CHAPTER 4

1.6K 53 2
                                    

CARMELA's Residents

‘’OH! BAKIT hindi ka pa bihis?! Hala baka gabihin tayo sa daan niyan!’’

Gulat na puna ng kaibigang si Sheena nang maabutan nitong nakahiga pa siya sa kanyang kama.
Alas kuwatro na nangmadaling araw.

‘’Di na ako sasama, kayo nalang.’’
Matamlay na sabi niya rito.

Agad namang nagsipasukan ang mga kaibigan niya sa loob ng kanyang kuwarto.
Marahil ay narinig ng mga ito ang sinabi niya.

Tinignan niya ang mga ito. Lahat ay bihis na, maging ang alagang aso ni Katherine na si sammy ay naka bihis na rin.
siya na lamang ang hindi pa.

‘’Hoy babae! Anong drama iyan? Kahapon lang ay excited ka para sa pagpunta natin sa Sagada, tapos ngayon nag iinarte ka.’’
sermon ni Jamae, saka sumampa sa kama.

‘’Oo nga, tuwang tuwa ka pa nga eh.’’ Nakalabing sabi naman ni Jameela.

‘’Ganyan yan!’’ - Sheena.

‘’Is there anything that bothers you?’’
tanong naman ni Kathleen.

Umiling siya.
‘’No, Im Just… ahm… tired, I don’t want to go there right now. Maybe next time nalang guys.’’
Matamlay pa rin niyang sabi sabay talukbong ng kumot.

‘’Bakit nga? Kaloka ka ah. Pabago bago ng isip!’’ sita ni  Katherine, sabay tanggal nang kumot sa kanyang mukha.

‘’Oo nga, tired?! Eh wala ka namang ginawang nakakatired kahapon ah.’’ Si Jane.

Hindi na lamang siya sumagot sa patutsada nito. Tsaka, ayaw niyang Makita si Clyde, dahil naiinis pa rin siya dito.

‘’E, kung ganyan ang lagay… wag na tayong tumuloy lahat.’’ Suwesyon naman ni Kathleen. ‘’Tawagan mo nga sila Harvey baka biglang dumating ang mga iyon.’’ Sabi nito kay Jane.
   

Nakadama naman siya nang konsensya nang makita ang lungkot sa mga mukha nang kaibigan.

‘’Wag’’
pigil niya sa mga ito. ‘’Tumuloy nalang kayo, pwede namang iwan nyo nalang ako rito.’’

‘’Di pwede, baka kung anu pa ang gawin mo habang wala kami.’’

‘’Anong gagawin ko?’’ takang tanong niya.

‘’Malay ba naming, baka bigla ka nalang tumalon sa building, o kaya magbigti dahil sa bigat ng problema mo.’’ Praning na wika ni sheena.

‘’Oo nga, mababawasan ang maganda sa mundo.’’ Ani naman ni Katherine.

Natawa siya sa mga kalokohang pinagsasabi nang mga ito.

‘’Oh! Napangiti sya! Yehey! Sasama na iyan.’’ Tuwang sabi ni Jane.

Nagpalakpakan naman ang iba niyang kaibigan.
Kahit kaylan talaga.
Napangiti nalang siya.

‘’Ano sasama ka na?’’

‘’Ano pangaba ang magagawa ko?’’ nakangiting tanong niya.
Hindi naman kasi niya maaatim na dahil lang sa kanya ay masisira ang maganda nilang planong magkakaibigan.

#1 TFL: FALL BY YOUR CHARMSDove le storie prendono vita. Scoprilo ora