Nag-nod lang ako bilang sagot. Hinawakan ni Tita yung isang kamay ko.

"Jay-jay... Matuto kang makiramdam. Wag kang manhid."

"N-nakikiramdam naman po ako. A-ayoko lang pong maging assuming."

Bahagyang tumawa si Tita. Hinawi nya yung buhok ko at tinignan ako.

"Dalaga na talaga ang Jay-jay namin." Sabi nya at hinalik ako sa noo.

Sa totoo lang kapag ginagawa nya yan, pakiramdam ko sya ang Nanay ko. Kahit nung nakay Lola pa ko, hindi sya nagmintis na iparamdam sakin na pwede ko syang lapitan anu mang oras.

"...Tara na, kumain na tayo. Kanina pa kita tinatawag pero hindi mo ko naririnig. Busy ka masyado sa singsing na yan."

Napahimas ako ng batok. "Ay, sorry po."

Tumayo na si Tita kaya sumunod na ko. Nilagay ko muna yung box sa study table. Dumiretso na kami sa dining kung nasan sila Kuya at sila Tito Julz. Andun din si Aries na mukang binagsakan na naman ng langit.

"Upo na Jay... Kain na." Utos sakin ni Tito Julz.

Naupo na ko at nagsandok ng kakainin. Habang kumakain, nag-uusap sila Tito at Kuya Angelo. Minsan nakikisali si Tita Gema pero kami ni Aries, eto at nagpapalitan ng tingin.

Napapanu na naman to?!

Kanina pa sya susulyap ng tingin sakin pero salubong na salubong ang kilay. Feeling ko sinapian na naman sya.

Tropa-tropa talaga sila nila Keifer. Parehong may Sapi. Lakas ng mga tama sa utak. Kaya siguro sila napagkukumpara nung Hari ng mga Ulupong.

Tahimik lang ako sa pwesto ko ng biglang mag-ring yung telepono. Isa sa maid nila Tita yung sumagot.

"Miss Jay-jay... Para sa inyo daw po." Sabi sakin nung maid.

"Sino yung tumatawag?" Tanung ni Kuya.

"Mama daw po ni Jay-jay."

Pare-pareho kaming natigilan at lahat sila agad na tumingin sakin. Ayoko sana'ng sagutin yung tawag pero alam kong magagalit si Kuya Angelo.

Tumayo ako at nagpunta sa Sala kung nasan yung landline nila Tita. Nag-aalangan pa kong magsalita nung una.

"H-hello..."

["Jay-jay?"] Tanung nung nasa kabilang linya.

Halos mapaiktad ako ng marinig ang boses nya. Ganu naba katagal? Ganu na katagal na hindi ko naririnig ang boses nyang tinatawag ang pangalan ko?

"A-ako nga."

["Finally, nakausap din kita! Bakit wala ka nung nagpunta ako dyan? Alam mo bang gusto'ng gusto kita'ng makita. Nami-miss na kita!"]

"Bakit?" Halos pabulong kong tanung.

["Anu'ng bakit? Syempre anak kita! Gusto kita'ng makasama! Ang dami kong gusto'ng sabihin sayo! Ikakasal na ko-----"]

"Bakit hindi mo sinabi sakin na andito lang pala si Papa?" Putol ko sa sinasabi nya.

Tumahimik sa kabilang linya pero naririnig ko ang paghinga nya. Alam kong hindi sya makakasagot.

["Jay-jay anak. Ganito kasi, hindi masabi sayo ni mama....."]

Hindi ko na pinakinggan ang sasabihin nya. Dahan-dahan kong binaba yung telepono ng hindi pinapatay ang tawag. Bahala syang magdadaldal sa hangin.

Bastos na kung bastos pero ayoko'ng marinig ang paliwanag nya. Masasayang lang ang oras kung gagawin ko pa yun, halata namang magdadahilan lang sya.

Bumalik ako sa dining at tinuloy yung pagkain ko. Hindi ko sinabi na nasa kabilang linya pa rin si Mama.

