Time Between Us - 8

2.3K 106 3
                                    

December 22, 2004 11:00 pm

Nassers POV

Hindi kita masisisi monique kung wala kang maramdaman man lang sa akin. Wala nga ba? Sa halos mahigit dalawang taon na kitang kilala, nakakausap at isang taong nakikita ay di mo ako mapigilang ibigin ka. Hindi mo ako kilala at marahil wala ka pang makitang pagkakakilanlan sa akin dahil hindi pa nagtatagpo ang panahon natin. Ganunpaman hindi yun hadlang sa akin gaano man katagal hihintayin kita. Nakakatawa lang dahil hindi ko alam kung tama ba ang hihintayin kita o hahabulin kita.
.
.
.
.
Nanatiling nakahiga si Nasser na nakatingala sa kisame ng tumunog ang kanyang cp. Agad niya itong kinuha.

" Hello bro?! Napatawag ka?"

" Kauuwi lang kuya sa trabaho, alas syete pa lang ng gabi dito......ipinadala ko na pala kay mama yung pera for this month kanina."

" Thanks bro! Ano kailan ang uwi mo?"

" Sa December 20, 2005 kuya. Nagpa lipat ako ng date ng uwi diyan sa pinas. Lam mo naman masaya ang pasko diyan."

" Ok lang yan....mag ipon ka pa para sa sarili mo at sa future mo. Huwag mo kaming alalahanin ni mama. Maganda naman trabaho ko at si mama may pension natatanggap mula kay papa. Kaya huwag mo kaming masyadong isipin."

" Salamat kuya. Huwag mong pabayaan si mama ha."

" Ikaw din huwag mong pabayaan sarili mo. Baka naman puro ka pa rin pambababae diyan. Di ka na bata, tumatanda ka na. Alam kong iba diyan, huwag kang padadala sa ibang babae diyan. Kilatisin mong mabuti kung karapat dapat siyang pakasalan."

Napahalakhak naman si Ressan sa tinuran ng kapatid. " Kuya alam ko yan, hindi naman ako basta-basta pumapatol sa mga babae dito. Pinipili ko lang ipi fling ko."

" Ulol! Wala ka talagang kaseryosohan sa babae!"

" Magseseryoso ako kuya kapag nakita ko ulit yung babaeng nakita ko noon sa Aristocrat Restaurant."

Si Nasser naman ang napahalakhak sa sinabi ng kapatid. " Seryoso bro?!! Hanggang ngayon hindi mo nakakalimutan yung gabing yun?! Magtatatlong taon na ah! Naka move on nako sa tanga kong ex! Suma impyerno nawa ang kaluluwa niya! Ikaw di ka pa rin nakaka move on sa babaeng yun na di mo naman nakilala! Tsk! Ibang klase ka din!" Sabay halakhak ulit ni Nasser.

" Kung makahalakhak at makapagsalita ka naman kuya parang di ka na in-love! Im sure hanggang ngayon nakikipag lokohan ka pa rin diyan sa call mate mong taga ibang panahon!" Muling tumawa si Ressan na halos ikabingi ni Nasser.

" Ulol ka! Huwag mo akong itulad sayo! Naniniwala ako na totoo siya at magkikita kami at sa Dec 23, 2005 yun! Andito ka na sa panahong yun kaya ipapakilala ko siya sayo! Mamatay ka sa inggit bro!"

" Kuya naman baka mental na ang bagsak mo at naniniwala ka sa pangti trip ng babaeng yun..
Sino nga ba yun?"

" Monique! Kala mo sakin baliw! May mga ebidensya na ako na totoo siya at nabubuhay siya sa panahong ito. Kaso di pa niya ako kilala. Kaya hihintayin ko yung panahong ibinigay niya para magkakilala kami."

" Oo na nga kuya ikaw na ang may magiging gf sa future. Pero sa tingin mo ba magustuhan ka ng babaeng yun?"

" Magugustuhan niya ako, susuyuin ko siya at liligawan."

" Hanep ah talagang hindi mo na siya pakakawalan."

" Oo naman! Kung ako hindi ko pakakawalan sa future ang future ko, ikaw naman pinakawalan mo pa sa past mo ang future mo! Eh di ngayon asa ka! Baka nag asawa na yun. Ngawa ka na lang pag nakita mo siya!"

" Pang asar ka kuya! Pero alam mo may katiting akong pag asa na makikita ko siyang muli."

" Drama mo! May makita kang muli ka pang sinasabi! Baba mo na at matutulog na ako."

" Sige na nga! Goodnight kuyang may futuristic gf kuno!" Sabay halakhak at patay ni ressan ng cp nya kay di na nakasagot si nasser at napailing na lang na pinatay na din ang kanyang cp para magpahinga na rin.
------------------------------------------------------
December 23, 2005 7:00AM

Sakay ng taxi papasok ng trabaho si Monique ng maalala niyang tawagan muli si Nasser.

Monique's POV

Almost 9 hrs na pala ng huli ko siyang nakausap at january 5, 2005 sa kanyang panahon, ano na kaya ngayon?"

" Hello.....?? Hello......???"

Aba himala! Hindi agad sumagot.

Ilang ring pa at sumagot na rin si nasser.

" San ka ba nagpupunta at antagal mong sumagot?!!"

Bahagyang natawa si nasser.
" Bakit babe? Namiss mo ba ako?!"

" Tseee! Hindi kita nami miss noh! Aalamin ko lang ang time mo diyan at ipaalala na mamayang gabi na dito ang pagkikita natin noh!"

" Ang hayblad naman ng babe ko! Galing ako sa cr nagbawas lang!"

" Ang bastos mo! Sinabi mo pa!"

" Nagtanong ka kasoli eh....pero ang time ko dito ngayon ay June 16, 2005 na 7: 30 am di ako pumasok sa wrk masama kasi pakiramdam ko...pero since tumawag ka na medyo gumagaling na ako."

" How nice naman! At ginawa mo pang paracetamol ang maganda kong boses noh! 7:35 am na dito at papasok pa ako sa work noh! Pero halfday lang ako, then mayang hapon magsisimba ako after that magkikita na tayo. Magpakita ka sakin kung hindi nakuuuuuu!!!"

" Kung hindi ay ano babe? Papatayin mo ako??? Babe hindi mo naman ako mapapatay kung sakali dahil hindi nga ako magpapakita kung yan nasa isip mo....pero pramis magkikita tayo at ibibigay ko sayo ang surprise ko sayo na totoo ako na mula sa past mo. Kaya wait for me babe i swear i'll be there. Just call my nameeee ill be there, ill be thereeeee!" Sabay halakhak ni Nasser na ikinakangiti na rin ni monique sa kabilang linya pero pinangatawanan pa rin pagsusungit kunwari. Hanggang sa nagpaalam muli si monique dahil nakarating na siya ng opisina niya.
.
.
.
.
.
.
.
Itutuloy.......
------------------------------------------------------

TIME BETWEEN USWhere stories live. Discover now