Chapter 3: Leading lady?

24 4 0
                                    

-------------------------------------------------------->

Si Troooooy! ❀(◕‿-)❀

------------------------------------

Alyza's POV

Feeling ko, kapag sinagot ko 'tong tawag... baka bumalik yung feelings ko.  Ayokong maghabol sa mga lalaking kaya akong lolokohin at paglalaruan lang ako. Ayokong magpakabaliw sa lalaking binigay ko yung buong puso ko tapos ita-timer lang pala ako. 

"Reject." 

Itinago ko yung cellphone ko sa bulsa ko. *sigh* Ngayon ko lang narealize na kahit mahal na mahal mo yung isang tao, kapag pagod ka na rin... ikaw na mismo yung susuko. Ikaw na mismo yung tatakbo palayo sa kanya, kasi nakakapagod na rin.

2 years..

1 year ko rin siyang hinabol, kahit para na akong aso.. kinain ko yung pride ko. Babae parin ako. *sigh*

"Kanina ka bumubuntong-hininga diyan ah." sabi ni Troy, nginitian ko na lang siya. 

"You're a great actress." pagpupuri niya sakin, siguro dahil sa interview kanina. Tumingin ako sa mata niya... Yeah, I'm a real great actress that could hide this feelings for too long.

"Mahal ko parin talaga siya." Out of the blue ko na sinabi. Hindi na siya nagreact. Nagmamaneho parin siya papunta siguro sa condo unit niya. Mas gusto ko magstay dun ehh! wala lang, ang ganda kasi ng view.

Habang nasa way kami, napadaan kami sa convenience store..

"Wait lang Troy, stop muna tayo diyan." agad-agad naman siyang tumigil. Hindi marunong um-oo man lang. Bumili ako ng drinks, kasama na rin diyan yung alcoholic beverage tapos nachos. Stressed lang kasi ako, bakit ko pa kasi siya nakasalubong kahapon? Alam mo yung feeling na halos isang taon kong pinaniwala ang sarili ko na di ko na siya gusto? Tapos.. makikita ko na lang siya na may kawak-kamay. Ouch!

Bumalik na kami sa kotse.. mga 10 minutes, nakapunta narin kami sa condo unit niya. Nasa 21st floor to at medyo nakakahilo ang elevator. Tapos ayun, tumambay lang muna kami. 

*silence*

"A-Ah, Troy." tinignan niya lang ako habang iniinom ang beer na nakaimbak sa fridge niya. 

"hanggang kailan tayo magpapanggap na tayo?" hindi na lang siya nagreact tapos tumayo sa sofa na katabi lang ng sofang inuupuan ko. Akala ko di na talaga siya sasagot...

"hanggang sa makalimutan mo na siya." saka siya lumabas. 

Ano daw? 

Mas pinili kong hindi pansinin yun, at binuksan ko nalang yung alcoholic beverage na binili ko kanina. Nakaka-tatlong baso palang ako ng biglang nagring naman ang cellphone ko at si Lucas na naman ito. Bakit kaya siya tawag ng tawag?  Kanina pa siya eh. Pa'no kung emergency diba? Kaya sinagot ko na.

Fix YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon