Chapter 1

71.2K 849 50
                                    

Glydel's Pov

 *Play*

♫♫ No No No No No

nun mureun No No No No No

apeumeun No No No No No (I hate that I love you so)

ibyeoreun hagi shilheo ♫♫


Kinuha ko ang walis tambo sa gilid ng kama ko at ginawa kong microphone. Naka-earphones lang ako para hindi maingay. Alam niyo naman, yung mga warfreak na kapitbahay. Lumulundag-lundag pa ako sa music at nag-lilip sing ng biglang bumukas ang kwarto. Agad akong napatigil sa pagsayaw at hinagis sa ilalim ng kama ang walis.

"Goodmorning, Lola." Nakangiti kong bati habang sinusuklay ko ang buhok ko gamit ang kamay ko. Mukhang hindi napansin. Whoo. =_=

"Nakahanda na pagkain sa baba. Aalis ako maya-maya kaya bilisan mo. Anong oras na? Malalate ka niyan sa unang araw mo sa bago mong school," 

Sinundan ko na siya pababa kaya medyo mabagal kami umusad. Yang si lola, 10 years na akong nasa kanya. Hindi ko na rin matandaan kung paano niya ako nakuha basta ang alam ko, siya na ang tumayong nanay sa akin. Ang ayaw ko lang sakanya, mabilis siyang magsawa sa isang lugar kaya palipat-lipat kami ng bahay. Minsan malayo pero minsan malapit lang din sa nagiging bahay namin.

"Anong sinasayaw mo kanina? Mukhang nag-eenjoy ka sa pagkanta. Mabuti at hindi ka na kumanta. Sa huli nating bahay, yung mga kapit--"

"Oo na! Oo na! I get it." Namumula kong pagsingit sakanya. Shet naman =_= Na-trauma ata yung mga kapitbahay sa boses ko. Pero may boses naman ako 'no. Medyo di pa nga lang umuuso. ^^

"Ikaw ba'y iniwan mo na iyang mga kaibigan mo?" Sumeryoso agad ang mukha niya at na-guilty naman ako sa ginawa ko.

"Oo nga ho, sa tingin niyo susundan pa nila ako dito? Kalahating oras din ang layo nila dito, lola." Hinawakan ko ang bracelet sa kanang kamay ko. Dumako ang tingin niya rito at agad akong binaba ang kamay ko at umiwas ng tingin.

"Gee, isa rin sila sa dahilan kung--"

"Bakit tayo lagi lumilipat? Alam ko po, Lola." Humina ang boses ko at tumingin ako sakanya. Ngumiti ako, "Kakain na ako. Baka malate pa ako mamaya."

Naglalakad na ako sa hallway ng school ng nag-ring ang bell sa campus. Nakita kong nagtatakbuhan sila at ang iba nagbubungguan pa. Ang mga babae habang tumatakbo, nagpupulbos pa. Anong nangyayari? Hinawakan ko ang class schedule ko at tinignan kung meron bang scheduled event ngayon. Mamaya pa naman ang Basketball Try-outs.Volleyball, mamaya din. Kinalikot ko yung bag ko ng biglang lumipad yung Class Sched ko. 

Pakshet naman oh. =_=

Hinabol ko yon pero ang layo na talaga. Bakit ba ang hangin dito sa campus? Eh sa subdivision namin, parang enclosed area. May aircon ba dito? Pft. Imposible. Bahala na, tumakbo na ulit ako para hanapin 'yon.

"Miss," Napatigil ako sa pagtakbo at napatingin ako sa gilid ko. Nakataas ang kaliwang kamay niya at hawak niya ang class sched ko. "Yours?" Winave niya ang papel.

"Yes, mine." Lumapit ako sakanya. Nakasandal siya sa pader ng isang room. Tumingin ako sa itaas. Class IV - Section I. Dito kaya siya? Inaabot ko yung papel kaso ang taas ng kamay niya. "Errr. Pwede pabigay nalang?"

"Paghirapan mo muna. That way, it's worth the hardwork." Nakangiti niyang sagot habang tinaasan niya ulit ang kamay niya. Pakshet siya. =__=

Sasagot na sana ako nang tumunog ulit ang bell sa buong campus. Napahawak ako sa magkabilang tenga ko dahil mas malakas na ito ngayon. Sinisira ba nila ang eardrums ng mga estudyante dito?

"Shit." Napatayo siya ng maayos. Tinignan niya ang ang relo niya na sa tingin ko mamahalin dahil ang ganda ng design. "Pang-ilan nang bell 'yon?"

"Second?"

"Double shit. Oh," Inabot niya sa akin ang Class Sched ko at naglakad paalis pero nakaka-ilang hakbang palang ay tumigil na siya. "Pumunta ka sa Gym. Flag Ceremony kaya may bell, bilisan mo."

 

Gusto kong gumapang sa papbalik sa bahay. Anong klaseng Flag Ceremony 'yon? Pagdating ko don, nag-start na ang prayer at pinapunta ako sa right side kung saan may halos 20 students na mangiyak-iyak na.

"Anong meron?" tanong ko sakanila.

"Hell. The hell is near." sagot nilang sabay-sabay.

Pina-push up kami ng hanggang sampu at pinatakbo paikot ng gym ng tatlong beses. How very considerate of them. 

Umupo na ako sa upuan ko at kahit gusto ko nang matulog, pinilit kong nakabukas parin ang mga mata ko.

Campus LoveteamWhere stories live. Discover now