FAAD Chapter 72: When Sorrow Came

1.3K 54 6
                                    

"Andrei..Andrei anak oras na ng paginom mo ng gamot.."

Masayang pumasok si Don Williard sa kwarto ng anak.
Napatingin siya sa wristwatch niya.

Pasado alas onse na pero tulog pa rin ang anak?

Lumapit siya rito.

"Andrei anak..gising na ohh..iinom ka pa ng gam----"

Williard frowned upon seeing Andrei's nails..
Medyo kulay violet na ito.
Umakyat ang tingin niya sa mukha nito.
Sa labi na akala mo tinakasan na ng dugo.

Agad ang pagkagimbal niya.

"Andrei anak!Andrei!!!"

Mabilis niya dinama ang pulso nito.
Walang pitik.
Ang dibdib nito.

Wala na!.
Wala na ang anak niya!

"Andrei anak! ANDREIIIII!!!!!!ANAK!!!!"

napahagulgol na sa iyak ang kaawa awang matanda habang yakap ang wala ng buhay na anak.

****

Napahigpit ang hawak ni Kisses sa kamay ni MayMay at Devan.

Sinamahan siya nito sa chapel kung saan nakalagak ang mga labi ni Andrei.

Nakatanggap siya ng tawag kay Don Williard kaninang umaga na patay na si Andrei.

Nung una ay ayaw niyang maniwala..
Pero ngayon na nakita na niya ang kabaong nito sa gitna ng altar ay parang gusto na niyang magcollapse.

Ni ayaw niyang humakbang palapit roon.
Ayaw niyang makita ang kaibigan sa ganung kalagayan.

"Kaya mo yan..nandito kami okay?"

Bulong ni MayMay.
Tumango siya at naupo na ang dalawang kaibigan sa upuan.
Unti unti siyang lunapit sa coffin.

Nahilam agad ng luha ang kanyang mga mata ng makita si Andrei sa loob niyon.

Nayakap niya ang kabaong at duon ibinuhos ang lahat ng sakit na nararamdaman niya.

"Bakit?Andrei bakit?! Bakit kailangan ngayon ka pa mawala kung kelan kailangan kita ngayon?"

Bulong niya kalakip ng hindi mapigilang iyak.
Yakap yakap lang niya ang kabaong nito.

At parang agos na dumaloy sa kanyang alaala ang una nilang pagkikita.

Yung mga araw na sinusundan sundan siya nito.

At yung araw na nagtapat ito ng nararamdaman sakanya.

Those were the best days she would treasure for the rest of her life.

Mabigat man ang dibdib ay kailangan niyang tanggapin na hanggang dito na lang ang buhay ng kaibigan.

Napatingin siya sa malaking larawan nito na nakangiti at para bang nakangiti sakanya.

Naalala niya ang huling sinabi nito sakanya.

"I want you to be happy..and i will be smiling watching you up in Heaven.."

Umagos na naman ang luha sa mga mata niya.

"You will forever be remembered Andrei..rest in peace.."

She said and hinalikan ang kabaong nito.

***

A/N: forgive me for what i did to Andrei here..bigla na lang kase pumasok sa isip ko eh..naalala ko kase si Rico Yan! Huhu..pasensya na! 😢😢😢

Forever And A Day:MAYWARD&KISSMARC|COMPLETED.Where stories live. Discover now