Manloloko

71 31 2
                                    

Umibig, Nasaktan, Di maka-move on.

Oh! Ang buhay nga'naman punong-puno ng misteryo.

Misteryong walang kasiguraduhan, kung may mga sagot pa ba?

O magmimistulang hanggang dito na lamang.


Siguro, isa na dun ang mahalin kita.

Sobrang sarap pala magmahal.

Yung tatawirin ko ang libo-libong bundok, makita ka lamang.

Pero ang pinakamasarap sa lahat'ang mahalin ka din ng mahal mo.


"Wala na kong mahihiling pa!" mapapasambit ka na lang talaga.

Pero gumunaw ang mundo ko, nung 'nakahanap ka na pala ng iba.

Ikaw! Ang daya-daya mo. Hindi naman tayo nag-away,

At mas lalong wala namang problema' nung huli tayong nagkita.


Ang bilis para 'sayo na ako'y ipagpalit.

Pero bakit ganun! Tuwing ika'y aking kasama, ramdam ko na'mang masaya ka.

Tapos isang araw, nawala ka nalang bigla.

Nawala ng parang isang bula.


Sana balang araw, makalimot din ako.

Tulad ng paglimot mo sa pagmamahal ko.

Siguro nga, hindi ka deserving na maging parte ng buhay ko.

Sapagkat masasabi kong isa kang dakilang manloloko.


12-29-16

-PARA ITO SA MGA MANLOLOKO DIYAN! 😹

Love Anthology Where stories live. Discover now