"Anu'ng sabi ng Mama mo?" Tanung ni Tito Julz.

"Nangangamusta lang po." Mabilis kong sagot.

"Yun lang? Bakit para'ng sandali mo lang sya kina-usap?" Puna ni Tita Gema.

Kasi sandali lang ako nakinig sa kanya.

"S-sinabi ko po kasi na kumakain pa ko. Mamaya nalang daw po ulit." Dahilan ko.

Napansin ko yung pagtaas ng isang kilay ni Aries. Hindi ko alam kung nahalata nya ko o anu.

Binilisan ko yung pagkain. Baka kasi malaman nila yung ginawa ko at kagalitan ako agad.

"Tapos na po ako." Sabi ko at mabilis na naglakad pabalik ng kwarto ko.

Pagdating sa kwarto ko, hinanap ko agad yung box ng singsing sa study table ko. Pero wala na dun.

Sinilip ko din yung ilalim ng lamesa baka nahulog lang. Pero wala talaga. Saan naman mapupunta yun? Dito ko lang iniwan, unless nalang kung may papasok dito at----

"Sinong nagbigay sayo nito?"

Napatingin ako sa may pintuan kung saan nakatayo si Aries hawak ang box na pula.

"K-kaibigan ko lang." Sagot ko.

"I'm not stupid Jay."

Hindi ako makasagot. Masyado'ng makitid ang utak nya para paliwanagan pa. Agad akong lumapit sa kanya at pilit inigaw yung kahon pero inilayo nya.

"Who gave you this?" Ma-otoridad na tanung nya ulit sakin.

Tsk! Asar!

"S-si Yuri..." Halos pabulong kong sagot.

Hindi sya nagsalita. Pinagmasdan muna nya yung kahon sa kamay nya. Binalik nya yung tingin sakin at bigla nalang hinagis yung box.

Sinalo kong pilit yun bago mahulog sa sahig.

"Return it." Utos nya.

Taka ko syang tinignan. "H-ha?"

"Ibalik mo yan sa kanya!" Inis na ulit nya. "...And i want you to stay away from them."

Nagsalubong ang kilay ko sa mga pinag-sasabi nya. Sinasapian na naman yata sya.

"Bakit ko naman gagawin yun?! Napapanu ka naman ba?!"

"Do it. I'll talk to Kuya and ask him to move you to a different Section." Sabi nya.

Nakaramdam ako ng inis sa mga pinagsasabi nya. Ngayon pa talaga? Nakaka-ilang buwan na kaya ako sa Section E. Dalawang exam na nga yung dumaan.

"Tantanan mo nga ako! Ayoko! Hindi ako lilipat!" Inis na sabi ko sa kanya.

Agad nya kong tinignan ng masama. "Bakit ba ang tigas ng ulo mo?!"

"Kung anu-anu kasing pinagsasasabi mo!"

Bigla nalang nya kong hinablot sa damit at sinandal sa pader. Nakaramdam ako ng takot pero pilit kong tinago yun.

"Follow my order or you'll never see your father!"

Napatigil ako. Anu'ng ibig nyang sabihin dun?

Binitiwan nya ko at akmang lalabas ng kwarto ko pero hinawakan ko agad sya sa braso at hinarap sakin.

"Anu'ng ibig mong sabihin dun?!"

Tinabig nya yung kamay ko. "Before he leave, pumunta sya dito. Nakiki-usap samin na kung pwede ka pa raw nyang makita. Hindi pumayag si Kuya kaya nag-iwan sya ng contact number at address."

Hinawakan ko agad ang kamay nya para hindi sya makaalis.

"A-aries... Nakiki-usap ako----"

"Do what i said and i will help you get his information." Putol nya sa sinasabi ko.

Muli nyang tinabig yung kamay ko at tuluyan ng lumabas ng kwarto. Napa-upo nalang ako sa sahig sa panlalambot ng tuhod.

Pwede ko na syang makausap pero...

Lalayuan ko sila.








++Don't forget to Vote, Comment and Share. 😉 ++

Ang Mutya Ng Section ETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon