Chapter 11: "Who's That Girl?"

Start from the beginning
                                    

"Hindi pwede." Straight to the point na pagkasabi ni Manong Caloy name nung Guard.

"Please kuya??"

Umiling siya.

Isa pa nga "Pleasee naman po." 

Iling ulit. Hindi ba siya nahihilo?

"Please?" Last na 'to! Pag-iling pa rin ang sinagot niya naku.. Bahala na si Batman! Basta aakyat ako, bukas ko na lang paasikaso kay Mommy ang Blotter report pagnagka-ganun.

Matagal siyang hindi sumagot. Tumingin muna siya kay Julia. Hindi ako Lumingon para tignan kung ano ang senesenyas nila but at the corner of my eye I saw her nodding. So may Ganitohan pala? Kuntsabahan??

Binalik ni Manong Caloy ang tingin niya sakin, this time naka Half Smile siya, pero ang dating sa akin e Evil Smile yun!

"Sige Hijo. Pero sa Limang minuto lang." Limang Minuto?!?!?

Pero kahit na limang minuto lang,  Natuwa naman ako nun. Pero kaysa sa maglundag-lundag ako dun eh gagawin ko na ang dapat kong gawin lalo na nung sinabi niyang nagsisimula na ang oras ko.

Dali-dali akong umakyat sa puno. Hindi naman mahirap kasi dun din ako umaakyat at nagtatago nung naglalaro kami ng taguan nila Kath. At anu pa ang silbi ng pagkakaroon ng tree house kung hindi ako mraunong umakyat ng puno diba?  Nasa itaas na ako. At I can see that fruit Kath’s talking about. Inistretch ko na yung kamay ko para makuha ko na yung manga pero feeling ko parang may nagyuyugyug. At pagtingin ko nga sa baba.

"Julia! ikaw pagnahulog ako dito!"

Tawa lang ng tawa si Julia at si Manong Guard. Kahit na pala babayaran ko na lang yung guard kanina e talo ako.  Tinry ko ulit na kunin ang Manga. Dangkal na lang ang layo nun sa kamay ko. Konting-konti na lang tapos  ko na ang first task ko, pero..

"Araaaay!!! Julia naman!!! Pag hindi ka tumigil diyan hinding hindi ko talaga gagawin yung date-date!! " Tinamaan ako ng bato na kanina pa pabalik-balik sa harapan ko.

Tawa parin siya ng tawa. Nainis na ako. Dalwang beses na niyang natamaan ang kamay ko. Alam ko sinasadya niya pero 5 minutes lang yung binigay ni kuya guard at may 1 minute at 30 seconds na lang ako. Inistretch ko ang kamay ko. Bakit kasi dito nila naisipan ilagay itong manggang to!

At ayun Nakuha ko rin. At dahil nagcount down na sila sa ibaba, tinalon ko na ang mag-to-two meters na taas ng punong yun. Napansin kong mahapdi ang braso ko pagtingin ko may sugat na pala ako.. first task pa to pero tignan mo naman!

"Ano DJ? Kaya pa??" sabay tapik-tapik sakin ni Julia.

"Oo naman! ako pa?!" Tinignan ko ang hawak-hawak kong Manga at papel. Bubuksan ko sana kaso, pinigilan naman ako ni Julia.

"O. keep that letter. nasa loob niyang ang questions. Si Kath Mismo ang magtatanong."

"Okay. so anong next?"

"Puntahan mo sa kabilang gate si Kiray, Gate 2. nasa kanya ang next."

"Thanks!"

Tinakbo ko na ang kahabaan ng Park. Narinig ko pang nag-Good Luck si Julia sakin. Good Luck talaga. Amazing race nga talaga ito. Malayo pa lang ako nakita ko na si Kiray nakatingin sakin na papalapit sa kanya. Kung pahirapan yung kakulitan ni Julia kanina. Mas pahirapan pa tong si Kiray ngayon.

Wala ng Salita inabot ni Kiray ang isang papel. 

"Napipi lang?? ba't hindi ka nagsasalita?" Inirapan niya ako. Oo nga pala. Nagtatampo nga pala siya sakin. Ang OA naman nitong mga babae. Bahala nga siya.

Love Moves in Mysterious Ways ♥ {ON HOLD}Where stories live. Discover now