Hangin

58 0 0
                                    

ABCastueras, ate AB, ginawan ko po ng tula yung ENTRY#1 ng happy lang walang ending! ❤️

Hangin
By: Me

Tayo'y masaya noon,
Pero lahat ay nagbago ngayon,
Pinagsisihan ko lahat ng ginawa kong pagsakit sa sayo,
Dahil hindi ko sinunod ang sigaw ng aking puso,
Mas pinili ko yung makakakita ako ng pera,
Pinili kong iwan ka,
Pero habang umalis ako,
Doon ko lang na realize na ikaw pala ang mahal ko,
Nung ako'y bumalik na,
Nakitang mas gumanda ka pa,
Mas kuminis ang mukha mo,
Pero para sa akin, walang nagbago,
"Hi Jerry! Kamusta ka na?"
Pilit na ngiti aking pinamukha,
"Okay lang ako basta okay ka lang."
Ngumiti ka ng matamis,
Tumawa ng walang labis,
Pero ang mas ikinalungkot ko,
Yung sulat na nilagay mo sa kamay ko,
"Iniimbita kita sa Wedding ko!"
Masayang sabi mo,
Kaya ngayon eto ako,
Nakatayo sa simbahan,
Hindi dahil magiging groom mo,
Kundi magiging best man sa kasal niyo.
Pero sana ipamgako mo,
Na hindi mo ko iiwasan tulad ng hangin,
Kagaya ng ginawa ko sa'yo noon.

Cheri, the Frustrated PoetWhere stories live. Discover now