"Kung siya ang makakapagpatino sa anak ko Tito I don't see any wrong with it."

Nakakainis isipin na ang dali lang para sa kanila ang ikasal kaming dalawa na nagkita lang dalawang araw bago ang kasal namin, kaya anuman ang nangyayari ngayon sa amin pagkatapos ng kasal ay naiintindihan ko dahil na rin sa kagagawan nila Lolo at Tito Oscar. Para lang kaming isa sa kanilang mga negosyo kung pagusapan nila. Si Jade. I know her and I know too that she'll never fall for me. Kaya alam ko na hindi rin magtatagal ang kalokohang gustong mangyari nila Tito Oscar at Lolo.

Nabalik ang isip ko sa kasalukuyan ng marinig ko ulit ang  tinig ni Jade. Tahimik ang paligid kaya kahit nasa second floor ang boses na naririnig ko ay malinaw ang dating sa aking pandinig.
Umakyat ako at patungo sa kwarto namin ni Jade. Nakita ko ang likod ng isang lalaki na halos nakahiga na sa kama at si Jade na nakatungkod na ang isang braso sa kama. They're so close at kulang na lang ay maghalikan na.

"You have to go now, David. Thank you sa paghatid." rinig kong sabi ni Jade.

"I can stay here if you want." sagot ng lalaki, napailing ako. Hindi pwede ito sa sariling pamamahay ko protesta ng isip ko.

"I don't think that would be a good idea." sagot ko at pareho silang nagulat at naitulak pa ni Jade ang lalaki.

"Althea!" gulat niyang sigaw saka bumaling sa lalaki. "Go now David. Leave!" sigaw sabay tulak niya.

"But Babe." tawag pa nong isa.

"Go!Leave!" sagot lang ni Jade at tumayo na ang lalaki at tumalikod na rin ako para iwanan sila. Bumaba ako at deretso sa mini bar namin, nagsalin ng alak at minsanan ko itong ininom. Maya maya pa ay naramdaman ko ang sasakyang paalis kaya naisip kong nakaalis na ang kasama ni Jade.

"Dumating ka na pala Althea." boses ng matandang nagsalita sa likuran ko. Si Yaya Caring.

"Gising pa po kayo Ya?" tanong ko.

"Napabangon lang ako, Anak. Akala ko may nagsisigawan eh." sagot niya. Matagal akong hindi nagsalita ng may naalala ako.

"Ah, Ya. Maayos pa po ba ang kwarto ko sa attic?" habol tanong ko na ikinagulat niya.

"Oo naman Anak. Kahit higit isang linggo ka ng hindi natutulog doon ay malinis palagi yon." sagot ni Yaya at tumango lang ako."Papalitan ko lang ng punda at kobre kama. Matutulog ka ba ngayon doon?"

"Opo Ya. Salamat po." yon lang nasabi ko at tumango lang siya sunod ay umakyat na. Nakaupo pa rin ako sa bar counter at nag iisip ng marinig ko si Jade.

"I'm sorry, hinatid niya lang ako---"

"---I don't care what you do, Jade. But I will not allow you to do it in my house, not in my room and definitely not in my bed." putol ko sa sinasabi niya.

"We're not doing anything, hinatid lang ako ni David." Seryoso niyang sabi.

"Hinatid? How long have you known him para ihatid ka niya hanggang kama? A mere acquaintance will just stay outside your gate, a close friend outside your door and a very close one outside your bedroom and a lover definitely ihahatid ka hanggang kama."

"He's not my lover." mataray na niyang sagot.

"Like what I said Jade, I don't care what you do. Just don't do it here." sabi ko na sabay tayo at akyat ng hagdan, nilampasan ko ang kwarto namin, hinding hindi na ako hihiga diyan bulong ko sa sarili ko at tuloy tuloy na akong umakyat sa attic.

Life With YouWhere stories live. Discover now