KARYLLE: Oo na.

VICE: Hindi ka nagtatampo ha?

KARYLLE: Hindi.

VICE: Hindi talaga?

KARYLLE: Hindi nga!

VICE: Weh? Bakit hindi ka na ngumingiti?

KARYLLE: (pilit na smile)

VICE: Sorry na, K. Lilibre kitang lunch bukas, kahit saan mo gusto.

KARYLLE: YES! (laughs) Got ya! Hinihintay ko lang na mag-offer ka ng pambawi mo.

VICE: Ayun... May nanalo na. Ginalingan din eh.

KARYLLE: (laughs) Love you!

Ilang araw ding naging ganoon ang setup nila Vice at Karylle. Pupunta si Vice sa condo ni Karylle para makikain at makipagbonding saglit at saka uuwi, o kaya naman ay hinahatid nito si Karylle pauwi after ng Showtime.

Isang araw nalang ay babalik na si Yael mula sa tour nito sa Canada. Nilulubos na rin ni Vice ang pagkakataong makadalaw at makasama si Karylle. Kasalukuyang naghuhugas ng mga plato si Karylle nang magsalita si Vice.

VICE: Pwede akong magsleepover?

KARYLLE: Ha?

VICE: Pwede akong makitulog dito ngayong gabi?

KARYLLE: Vice...

VICE: Matutulog lang. Promise. Wala akong ibang gustong gawin tonight. Yun lang... Please?

KARYLLE: Sige. May baon ka bang damit?

VICE: Wala. Pwede na 'tong suot ko. Naligo naman ako bago ako magpunta dito eh.

KARYLLE: Sige. Pero kung kailangan mo, may shirt dyan na kasya sa'yo.

Nasa kwarto na ngayon si Karylle at kasalukuyang kausap sa FaceTime si Yael. Tahimik na pumasok si Vice para kuhanin ang sinasabi ni Karylle na shirt. Nang masuot ang damit, napangiti na lamang si Vice. Naupo sya sa paanan ng kama at doon naghintay matapos ang pag-uusap nila Karylle at Yael.

KARYLLE: Buti kasya sa'yo.

VICE: Paanong di magkakasya, sa akin 'to.

KARYLLE: Oo nga. Yan yung shirt na suot mo nung huli kang nagsleepover dito.

VICE: Three years ago na yun ah. Akala ko nawawala na 'to eh. Nakagalitan ko pa si Aaron.

KARYLLE: Paborito mo yan, di ba? Kasi kumportable kamo and I agree. Ang lambot ng tela.

VICE: Ginagamit mo 'to?

KARYLLE: Minsan. Basta pag wala si Yael. Baka kuwestyunin nya ako kung kanino yan.

VICE: Edi sabihin mong binili mo 'to. Trip mo lang kasi nalambutan ka sa tela.

KARYLLE: Di pwede. Amoy pabango mo eh. Amoy lalaki pa man din yan, baka akala ni Yael nangangaliwa ako.

VICE: At talagang hindi mo 'to nilalabhan ha?

KARYLLE: Oo. Bakit ba?

VICE: Iba talaga tama mo sa'kin, ano? K, move on na please.

KARYLLE: Sira! (laughs) Tulog na tayo, baka malate pa tayo bukas.

Nahiga na si Karylle patalikod kay Vice. Hindi naman napigilan ni Vice na malungkot dahil ito na ang huling gabi na makakasama nya si Karylle dahil kinabukasan ay babalik na ang asawa nito. Nahiga na rin si Vice kay Karylle. Hindi na rin nya napigilan ang sarili at niyakap na rin nya si Karylle kahit nakatalikod ito sa kanya.

Collectanea (ViceRylle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon