Chapter Twenty Six : 21st Birthday

2.1K 42 32
                                    

Nagising ako sa pagkanta ni tita ng Happy Birthday na may dala dalang cake.

"Hala! Nakabili ka na ng cake? Anong oras na ba?"

"10am Na! O wish ka muna tapos blow your candle na"

"Thank you tita! Hahaha"

Katulad ng pinagdasal ko kagabi yun na din ang winish ko. Then i blew the candle.

"Ayan! Di na kita ginising ng 7 dagdag mo na sa gift ko yung 3hours na di ko paggising sayo"

"Ayy hahaha"

"Uy ah! Di kita masasamahan ngayong birthday mo! Alam mo namang may pasok ako! First birthday mo dito pero wala kang kasama"

"Okay lang tita hahaha trabaho muna! Mamayang gabi naman pag uwi niyo birthday ko pa rin eh"

"Oo nga! Uy buksan mo na computer mo! Na katawagan ko sila mama mo sa pinas 11daw kayo mag video call"

"Ayy oo nga pala!"

Dali dali kong binuksan yung computer at nagbukas ng Application kung saan mag v-video call kami nila mama at papa. Naka offline pa sila. Wala pa naman kasing 11.

10:30 na nang makita kong online na sila kaya tinawagan ko na.

Ringing.

Answered.

At lumabas na ang mga mukha namin sa monitor ng computer.

"Mama! Papa!" Sabay kaway ko sa kanila ganun din si tita.

"Max! Anak! Happy birthday!" - mama

"Thank you Ma"

"Ayos ka lang ba jan?" - papa

"Oo pa! Super okay!"

"Binata na tong anak niyo kuya!" - pag extra ni tita.

"Ay paano? Hahaha" - Mama

"Tita!?"

"Hahaha! Papaliwanag niya sa tamang panahon! Haha"

"Kayo jan ma? Okay lang ba kayo jan? Kamusta po kayo?"

"Okay lang kami dito anak! Lagi naman kaming okay! Ikaw dapat ganun din"

"Opo! Kamusta shop pa?"

"Okay na okay anak! Hindi lang pag papagamot ni lola at gamot ko napupunta yung kita.. Nakakapag ipon na din kami sa pang paaral mo"

"Sabi ko pa ako na bahala don eh"

"Mas maganda na din to anak para atleast di mo tinitipid ang sarili mo jan"

"Thank you pa! Ma!"

"Sana nak! Di ka na matagalan jan ngayong nakakapag ipon na din kami para sa pangpaaral mo"

"Oo ma at dahil jan mas napapaikli na lang yung panahong magkahiwalay tayo"

"Oo nga, di mo na kailangang magtagal pa jan"

"Opo, si lola po"

"Nasa taas eh hindi naman namin madala tong computer doon, di naman siya makakababa pa"

"Bakit po?"

"Di na kaya ni lola mo magpagod"

"Akala ko di na nakakatayo eh, grabi naman yun"

"Ay grabe naman to hahaha"

"Pero ikamusta niyo nalang po ako sa kanya at sa mga kapit bahay natin jan"

"Sige sige! Sabi nila mayaman ka na daw kaya di mo na sila kinakamusta"

"Wala ngang pera pang kontak sa inyo.. Mayaman pa! Hahaha"

Maxwell : The Third SexWhere stories live. Discover now