Bigla niya kasi akong inakbayan. Baliw talaga. -_- Nasa jeep tayo oi.

o_o

Ngayon naman sinandal niya ulo niya sa balikat ko. Tapos narinig ko siyang nag-cuss.

"Bakit?" Ako

"Tss. Sila kasi titig ng titig sa'yo =.= Kanina ko pa pinapakita na TAKEN ka na pero wala pa rin Tss" 

"Hanggang tingin lang naman sila" Ako

"Tss. Kahit na....Ako lang...pwede...ako lang pwedeng tumitig sayo" >/////< Namumula niyang sabi

"Selfish" Ako

"I know" Nag-grin naman siya sa akin tapos kinurot cheeks ko.

Hiniram ko muna yung cp niya para maglaro ng games. Nakakatamad eh. Eto naman si Nathan, kung ano-ano ginagawa sa buhok ko.

"Kuya..dito na lang ho" Ako

"mauna ka na bee ^-^" bulong sa akin ni Nathan

"Okay" Ako

Pagkababa ko,nakita kong kinausap ni Nathan yung mga lalaki dun. Paglabas niya sa jeep, nakita kong nakasimangot siya. Anyaree?

"Hoy, kanina ka pa nakasimangot." Sabi ko habang naglalakad kami

"Wala yun" Nag-smile siya sa akin. Fake.

Inakbayan naman niya ako pagpasok ng mall. Tapos nagkwentuhan kami papunta sa Mang Inasal. Favorite naman yan ni Nathan eh. ^-^ Diyan kami lagi nakain. 

"Ang sweet nila"

"Awww. Ang gwapo"

"Glythan yan db?"

"Ang cute nila"

"Oi! Glythan yun oh"

Si Nathan naman biglang lumapad yung ngiti. Kaya habang naglalakad kami kinikilig yung mga babae. -_-

"Di kaya masira pisngi mo?" Tanong ko pag-upo namin dun sa upuan sa Mang-inasal.

"Haha! Atleast sila alam nilang tayo" Nag-grin naman siya.

"Ano konek?" Ako

"Alam mo Bee...many girls caught my eye...today" Ngayon? -_-

"Ahh??" Ako

"Selos?" Lumapad nanaman yung ngiti niya. How can you be so cute Nathan? -_-

"Siguro" Sabi ko habang kumakain ng fries.

"Hahaha! Sabi na eh. Sabagay....Gwapo kasi ako. ^-----^" Siya

"Yabang" Ako

"Bee...Many girls might have caught my eye...but ONLY YOU have caught my HEART" Siya

Bakit ba bigla-bigla nalang siyang magpipick-up line >.<

Pagkatapos naming kumain..pumasok kami sa isang clothing shop. Nakita ko naman na may hawak siyang damit. Tapos pumunta siya sa counter at pagkatapos nun lumabas na kami ng shop.

Campus LoveteamWhere stories live. Discover now