Time Between Us - 14

2.5K 99 49
                                    

December 31, 2005 10:00AM

Araw ng libing ni Nasser.

Si Ressan ang pinakahuling nagsalita sa misa para sa libing ng kapatid. Halos hindi niya mabigkas ng maayos ang mga salitang binibitawan dahil sa pagiyak. Lahat ng naroon sa misa ay bakas ang kalungkutang nararamdaman. Kasam naman ni Monique ang dalawa niyang kaibigan na katabi niya sa upuan. Lahat ng kamag anak ni nasser ay naroon sa harapan na lahat ay naluluha.

Walang patid din ang pagtulo ng luha ni monique maging ang kanyang dalawang kaibigan.

Sa sementeryo ay halos himatayin na sa pagdadalamhati ang mama ni ressan habang yakap niya ito. Halos magsisigaw na ang mag-ina ng buksan ang kabaong para sa huling bendisyon at pamamaalam ng lahat ng kapamilya. Maging si monique ay lumapit at nag alay ng salitang pamamaalam bago ito ibaba sa hukay.

Nasa likod ni Monique si Ressan na lumuluha lang.

" Paalam nasser.....sa apat na araw na nakakausap kita ay nabigyan mo ng kaunting saya ang nararamdaman kong lungkot dahil sa maling pag-ibig. Hindi man tayo magkaharap sa panahong iyon ay naipakita mo sa akin ang kahulugan ng salitang. Life is Beautiful no matter what.....hindi natatapos ang lahat dito nasser ang magandang naging buhay mo katulad ng mga naging karanasan nating pagkabigo sa pag-ibig ay bumangon tayo....paalam kaibigan....mami-miss kita, mami-miss ko ang tinig mo ang kakulitan at pang-aasar mo sa loob ng apat na araw ay nagbigay kaligayahan at ngiti sa akin....paalam sa iyong paglalakbay. Paalam kaibigan..."

Agad inihanda ang pagbaba sa hukay ng kabaong ni nasser at doon na nahimatay ang mama niya. Isa isang naghulog ng bulaklak ang mga tao at nagpalipad ng mga puting lobo.

Impit na iyak ang maririnig habang tinatabunan na ng lupa ang kabaong ni nasser. Doon lamang umalis si Monique at kanyang mga kaibigan. Sa kotse ng asawa ni rezza sila sumakay at nagpahatid muli si Monique sa bahay nina ressan kung saan nauna na ang mga kaanak ng namatay.

Pagkahatid ay tumuloy na rin ang mga kaibigan niya sa dahilang bisperas ng bagong taon.

Agad siyang sinalubong ni Ressan ng makita siyang papasok ng gate.

" Bumalik ka monique? May naiwan ka ba?"

" Ummm wala naman....bawal bang bumalik?"

Bahagyang natawa si Ressan. Ang mga batang pamangkin naman ni ressan sa mga pinsan ay hinawakan sa kamay si monique at hinila na papasok ng bahay. Nagkatinginang nakangiti na lang sila ni ressan.

Nagla lunch na ang pamilya kaya pati si monique ay kasali na rin at katabi si ressan.

" Tito lessan atawa mo po tya?" Tanong ng maliit na batang lalaki na pamangkin ni ressan kaya naubo ang binata.

" Hindi ko siya asawa buboy...kaibigan pa lang." Natawa na lang ang mga nakarinig.

" An danda danda po nya kati! Tana po mag atawa kayo paya may kayayo na ato bago."

" Ang batang ito kaliit alam na ang mga asa-asawa na yan!" Puna ng lolo nito na kapatid ng mama ni ressan.

" Ganyan na ang mga bata ngayon ang daming alam......iha....monique.....saan ka magbabagong taon?"

" Ah  tita mamaya pong pag uwi ko sa apt aalis din ako pauwi ng prov sa laguna nandoon po kasi family ko."

" Ay ganun ba....sayang kala ko puwede ka naming makasama ni ressan at buong pamilya....maski nagluluksa kami....gusto pa rin namin salubungin ang bagong taon na masaya."

" Ganun po ba....dont woryy po....pagbalik ko dadalaw ako ulit dito."

" Dapat andito ka next wk sa pasiyam ni kuya."

TIME BETWEEN USWhere stories live. Discover now