"Ha?" Tanung ko pero umiling lang sya habang nakangiti.

Tignan mo tong mokong na to. Gumagamit na naman ng ibang language.

"Back to our topic... Hindi ako mabait. I just know what Keifer been through. He already lost one of his family member. Kaya ganun nalang ang pagpapahalaga nya kay Keigan." Paliwanag nya pa.

"Kaya sa halip na awatin nya, tinulungan pa nya?"

Nag-nod sya sakin. "Maybe... I'm not sure."

"Tss... Abnormal lang kamo talaga sya." Inis na sabi ko at sumubo ng ice cream.

Patuloy ako sa pagkain ng marinig ko sila Kit na nagsasalita. Napatingin ako sa kanila.

Naku! Ayan na yung Hari ng mga Ulupong.

Tumalikod ako agad at hinarap si Yuri. Nakaka-badtrip yung pagmumuka nya. Sana hindi na sya nagpunta dito.

"Yuri..." Tawag ni Keifer.

"Hey... Kamusta si Keigan?" Tanung ni Yuri.

Umalis ako sa pwesto ko at lumipat. Nakapagitna kasi ako sa kanila. Hinayaan ko silang mag-usap.

"Anu flavor nyan?" Tanung ko kay Ci-N ng mapansin kong puno'ng puno ang baso nya.

"Hindi masarap."

Ha?

"Flavor tinatanung ko. La kong paki sa lasa!"

Napaghahalata yung madamot eh. Ang layo ng tanung ko sa sagot nya.

"Sansrival tsaka ube, tapos rocky road at vanilla." Natatawang sagot nya sakin.

Hindi sakit ng tyan ang hanap nitong bata na to. Goodluck nalang sa banyong tatakbuhan nya mamaya.

"Patikim nga." Sabi ko at akmang kukuha pero ang damot talaga ng walang hiya. Inilayo yung baso sakin.

"Bawal... Sasakit tyan mo dito."

"Nahiya naman ako sa tyan mo! Hindi sasakit yan?!"

"Hindi. Basta wag."

"Ang damot mo kamo!" Inis na sabi ko.

Patuloy kami sa pag-aasaran ng may nagbaba ng mason jar sa harap ko. Apaw na apaw sa ice cream, tadtad ng sprinkles at marsmallow. Meron ding stick-O at chocolate syrup.

Tsarap!

Gusto kong kuhanin at lantakan agad yun pero tinignan ko muna kung sinong naglapag nun sa harap ko.

Hmpf! Ayoko na pala!

Naupo sya sa tabi ko at mukang hinihintay nya yung sasabihin ko. Pero hindi ko sya hinarap. Nagpatuloy ako sa pangungulit kay Ci-N.

"Ayoko nga... Bawal mamigay. Masama." Pagpipilit ni Ci.

Aba! Napaka-tindi ng batang to. Minsan ka ng bwisitin sa kadamutan nya.

Tinignan ko sya ng masama. Masasalita pa sana ko pero biglang nilapit ni Ci yung mason jar sa harap ko.

"Meron kana oh! Wag ka ng mang-agaw." Sabi nya ay bigla nalang umalis.

Tengene!

Pilit kong iniiwasan yung ice cream sa harap ko. Halos mag-maka-awa na yung dila ko sakin para lang matikman yung ice cream.

Tiis tiis muna.

"Kainin mo na. Matutunaw na yan." Sabi nung kumag sa tabi ko.

Inirapan ko lang sya bilang sagot. Kala nya madadaan nya ko sa ganyan.

Ang Mutya Ng Section ETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon