Chapter 9

37.8K 567 34
                                    

Chapter 9

Glydel's Pov

Hindi ako makatulog. (_._) Kanina pa ako nakatingin sa kisame, walang ginagawa, tumititig lang. Ginulo ko ang buhok ko at tumayo mula sa kama. Pumunta ako sa cabinet ko at nakita ko ang ginawang badge ng mga ka gang mates ko.

Sa sobrang normal ng buhay ko ngayon, ang hirap isipin na minsan akong nagkaroon ng gang. Hindi kami 'yung gang na nakikipag-away. Gusto lang nilang tawaging gang dahil maangas raw pakinggan at ako ang ginawa nilang leader. I can fight better than them but not as good as the real gangsters. Matitino at maayos kami. 

Nakaka-miss rin pala, ang sabi nila dadalawin nila ako. The thing is, hindi ko sila kilala. It may sound weird pero may codenames kami. Hindi ko nakita ang mga mukha nila, the new recruits of Lee Pranton. Tatlo sila kung tama ang pagkakatanda ko. Anyways, past is past. That's two years ago. Hindi na ako si "Gee Gangsta". 

Biglang nag-ring ang phone ko. Kinuha ko ito at nakita kong may message mula sa uknown number. "Goodnight, pandak. Kekok kekok kekok." Agad kong naalala 'yung tanong niya sa akin kanina. Siya ang dahilan kung bakit hindi ako makatulog!

"Bakit niya ba tinatanong kung gusto ko siya? Halata namang hindi! Lagi niya akong iniinis..." Pero habang nagsasalita ako, naalala ko 'yung mga panahong tinutulungan niya ako kahit medyo nakakainis ang paraan niya ng pagtulong.

KINABUKASAN, dumiretso ako sa canteen dahil maagang umalis 'yung lola ko at walang nahandang almusal. Bumili ako ng sandwich at juice at umupo sa usual table namin. Nakaka-tatlong kagat palang ako ng may tumabi sa akin.

"Goodmorning, Glyds! Bakit kumakain ka rito? Ang aga mo yatang mag-recess? Hahaha!" Nakangiti niyang tanong habang inaayos niya ang buhok niya.

"Walang almusal sa bahay kaya dito nalang ako kumain. Ikaw, bakit ang aga mo ata ngayong araw?" 

"Naramdaman kong maaga kang papasok---kidding! Parang susuntukin mo ako sa mukhang 'yan. May basketball practice ulit kami," Kinuha niya ang kamay ko at may nilagay rito.

"Chocolate? Mahilig ka sa chocolate, Gab?" Gulat kong tanong habang kinakain ang sandwich na binili ko.

"Hindi, bigay lang ng nakasalubong kong babae sa hallway. Naisipan kong sa'yo ko nalang ibigay tutal babae ka naman." Nag-thumbs up siya at tumawa. 

Campus LoveteamWhere stories live. Discover now