"I doubt na mabibili ko pa yon."

"Bakit?" Sinabi niya ang lahat-lahat rito except ang marriage proposal ni Kelvin.

"Aw I'm sorry to hear that."

"That's alright, para naman ito sa mga magulang ko. You know my parents have been through a lot kaya it's my turn to help them. Just like what they say, ang anak ay hindi kelan makakabayad sa mga magulang or something like that."

"Yes i know what you mean. Oh friend if your here you'll have three hugs from us."

Tumulo na ang luha niya na kanina pa niya pinipigilan.

"Thank you friend."

"I don't want you to cry so please friend stop na." sumusinghot na rin ito.

"Well, just call me kung kelan kayo dadating. I love you friend and thank you sa lahat-lahat."

Napa-upo siya sa harap ng bedroom Vanity. Kinuha niya ang hair brush at nagsimulang magsuklay ng buhok. She took her travelling make-up bag at kinuha ron ang kaniyang moisturizer at nagsimulang magpahid habang ang kaniyang mga mata ay nakatitig pa rin sa imaheng nasa harapan niya. Matapos gawin ang ritual niya ay napahinga siya ng malalim dahil naalala na naman niya kung bakit nandito siya't nakikitulog sa ibang bahay. Masaya na sana ang buhay niya siya sa America. She loved her freedom lalong-lalo na ang trabaho niya. Makukumpleto na ang plano niyang kalayaan kung magkakabahay na siya sa New York. Masyadong mahal ang renta sa City tapos wala ring backyard at puro ingay galing road works at polusyon lang ang aabutin niya. Naisipan rin niyang bumili ng bahay sa New Jersey dahil mas mura at malapit lang naman kung tutuusin. Pero sa nangyari ngayon lahat ay puro plano na lamang dahil alam niyang malabo ng mangyari ang lahat. Nagbabantang tumulo ang kaniyang luha kaya niligpit na niya ang lahat at naghanda na sa pagtulog. Wala siyang oras gugulin ang sarili sa pag-iisip ng mga problema niya sa buhay. Kailangan niyang magpakatatag para sa kaniyang sarili at sa kaniyang pamilya na rin.

Bago matulog ay tinawagan muna ni Kelvin ang ama at pina-alam na hindi siya makaka-uwi ngayong gabi. Kahit na may sarili ng bahay na naipundar ay sa mga magulang pa rin siya nakikitulog minsan. Close sila ng mga ate at kuya niya sa parents nila. Kaya't kung anu-ano man ang kanilang problema ay dito sila humihingi ng payo.

"Sigurado ka na ba sa pinaplano mo?" tanong ng Dad niya matapos niyang sabihin dito ang nangyaring pakikipagkita nila kay Mr. Choi kanina at ang proposal niya kay Ciara.

"Napag-isipan ko na itong mabuti Dad alam mo namang matagal na akong naghihintay na dumating ang araw na ito."

"Eh kelan ba ang kasal?"

"Sa lalong madaling panahon."

"Eh hindi kaya mabibigla si Ciara niyan hijo? eh hindi mo pa nga nililigawan ang pobreng bata eh pinuwersa mo ng magpakasal sayo."

Naihilamos niya ang kamay sa kanyang mukha.

Collateral Marriage COMPLETEWhere stories live. Discover now