"Nice to meet you, guys. Hi, Hello." sabay kaway ni Jade. "We can all eat lunch together para masaya."

"Yes!/No!" sagot ni Batchi na sumabay sa sagot ko. Kaya napatingin sila lahat sa akin.

"Anong No?" si Batchi

"Ang daming bakanteng table oh." sabay turo ko sa paligid.

"Althea, it's ok. We'll get to know each other na rin." mahinahong sagot ni Jade and I saw Batchi and Wila grinning while Kat just smiling.

"Ayaw lang atang mabuking ni Althea, Ms. Jade." hirit pa ni Wila and I just rolled my eyes and sternly looked at them. Makuha kayo sa tingin sabi ko sa isip isip ko.

"Look guys, next time na tayo sumabay..." biglang singit ni Kat, hay salamat at nakaramdam. "Baka masisante tayo pag pinilit natin." dugtong niya sabay ngiti kaya natawa na rin pati si Jade.
"Nice meeting you, Ms. Jade. Hope  you could join us in one of our bonding moments."

"Sure, anytime. Nice meeting you again guys." ngiting balik ni Jade. Hustong parating na si Mang Julio dala ang tray ng pagkain namin.

"Althea, ok ka lang?" tanong sa akin ni Jade habang kumakain kami. Nasa tapat ko na siya dahil dalawa lang naman kami sa table.

"Yeah. Why?"

"Nothing. You just too silent and you're not eating well. Are you alright?"

"I'm good. May iniisip lang."

"Can we not think of things na makakaistorbo sa pagkain natin?" ngiti niyang sabi "So that you can enjoy your food."

Paano yan Jade kung ikaw ang iniisip ko?Tanong ng utak ko.

"If that's work, you have to leave it in your office desk."

Paano nga kung ikaw, Jade? Tanong muli ng isip ko.

"Paano kung tao?" bigla kong natanong.

"Business Partners? Same. You have to put them aside so that you can taste your food." ngiti niyang sabi at dko napansin napapangiti na rin ako.

Paano nga kung ikaw, Jade?Utak kong muli habang palihim na sumusulyap sa kanya

"Deal?" pukaw niya sa pag iisip ko.

"Ok." sagot kong nakangiti pa rin.

"So it's a deal?" ulit niya sabay taas niya ng kamay, nakaabang ang pinkie finger niya. Inabot ko na lang para ma seal ang usapan at napangiti siyang bumitaw pagkatapos.

"Paano kung hindi business related?" pahabol ko

"Well, kung family mo or your loved ones. That means you're worried kasi dka makakain. Pwede ring mga kaibigan siguro. But still you have to eat, Althea." balik niya at napangiti lang ako na tumango.
"Or maybe you're thinking of special someone." dugtong niya pero hindi na nakatingin sa akin kundi sa kinakain niya.

"Bakit mo naman nasabi?" curious kong tanong.

"Nothing. Di ba we often hear that kahit na sa kanta 'hindi na makakain, hindi na makatulog...' hintayin ko na lang na tubuan ka ng pimple sa ilong para ma confirmed." tipid na ngiti niyang sabi at mahina akong natawa.

"Applied pa ba sa atin yon, I mean hindi ba pang teenagers lang yon?" balik kong natatawa pa rin pero hindi siya umimik patuloy na kumakain at hindi nag aangat ng tingin.

"So you're thinking of your special someone then?" mahina niyang tanong na saglit lang nag angat ng tingin at balik ulit sa kanyang pagkain.

"Hmm, I guess she's really special because she got my attention." pabida ko namang sabi.

Life With YouWhere stories live. Discover now