CHAPTER FORTY-FIVE

Magsimula sa umpisa
                                    

“Mukha mo.”

Napangiti ng bahagya si Damon.

Yung mga ngiti niyang iyon ang nakapagpa-realize sa akin na wala na ngang mura sa mundong ito. Ultimo ngiti niya, mahal eh. Kahit siguro ipapanuod mo sa kanya ang lahat ng klase ng comedy sa buong mundo, hindi magbabago ang ekspresyon ng mukha niya – salubong ang kilay, tutop ang mga labi, nakatingin sa kawalan. Malapit-lapit na nga siyang magka-wringkles. Sayang!

Sayang ang kagwapuhan niya.

No, what I mean is – sayang ang buhay niya.

“Ano kayang ginagawa ni Kathy ngayon? Masaya kaya siya?”

Hindi ko alam kung tanong niya ba yun sa kanyang sarili, o sa akin. “S-siguro. Simula noong eksena sa may pizza parlor, hindi na natin siya nakita eh.”

Minsan, hindi lang si Damon ang kailangan kong lokohin. Maging ang sarili ko, niloloko ko na rin. Kasi sa totoo lang, kahit ako, hanggang ngayon, ay nag-aalala pa rin kay Kathy. Ang dami-dami kong gustong itanong sa kanya :

1.     Bakit mo ginawa yon?

2.     Bakit ka sumama kay Erick?

3.     Bakit mo kami iniwan?

4.     Mahalaga pa ba kami sa’yo?

5.     Kumusta ka na?

Tulad ni Damon, gusto ko ring malaman kung anong lagay niya. Kung okay ba siya, kung nahihirapan ba siya.

Nakakainis!

“What if she’s already down there?” Tanong ulit ni Damon sabay lagok ng beer. “Ayokong isipin yon pero it bothers me. Gusto ko pa siyang makita. Gusto ko siyang yakapin. Damn!”

Minsan, naisip ko – siguro mas kaya pa namjng tanggapin ni Damon, na may cancer si Kathy. That she’ll die because of cancer. Siguro, kahit ako – magpapakamatay ako sa paghahanap sa kanya. Mas mabuti na yung may taning ang buhay niya dahil sa sakit at hindi dahil sa ganitong dahilan.

Masakit eh.

At higit sa lahat – nakakatakot.

Knowing Kath, she don’t deserve it.

She don’t deserve to die and rot in hell.

Hinawakan ko si Damon sa balikat. “Ayokong magpaka-impokrita. Ayokong umasa. Pero siguro, hindi na mangyayari yon. Masyado nang matagal ang anim na buwan para umasa pa tayong makikita pa natin siya.”

“You don’t know what you’re saying.” kontra niya.

“Oh sige, nasan ba siya ngayon? Naisip mo ba kung naiisip ka pa niya? Kung naiisip ba niyang ‘kumusta kaya si Damon’? Kung ano ng lagay mo? Kung nasasaktan ka ba? Kahit nga ba hindi na niya ako intindihin eh. Kasi for sure, alam iyang maiintindihan ko. Pero ikaw, alam kong kahit baliktarin niya ang mundo, hinding-hindi mo maiintindihan.”

“Alam ko, iniisip niya ako.”

“Tigas mo rin nho?”

“Bakit ba nangingialam ka? Umalis ka na lang kaya dito?”

Inirapan ko siya. “Kung hindi ka lang mahal ng bestfriend ko, iniwan na kita.”

“See. Sa’yo na mismo nanggaling. Mahal niya ako.”

“Noon. Di pa ako tapos. Etchosera!”

Umiling siya. “Hanggang ngayon ... mahal niya ako.”

Hindi ko na kinontra si Damon sa paniniwala niyang mahal pa rin siya ni Kathy. Feelings niya yun eh. Nirerespeto ko ang feelings niya. But as for me, palagay ko – masaya na si Kathy kung nasaan man siya. Kasi kung hindi siya masaya ...

The Devil's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon