Part 26

1K 29 2
                                    

"AAAAAAaaaaahhhh!!", sigaw ng mga estudyante sa loob ng canteen. Silay hindi makapaniwala sa nakita, maski nga ako eh!

"Nakakakiliiiiiiiiiiig!!!!",nagsabay pa ang tatlo kong kaibigan na napanganga din sa nangyari.

Kinikilig nga talaga ako sa kanya. Ang init na ng pisngi ko, ano ba tong pinaggagawa nya? Yakap yakap nya ako sa harap ng maraming tao!!!

Bumitiw na sya sa pagyakap sa akin at tumingin sa aking mga mata.

"Ba't umalis ka kaagad? Ang dali mo namang kumain at nagbihis."

Oo, pagkatapos kong magluto ay kumain ako ng mabilis na mabilis at naligo ng limang minuto at 2 minuto na nagbihis ng unipormi kaya sa paglabas nya'y! Cheneng! Wala na ako. Ayoko kong makaharap sya ulit. Kinakabahan kasi ako sa kanya kanina.

"Ikaw kasi eh! Tinakot mo ako kanina!"

"Kaw talaga!", sabay tapik sa aking ulo.

Maya'y hinawakan nya ang batok ko at hinalikan nya ako sa noo.

"YyyEeeeehhhhh!!!???", yan nalang ang narinig ko sa mga estudyanteng nakapaligid sa amin.

Ano ba nemen eh! Bekit hinalikan nya ako sa noo! Kinikilig tuloy ulit ako! Hinawakan pa nya ang kamay ko kaya napayuko na talaga ako sa hiya. PDA!

"Yuri, ba't mo ginagawa to at bakit ka nandito?"

"Namiss kasi kita."

Humarap sya sa mga kaibigan ko at nagpaalam.

"Hiramin ko lang muna kaibigan nyo huh."

Napatango naman tong mga kaibigan ko.

Sinimulan na kaming naglakad palabas ng canteen hanggang palabas kami ng school at pumasok sa kotse nya. Pinaandar kaagad ito ni Paul at dinala ako sa isang malawak na harden na kami lang dalawa.

"Ano yong eksenang ginawa mo kanina? Bakit mo ako niyakap at hinalikan sa noo? At bakit mo ako dinala dito?"

"Sabi ko nga na miss kita. Hindi pa ba sapat na rason yon."

"Bakit doon pa? Nakakahiya baka nasa social media na tayo nito."

"Hayaan mo sila."

"Ano na naman ang idadahilan ko nito para hindi sila maniwalang hindi ko boyfriend ang lalaking ito.", bulong ko sa sarili.

Nilapit nya sa akin ang mukha nya.

"Ay! Baklang botiki!"

"Anong binubulong bulong mo dyan? At anong baklang botiki?"

"Hehe, wala wala."

Tumahimik sandali. Gusto kong itanong sa kanya nong nandon kami sa roof deck ng yacht ni Jake. Noong sinabi nya na gusto nya ako. Pero kinakabahan ako, baka lasing lang sya non kaya nasabi nya yon. Pero diba kapag lasing ang tao ay totoo ang sinasabi nila. Ay bahala na! Gusto ko talagang malaman!

"Ahm, ...... Yuri...?"

Lumingon sya sa akin.

"Yong nasa roof deck tayo. Totoo ba yong sinabi mo?"

"Anong sinabi ko..??"

Ay! Walay na! Hindi nya na naalala. Wag na nga lang.

"Wag na nga lang! ", sabi ko sa kanya. Medyo nalungkot ako sa sinabi nya. Hindi nga siguro totoo ang sinabi nya sa akin.

"...that I like you...?", napanganga ako dahil naalala pala nya yon.

"W-wag mo nalang isipin yon.", naalala pala nya talaga.

"It's true that I like you and I want to make you mine. Only mine, Miyu."

Lumakad na sya papalapit sa akin saba'y pa ng titig nya. Ayan na namang sinasabi ko eh! Sana hindi ko nalang tinanong sa kanya. Napaatras na naman ako at napasandal ako sa puno. Trap na naman ako! Isinandal nya ang isang kamay sa puno.

"Yuri..b-bakit gusto mo naman ako. Una, mahirap lang ako, hindi naman ako kasing ganda ng mga model at artista na nakapares mo at--"

Napatigil ako nang hinawakan na nya ang pisngi ko.

"I like you because your different from them. Your beauty attracts me. Your body distracts me. Your so numb that you did not feel how much I like you. Your the first girl who rejects me. Your the first girl that did not respond my kisses for so many times I kissed you. That's the reason why I want you so badly.... I want to bite that red lips of yours."

Palapit ng palapit ang labi nya sa akin kaya mabilis kong tinakpan ang kamay ko.

"Yuri wag."

Kinuha kaagad nya ang kamay ko at hinawakan ang baywang ko. Idinait nya ulit ang labi nya sa akin.

"Hmm...Y-yuri tika..hmm.."

Hinahalikan parin nya ako, tinulak ko na sya pero hindi parin sya natinag.

"Y-yuri, m-may tao yata."

Napabuntong hininga sya at kinuha ulit ang kamay ko. Nagsimula na kaming maglakad.

"Cellphone mo?"

Kinuha ko ito sa sling bag at binigay sa kanya. May tinawagan sya at sinagot kaagad ito ni...

"Paul, kunin mo kami rito may nakapasok na taga media."

Ano nga ulit sinabi nya? Taga media! Ibig sabihin nakunan kami kanina na naghahalikan. Ano ba naman to? Ang gulo na ng sitwasyon ko ngayon.

Dumating narin si Paul at pumasok kami sa loob ng kotse. Pagpasok ko naman ay may narinig akong tumunog ang aking cellphone. Binigay naman nya ito sa akin.

Tiningnan ko kung sinong nagtext at nabasa kong nanggaling to kay....

Sino kaya ang nagtext kay Miyu? Nakita kaya sila ng taga media? Nakunan kaya sila?

"I'm Trapped!" BOOK 2 (FIN) BTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon