Chapter 6

38.8K 552 38
                                    


Started on October 2011.
Finished on December 26, 2012.

Twitter:
@xxxialy







Glydel's Pov

I am definitely not jealous. Ang kapal naman talaga ng mukha ng kumag para sabihin sa aking nagseselos ako sakanila nung maputing babae. Two days ago pa nangyari yun pero ngayon lang siya nag-react. Psh.



Hindi naman ako aasarin nun kung hindi ako napansin ni Lorraine na pinupunit ang papel during math class.

"Anong nangyari sa'yo? Kanina ka pa sa canteen ganyan. Bigla ka nalang nang-iiwan. I really need to get out of there. Nasusuka ako sa ginagawa ni Kath. Ugh!

"Nakakainis! Naiinis ako." Nagpunit ako ng papel at nagsulat ng solution sa ginagawang problem ni ma'am.

"Bakit ka nga ba naiinis? Kanina ko pa gusto tanungin sa'yo eh kaya nakipag-exchange seats muna ako kay Gabriel. Dali, ano 'yun?" *o*

"Kanina kasi---"

"Wait, don't tell me," Tinakpan niya ang bibig niya at shocked ang expression niya.

"What?!" I asked, annoyed.

"Nagseselos ka? Omg! Omg!" tanong niya na halatang narinig ng buong klase.

"Pft no! Are you serious? Nahihirapan ako sa lesson natin, kanina ko pa hindi masolve!" I hissed.



And yes, ibig sabihin narinig din ni Nathan Lopez ang sinabi ni Raine na nangungulit ngayon sa tabi ko.



"Pandak na bingi na bulag na selosa. Hoy!"


Wala akong naririnig. Lalalala~ Kinuha ko ang ballen ko at nag-sulat lang sa notebook ng kung ano-ano. Inurong palapit ni Gabriel yung upuan niya palapit sa akin. Seatmate ko nga kasi siya pati si Nathan.

"Gee, gusto mo bang pumunta mamaya sa club namin? Pwede daw magsama mamaya. Kung gusto mo lang naman." Ngumiti si Gabriel at nag-thumbs up. Nginitian ko din siya at sasagot na sana nang sumingit yung kumag.

"No. May activity kami mamaya, ask her next time."

"Ganun ba? Maybe next time." tumungo siya at ngumiti.


Sumimangot ako pagkasabi niya noon. Gusto ko din kasing bumisita doon sa club niya. Last week niya pa ako niyaya. Wala akong chance para mapuntahan iyon dahil busy sa ibang activities. Lumingon ako kay Nathan, ngayon lang kasi yan nagpa-activity.



"May activity ba talaga tayo mamaya?" bulong ko sakanya at agad siyang tumingin sa akin.

Campus LoveteamWhere stories live. Discover now