"Oo, binilihan ko na lang sa labas si Althea dahil hindi ko mapatayo sa upuan niya. Saglit ng saglit, nasarahan na kami sa cafeteria." may halong sumbong.

"Ganyan po ba siya lagi?" tanong ko.

"Madalas." sagot niya lang na nakangiti.

"Kaya gabi na kayo nakakauwi."

"Ayaw niya lang daw mapahiya sa lolo niya sa paraan ng pamamalakad sa kumpanyang pinagkatiwala sa kanya. Kaya maaga siyang pumapasok at late ng lumalabas."

"Hindi naman po ata siya pinipressure ni Lolo Pablo, di ba?"

"Hindi nga, si Althea lang nag pepressure sa sarili niya." natatawang sagot ni Mang Julio.

"Mukhang madami po yan,ah."
biro kong pansin sa dala niya.

"Kung hindi kasi ako nagkakamali andiyan pa si Batchi at Wila. Napansin ko lang na umuwi kanina si Kat." paliwanag niya at napatango na lang ako. "Ikaw Jade kumain ka na?"

"Opo Mang Julio, tapos na po."

"Pwede mo bang sabayan kumain si Althea, baka hindi agad kumain yon eh. Lalamig nanaman to." may himig pakiusap ng matanda at napatango lang ako.

"Sige po."

"Salamat."

Ilang saglit pa huminto na ang elevator at bumukas ng pinto. Naglakad na kami patungo sa office ni Althea. The place was almost silent and the lights around the whole floor are already dim, may ilang parte na lang na may ilaw sa iilang taong andon pa rin ngunit nakatayo na, nagaayos na lang ng mga gamit.

"Tahimik na ngayon at marami ng umuwi dahil wala namang meeting. Yon din kasi ang bilin ni Althea pero madalas lalo na pag Biyernes puno pa rin ng tao dito kahit pasado alas nuebe na. Lahat sila iwas traffic. Ayaw pang umuwi." ngiting kwento ni Mang Julio ng nagring ang phone ni Althea.

"Cellphone po ni Althea, kanina pa po ito nagriring." bigla kong nasabi.

"Ganon ba, malapit na tayo. Sinong tumatawag?" tanong niya, I fished out Althea's cellphone from my purse and saw the caller's name.

"Ms. Andrea." nasabi ko lang at biglang huminto sa paglalakad si Mang Julio. "Bakit po?" tanong ko.

"Kanina pa ba siya tumatawag?" tanong niya pabalik at tumango lang ako.

"Gabi na, tawag pa rin ng tawag." iling na sabi ng may edad ng driver. After few more seconds the ring stopped. "Tara na." aya ulit ni Mang Julio.

"Sino po ba siya?" I curiously asked. "Ah sorry po. It's ok, no need to answer po." ngiti kong bawi

"Walang problema, Jade. Secretary ni Althea. Nakaleave pero hindi mapakali, tawag ng tawag daig pang jowa." ngiting sagot ni Mang Julio. "Dito ang office ni Althea." he said before opening another door. Pagbukas niya ay nakita ko si Althea na subsob pa rin sa trabaho ni hindi lumingon kahit nagsalita na si Mang Julio.

"Althea heto ng hapunan. Kain muna." bati ni Mang Julio at lumingon ang taong nakatayo sa harap niya. I think she's Batchi. Kita ang gulat sa mga mata niya at hindi siya nakapagsalita.

"Dito na lang po ako kakain, Mang Julio." sagot ni Althea na hindi nag aangat ng ulo.

"Do you always eat in your office table?" dko naiwasang tanungin at biglang nabaling ang tingin niya sa akin, bakas ang gulat at pagkabigla sa kanyang narinig.

"J-jade..." tawag niya.

"Yes?" sagot ko.

"W-what are you doing here? I mean why are you here...Ang ibig kong sabihin I thought you're---"

Life With YouWhere stories live. Discover now