FAAD Chapter34: The Choices

1.3K 56 6
                                    

Napatulog na ni Kisses si Marcus ng makatanggap siya ng text mula sa unknown number.

An mms message.
Natigilan siya ng iopen ang message.

Si Vivoree habang nakayakap na natutulog sa kama katabi nito ang asawa niya.

Halos madurog ang cellphone sa higpit ng hawak niya.

"Yaya pakibantayan si Marcus may pupuntahan lang ako.."

Sabi niya at kinuha ang susi sa table at agad niyang pinaharurot ang kotse.

Nagngangalit na ang buong pagkatao niya sa galit.
Hinding hindi na niya hahayaan na yurakan ng babaeng yun ang pagkatao niya.
Ito na ang huling beses na hahayaan niyang gaguhin siya ng asawa!

"Maam!Maam bawal po kayo dito!"

Bawal ng security guard ng dirediretso siyang pumasok sa condo unit.
Galit siyang humarap dito.

"Me?!susunduin ko lang ang asawa ko!"

Galit niyang sabi.

"Maam pasensya na po pero bawal po talaga kayong pumasok sa loob bilin po ni Miss Esclito.."

Naginit agad ang ulo niya.

"Papapasukin mo ba ako or kasama kitang sasampahan ng kaso kasama ng MAAM ESCLITO MO!?"

pigil ang galit na wika niya.
Napakamot nalang ng ulo ang matabang guard.
Dirediretso siyang sumakay sa elevator at pinindot ang floor kung saan ang pugad ng kalandian ng babaeng yun.

Sunod sunod siyang kumatok.

Bumakas ang galit sa mukha niya at pinagsasampal niya si Marco na nagbukas ng pinto.

"Ang kapal talaga ng pagmumukha ninyo!"

Pigil ang galit na wika niya.
Ayaw na nyang mageskandalo dahil pagod na pagod na siya.

"Kisses please not this time..please.."

Marco said trying to calm her down.
Itinulak niya ito.

"Wag na wag mokong hahawakan Marco Gallo!nandidiri ako sayo!"

Wika niya rito.

"At ikaw..ilang sampal at sabunot pa ba ang kailangan mo para maibsan yan kalandian mo ha?"

Akmang susugurin niya si Vivoree ng takpan ito ni Marco.

Nanlaki at nagulat siya.
Pinagtatakpan ba ng asawa niya ang kabit nito?!

"Kisses please..ako na lang ang saktan mo wag---"

"Hayop ka!hayop ka!hayop ka!!!!"

Gigil na gigil niyang pinaulanan ng sampal ang asawa hanggang mapagod siya at tumigil na.

Hilam ang luha na napatingin siya sa dalawa.

"Pagod na pagod nako Marco..pagod na pagod nakong intindihin ka..nakakapagod ka din pala talagang mahalin.."

Wika niya rito.

"Kisses please..makinig ka naman sakin.."

Marco tried to hold her hand pero umiwas siya.

"Marco why dont you tell her the truth??"

matalim ang tingin na ipinukol niya kay Vivoree.

"Kisses im sorry pero---"

"Buntis ako at magkakaanak na kami ni Marco.."

Sabi ni Vivoree.
Gulat na gulat si Kisses sa narinig.
Parang kutsilyo na humiwa sa puso niya ang narinig.

Napaatras siya.

"No..hindi totoo yan! .."

Sigaw niya.

"Totoo Kisses.."

Nakayukong wika ni Marco.

Tuluyan ng bumuhos ang luha ni Kisses.

"Bakit Marco?bakit kailangan mong gawin to?ha?!nagkulang bako?nagkulang bako sayo!!!"

Umiiyak na wika niya at pinaghahampas ang dibdib ng asawa.

"Tama na..taman na Kisses!"

Marco said.

Natigilan siya.
Habol ang hiningang naglipat ang tingin niya sa dalawa.

"Mamili ka Marco..kami ng anak mo..o ang babaeng yan?!"

She said.

Umatras siya ng lapitan siya ng asawa.

"Kisses please..wag mo naman gawin to please!?"

Marco said.
Marahas siyang umiling.

"Mamili ka!ako at si Marcus oh ang babaeng yan?!"

Malakas na ang boses niya.

katahimikan ang namayani sa loob ng unit.

Kisses took a deep sigh.
Umiling siya.
Silence means yes..

Hindi na niya kailangan marinig mula kay Marco na hindi siya ang pinipili nito.
Hindi siya magpapakababa para sa dalawang ito.

"Wala akong ginawa kundi mahalin ka..but you chose to hurt me over and over again..hindi pa ba sapat na na nawala ang pangalawang anak natin para magbago ka?nakakapagod kang mahalin Marco..nakakapagod.."

Wika niya at tumakbo palabas ng silid.
Sa kotse niya siya nagbuhos ng lahat ng sakit..

How she wish crying could take all the pain away.
Yung tipong isang buong araw lang na umiyak siya kinabukasan sana okay na siya..

Pero hindi..
Nasa realidad sila ng buhay.
At iba na ang pinili.
Pinaandar na niya ang kotse.
Kailangan na nilang umalis ni Marcus..

***

A/N: Ayan..lumabas na ang pasaberg sa pagitan nila Vivoree..Marco at Kisses..its time for the second big revelation guys!!! Intay lang saglet..eto na!!! 😂 👉👉👉👉👉

Forever And A Day:MAYWARD&KISSMARC|COMPLETED.Where stories live. Discover now