Malapit ng bumagsak ang luha ko. Please wag. Kaya ko to.

" Ito masaya halika sabay na tayo pumasok sa room"

Parang bigla akong kinurot sa puso.

"Buti ka pa masaya"

"Makakalimutan mo rin ako althea. Sorry ha"

Gusto kong magalit sayo adrian pero di ko magawa sana mapalitan ng galit ang nararamdaman ko sayo.

"Sana nga makalimutan na kita agad"

Andito na kami ngayon sa room kaya hindi ko na siya kasabay.

Nag uusap sila ngayon ni Trixie at ang saya nga nila.

Paano ba ako makaka move on nito kung palagi ko silang tinitignan.

Ang sakit sakit pa rin.

"Besh!"

"Andyan ka na pala"

"Bat ganyan nanaman mukha mo?"

"Wala to Hahaha"

Itatawa ko na nga lang.

Andito na pala si Sir.

"Okay may bago nga pala kayong classmate galing sa ibang section sobra na kasi sila kaya dito siya nilipat."

"Mr. Rivera halika na at magpakilala ka na"

Biglang nagtilian ang mga classmate kong babae dahil biglang pumasok kaya bigla kong inangt ang ulo ko para makita.

Nanlaki ang mga mata ng makita siya it means magiging classmate ko na siya bakit naman ganito ewan ko ba kung bakit ako naiirita pag malapit siya sa akin.

"Hi Im Mio Zayn Rivera nice to be here"

Bigla siyang tumingin at ngumiti sa akin at iniwas niya yun agad ng tawagin siya ni Kervin.

"Uy! Bro"

"May kakilala ka na pala dito Mr. Rivera sige tabi na kayo ni Kervin."

~*~~

Vacant nanaman namin parang gusto ko mapag isa aakyat na muna yata ako sa roof top.

"May pupuntahan muna ako Mica ha"

Hindi ko na nahintay ang sagot ni Mica dahil umalis na ako agad.

Nakakarelax talaga dito lalo na at kitang kita ang naglalakihang mga building.

Makikinig na nga lang muna ako ng music.

Isang oras pa ang vacant namin tagal pa.

"Patabi ako ha makikinig na rin ako sa music mo "

Bigla akong napatalin sa gulat sa pagdating ng isang lalaki.

"Hoy!Lumayo ka nga at pwede ba kumuha ka ng sarili mong earphones!"

"Shhh wag kang maingay ang sakit sa tenga"

"Umalis ka nga dito!" Pagtataray ko.

"Sasamahan na kita"

"Ayoko!"

"Ang sungit mo talaga!"

Ayoko sa lahat ng sinisigawan ako dahil pakiramdam ko nanliliit ako. Saka ako lang dapat ang may karapatan manigaw sa kanya.

"Bat ka naninigaw!?"

"Sinisigawan mo rin ako eh!"

"Ako lang pwede manigaw wag kang gagaya ---"

Bigla akong napahinto sa pagsigaw dahil pakiramdam ko tutulo na luha ko. Nakakainis naman kasi tong lalaking 'to.

"Bat ka naiiyak? Sorry na"

Be My ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon