. mga highblood ang taong kasama natin"

"mabuti pa nga t-girl."

Hindi na lamang niya pinansin ang iba pang pinagsasabi nang mga ito. Ibinaling na lang niya ang pansin sa mga nadaraanang bahay. Ilang sandali pa ay nakaramdam na siya ng antok. Ipinikit na lamang niya ang mga mata.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Please comment. 😘😘😘😘

#1 TFL: FALL BY YOUR CHARMSWhere stories live. Discover now