FAAD Chapter46: Set-Up

1K 49 7
                                    

"Marco anak san ka na naman galing?"

Bungad ni Mommy Annie sa anak ng makapasok sa loob ng bahay. Siya na ang kasama ni Marco sa bahay simula ng maglayas ang magina nito.

Naupo si Marco sa sofa.
Napakunot ang noo ng ginang ng makita ang pasa at putok na labi ng anak.

Agad siyang tumabi rito.

"Marco san ka na naman ba nagpunta?!at sinong may gawa sayo niyan?!"

Tanong niya rito.

"Galing ako kina Kisses Ma..Ma miss na miss ko na si Marcus..miss na miss ko na yung magina ko.."

Parang pinipiga ang puso ng ginang sa nakikitang lungkot sa mukha ng anak.
Kung may magagawa lang siya talaga..
Pero si Kisses na ang may sabi na hindi sila uuwi sa bahay hanggat hindi naayos ni Marco ang gusot na sinimulan nito.

She took a deep sigh.

"Anak..hindi naman sa kinakampihan ko ang asawa mo..pero maling mali ang ginawa mo..lalo pa at nabuntis mo pa ang babaeng yun..ilan beses kitang pinagsabihan anak..na magbago ka ngayon na may anak na kayo pero hindi ka nakinig.."

Tumingin sakanya ang anak.

"Ma..Ma sinubukan ko makipaghiwalay sakanya pero papano ko magagawa yun kung magkakaanak din kami?hindi ko na alam ang gagawin ko Ma..mahal na mahal ko ang magina ko..pero kailangan din ng ama ng pinagbubuntis ni Vivoree.."

Humugot ang ginang ng malalim na paghinga.

"Anak kahit ako nahihirapan sa sitwasyon mo..basta ang maipapayo ko lang sayo..maging FAIR ka sa mga desisyon na gagawin mo.."

Wika niya.
Niyakap niya ang anak.

***

"Mom.."

Humalik si MayMay sa pisngi ng biyenan.
Hindi pa nailalabas sa ospital si Edward dahil kinukumpleto pa ang series of test nito para masigurado na okay na itong mailabas.

She sighed ng mapatingin kay Edward.
Tulog ito.
Lumapit si Annika rito at humalik sa pisngi ng ama.

"Mom kamusta siya?"

Tanong niya.

"Nagising siya kanina anak..and just like yesterday..he was looking for that HELLVEN.."

May diin sa tono ng biyenan.
She took a deep sigh and naupo sa tabi nito.

"Nakausap ko yung Doctor niya kahapon Mom.."

Simula niya.

"Nasabi na din sa amin ng Daddy Kevin mo ang kalagayan ngayon ng asawa mo.."

Hinawakan ni Mommy Cathy ang kamay niya.

"Ano ngayon ang plano mo anak?kung ako ang masusunod..hinding hindi ko hahayaan ang anak kong makita pa ang babaeng yun.."

"Kung bakit kase sa dami ng makakalimutan ng anak ko..kayo pa ni Annika..minsan talaga maling mali ang mga desisyon ng anak ko.."

Dagdag pa ni Mommy Cathy.
Tinapik ni MayMay ang balikat ng biyenan.

"Mom..nandyan na eh..wala na po tayong magagawa..maybe i should talk to Heaven..para naman din sa ikakabuti ni Edward.."

She said.
Gulat ang bumakas sa mukha ng biyenan.

"Sigurado ka ba sa gagawin mo MayMay anak??we can bring Edward back in Germany..hindi natin kailangan makiusap aa babaeng yun.."

Bakas sa boses ni Mommy Cathy ang katatagan.

"Mom..nakausap ko ang Doctor niya and naitanong ko ang sitwasyon niya na si Heaven ang naalala niya at hindi kami ni Annika..sinabi niya na kung ilalayo natin siya rito ay mas maisstress lang siya.."

She said.

"Pero MayMay anak.."

"Mom..okay lang ako..kaya ko to..nandito naman kayong lahat para suportahan ako..basta para sa ikakaayos ni Annika Mom..gagawin ko.."

Wika niya.

Napangiti ang biyenan at niyakap siya.

"Hinding hindi nagkamali si Edward na mahalin at pakasalan ka MayMay anak..napakabuting tao mo para saktan ng anak ko.."

Wika ni Mommy Cathy.

At napakatanga ko para isaalang alang pa ang kapakanan ng anak niyo sa gitna ng pagsubok na to..

Sigaw ng isip niya.

Forever And A Day:MAYWARD&KISSMARC|COMPLETED.Donde viven las historias. Descúbrelo ahora